III

Dumating ang gabí.--Bagama't pusikit ang dilím ay madali niang na

tanáw ang punò n~g kamatsileng maalitaptáp. Pumatók ang "animas";

tumakbó na sia't yumapós sa punong yoon, kumagát sia't na ka tipák n~g

pitó; binalot na nia't inuwi sa bahay, anopa't na ganáp ang m~ga bilin

n~g matandâ, bago natapus ang patók na hulí.

--Magaling na batà!...--ang salubong na sabi n~g dinatnán--N~gaion din

ay isubò mo ang m~ga tipák na iyán at pumaroon ka sa bahay ni

Kumpareng Kulás, at makikita mo ang lahat ay hindî ka namán makikita,

nino man. Samakatuwíd ay nataguibulag mo silá, sabáy mo namang

sasabihíng malakas ang oraciong itó:

Saratum, ticom, balakum,

tukos, mukos, talagum, ibom.

--Ano pong oracion yaan?--ani Juan.

--Yaan ang oracion sa pitong Arkanhel.

At madaling sinaulo ni Juan ang oracion yoon, at di na n~ga

pinapagbihis n~g matandà sapagka't di na makikita't madirinig di kunó

ninoman, na itó n~ga namán ang inasahan ni Juan.

Halos manakbó-nakbó sia ay dumating n~ga sa bahay n~g Kulás, na doon

palá nama'y maraming tawo sapagka't kasalan sa isang anak nitó. Na sa

trankahang pa'y isinubó na ang tagláy at saka dinalit na ulitulit n~g

malakas ang oracion:

Dalakong tikoy balatong

tunkos mungos talagang ibús.

............................N~guni't

Oh!....ang pagkamanhâ n~g m~ga dalaga na siang pinagtuluyang inumpukan

ni Juan sa pagkaupô, na ang makapiling n~ga nia'y pilit umiilag. Ang

palagay n~g lahat ay ul-ol ang dumating, n~guni't ang palagay naman

n~g Kapatid na lalaki n~g ikakasal na dalaga ay nag uulol ululan

lamang, kaya galit na galit, at kundi n~ga napagpayó ay marahil

nasaktan sana na walang pagsala ang atin n~gang si Juan, sapagka’t

ipinalagay pa linilibak ang kapatid niang may bulutong n~ga naman

bukod pa sa malapad ang mukhâ na anhin n~ga ang tikoy n~g insik.

Pagdaka’y linapitan n~g isá sa m~ga doroon at mahinahong pinakiusapang

magbihis muna at saka bumalik.

--Ata makíc po ma ako ma mimihî pa?--ani Juan, na n~gamol umusap dahil

n~ga sa subo.

--Sapagka’t ang damit mo’y pulos na putik, ay napapagtawanan ka n~g

tawo’t kahiahia ka pa sa m~ga dalaga.

At pulos tubog n~ga naman n~g makita nia’t mamasdan ang kaniang damit

sa katawan, kaya hianghiâ siang umalis na, diman nakuhang namaalam

kaninoman. Ang puno paláng kaniang kínagatan ay datihang kuskusan n~g

m~ga kalabaw na sa malapit doo’y nanunubog araw araw.

Nanaog na n~ga si Juan na lubhang pinagtanawan n~g lahat na siang

nakaaliw sa m~ga nagkakan~gay, pati ina n~g dalaga’y na patawa na,

bagama’t lubhang nahahapis na di man makakain símula n~g mag suguan sa

kaníang anak.

Hindi Biro!... ó Ang Anting-Anting · 第 6 / 13 题