Lumipas ang ilang araw.
Minsang gabí, pagkatapus makapagluto si Juan n~g kanilang hapunan ay
tinawag n~g matanda at pinagsabihan.
--N~gayon ay huwag káng kakain n~g hapunan, at hindi pa tumutugtog ang
"animas" ay pumaroon ka na sa bakuran. Pag patók n~g kampanà ay sabay
kang mag tatakbó at yumapós ka sa punò n~g kamatsileng maalitatáp; at
ikinatnig ang punong yaon; kumagat káng makakaha n~g pitóng tilád n~g
balát bago matapos ang tugtóg, balutin mong magaling sa isang bagong
paniong putî at saka mag tatakbóng walang lin~gon hangan dito. Huwag
káng paabot sa huling patók n~g kampanà, sapagka't may mangyayari!
--Na anó po?...ang pagdáka'y tanong ni Juan.
--Kapag inabot ka n~g katapusang patók, ay katapusan mo namán, at ...
--Bakit po?
--Sapagka't darating doon ang isang malaking tawo na yayapos sa iyo na
sasakalin ka't ipaghahaguisan n~g lubhang matayog hangang sa di ka
mamatáy.
Si Jua'y hindî nagsalitâ, n~guni't di naman munti man na takot sa m~ga
hulíng sinabi n~g matandâ. Binuó nia ang kaniang loob at lumaang gawin
ang m~ga iniatas n~g matanda masunód lamang matamó ang kaniang pita.