=HINDI BIRO!...=
ó
=Ang Anting-anting=
I
Noon ay panahong lumipas, n~guni't hangan n~gaio'y naaalaala pa n~g
marami sa atin, na, si Juan Hanipol ay isang binatang may hilig na
totoo sa pag anting anting.
Si matandang Taciong Kabál ó Bakal ay isang magaling na lalaki, at
balitang tulisan noong m~ga dakódakong panahon, n~guni't matagaltagal
nang na nanahimik at bagama't matanda na'y nagsasaka pa sa kaniang
bukid. N~gaion ay kilalá sia sa pook na yaon, na isang matandang
masipag at sistidor, kaya kung tawagin ay si Matandang Taciong
Sistidor.
Minsang araw ay nag sadya sa bahay nia si Juang Hanipol, ang binatang
nag hahanap n~g galing ó anting-anting.
--Ako po Lelong ay naparito, na ang tanka ko'y mag puló n~g kaunting
kasangkapang mabuti sa katawan.
--Anong ibig mong kasangkapan?
--Ang ibig ko po'y ...yaon po bang kung ako halimbawa'y may
masasalubong sa daan ay huwag akong makita.
Pinag masdán ang kausap buhat, sa ulo hanggan paa samantalang isinubô
ang binayong itsó sa kaniang kalikot, at tinapik sa balikat at
sinagot:
--Ako bata'y hindi na nag iin~gin~gat nian at kita mo, na ako'y
matanda na: n~guni't kung ikaw ay matitirá dito sa aking bahay hangang
ako'y mamatay ay pamamanahin kita, sakali't maglinkod ka n~g tapat sa
aming mag asawa. Kita mong kami ay walang anak na isa man lamang.
--Kung iyon po lamang Lelong, ay pabayaan ninio't pag sisilbihan ko
kayong parang magulang, lalo't ako'y hindi po naman nakakilala n~g
ama't ina at n~g maewan po ako'y musmos pang lubha!
--Wala ka bang m~ga kapatid?
--Wala din po.
--Sus, di magaling: anó, titirá ka na?
--Opo, titirá na ako.
--N~guni't ...tíla hindî ka dapat mag-in~gat n~g m~ga kabulaanang yaon
at baka ikaw ay mapahamak, bata ka pa; gaion man ay aatuhan kita.
Sa madaling sabi, natirá na n~ga doon si Juan, at mula noo'y ang
panunuyó ang siyang guinamit, anopa't ginawa niyang lahat ang anoman
sa loob at labas n~g bahay.