_La mejor Imprenta para trabajos buenos y económicos. Especialidad en
publicaciones técnicas y profesionales. Tarjetas= Membretes=Facturas=
Folletos=Revistas= Programas=Invitaciones= etc., etc._
=P.L STANGL.=
=SA SIPI SA TATLONG LIHAM NA TINANGAP NG MAY AKDA=
Upang maguing sandalan n~g kahinaan n~g may akdà nitong "Hindi Biro! ó
ANG ANTING-ANTING" ay salun~gát man sa kaniyang katutubong damdamin ay
minarapat na isalin dito ang bahagui n~g tatlong liham na tinangap nia
ukol sa ikawawasto n~g akdang ito.
--Kay G. Gregorio Orda, Abogado, taga Atimonan, Tayabas na may petsa
12 n~g Enero n~g 1911.
"Nabasa ko ang magandang akdà mo at sa pagbasa ko'y nagkamit ako n~g
maligayang sandali at katuaang naka pagpaalaala sa akin sa namatay na
matandang Pule (Apolinario Monteseña) baga ma't ito'y hindi tulisan,
na ito lamang ang ipinagkaiba, at sa bagay na ito'y binabati kita at
pinupuri ko ang akdà mo, na samantalang nakatutwa ay nakapag papaayos
n~g m~ga kauagalian, sapagka't nag aanyaya sa pag gawa at
nagpapatakuil n~g m~ga kagagawan."
"Ipahintulot mo na maipalathala ko sa linguhang naming "LAONG LAAN"
dine sa Tayabas, upang maguing mabuting aral sa kinauukulang sinoman."
--Sulat ni G. M Quiogue, Socialista at Kalihim n~g paggawa n~g
tabaco't cigarrillong "KATUUSAN" na may petsa 8 n~g Enero n~g 1911.
"Nag papasalamat po ako sa n~galang n~g Samahan sa katan~giang guinawa
ninio sa pagawaang itong ganap na pilipino."
"Sa boong muni at pag lilimi ay binasa ko ang munti niniong aklat at
isinaalangalang ang basal pang katayuan n~g panitikan nating tagalog,
ay ang akdà ninio'y nakakapara n~g "mumunti datapua't malaking aklat"
n~g m~ga Europeo, dahilan sa pagay niang lubos na makabago at
mapagturo, upang sa karaniwan n~g ating m~ga kababayan ay maparam ang
sinsay na paghahakà."
"Naibalita ko po at ipinabasa sa m~ga manggagawa ay nais nilang
matanto kung saang mga aklatan na nabibili, at kung magkano ang bawa't
isa."
--Kay G. F. Pantua, makabayan, Kalihim n~g Samahang "MAKILING" sa
isang pulong na idinaos n~g Samahang ito na may petsa 31 n~g Diciembre
n~g taong 1910.
"Binasa n~g Kalihim ang liham ni G. José R. Francia na may petsa 26
n~g kasalukuyan, na dito'y ibinabalita nia ang nais niang ipalathala
ang kalakal n~g Samahan, na walang bayad na anoman maliban sa
makatulong sa ikalalaganap nito, at nagpadalá n~g m~ga salin. Sa
maunawa n~g kapulun~gan, sa mungkahi ni G. Arieta (anak) ay
pinagkaisahan na di lamang itinutulot kundi pinasasalamatan at
kinikilala ang katan~gian n~g gawang ito sa n~galang n~g boong
Samahan."