I TUGMA

_AWITIN_

(Lahat) Tayo na't magpaliguan

Dito sa dagat na tabang

Tubig niya'y sakdal linaw

Anong sarap! Anong inam!

(Lalaki) Banka'y atin nang ibunsod

At sabayan ng pag-gaod

Kapit kayo't mahuhulog

Mahirap na ang malunod.

(Babai) Anong sarap na aliwan

Ng mamangka sa dagatan

Huwag kayong magagalaw

Ang bangka ay gumigiwang.

(Lahat) Tayo na't maglusungan

Sa tubig na sakdal linaw

Hayo na't maglundagan

Anong sarap manimbulan!

=_Magpapasukang lahat sa loob. Si Rizal ay lalabas sa kabilang dako na

wari'y may hinahanap._ =

Si Rizal at ang mga Diwata: Zarzuelang Tagalog na may Dalawang Yugto · 第 7 / 18 题