Sa kaniyáng ulilang tahanan, sa baybáy ng̃ dagát, na ang magaláw
na ibabaw nitó’y nákikita sa mg̃a bukás na durung̃awan, na umaabot
sa malayò, hanggáng sa makiisá sa hulíng dako ng̃ nátatanáw, ay
nililibáng ni P. Florentino ang kaniyáng pag-iisá sa pamag-itan
ng̃ pagtugtóg sa armonium ng̃ mg̃a malulungkót at dî masasayáng
tugtugin, na sinasaliwán ng̃ maugong na aling̃awng̃áw ng̃ mg̃a alon
at ng̃ bulóng ng̃ mg̃a sang̃á ng̃ kagubatang kalapít. Mang̃a tunóg
na mahahabà, malalakás, mahinagpís, na warì’y mg̃a plegaria, kahì’t
matitindí, ang lumálabás sa matandâng panugtóg; si P. Florentino,
na isáng tunay na músiko, ay tumútugtóg ng̃ alinsunod sa biglâng
udyók ng̃ kalooban at sa dahiláng siya’y nag-iisá, ay ibinúbulalás
ang mg̃a kalungkutang tagláy ng̃ kaniyáng pusò.
Sadyâ ng̃âng ang matandâ’y malungkót. Ang kaniyáng mabuting kaibigan
na si D. Tiburcio de Espadaña ay kaáalís pa lamang na umiilas sa
pag-uusig ng̃ asawa. Nang umagang iyón ay tumanggáp ng̃ isáng sulat
ng̃ isáng teniente ng̃ guardia sibil, na ang sabi ay:
“Minamahal kong Capellán: Katatanggáp ko pa lamang ng̃ isáng
telegrama ng̃ komandante na ang sinasabi’y: _español escondido casa
Padre Florentino cojera remitirá vivo muerto_. Sa dahiláng ang
telegrama ay lubhâng maliwanag ay pagsabihan ninyó ang kaibigan
upang huwag siyang matagpûan pagpariyan kong huhulihin siya sa ika
waló ng̃ gabí.
Ang inyóng tagisuyòng,
PEREZ.”
Sunugin ninyó ang sulat.
--A... a.... ang Victorinang itó, ang Victorinang itó!--ang
pautal-utal na sabi ni D. Tiburcio;--a.... a.... ay mangyayaring
umabot hanggáng sa akó’y ipabaril.
Hindî siya napigil ni P. Florentino: walâng náhitâ sa pagpapaliwanag
sa kaniya na ang ibig marahil sabihin ng̃ salitáng _cojera_ ay
_cogerá_; na ang kastilàng nagtatagò ay hindî mangyayaring si
D. Tiburcio kundî si Simoun, na may dalawáng araw pa lamang na
kararatíng, na sugatán at warìng pinag-uusig, na huming̃îng patuluyin.
Si D. Tiburcio ay hindî napahinuhod; ang _cojera_ ay ang kaniya
ng̃âng pagkapilay, ang tandâ niya sa katawán: yaón ay pakanâ ni
Victorina na ibig siyang mátagpûáng patáy ó buháy, gaya ng̃ isinulat
ni Isagani buhat sa Maynilà. At iniwan ng̃ kaawàawàng Ulises ang
bahay ng̃ parì upang magtagò sa kubo ng̃ isáng mang̃ang̃ahóy.
Walâng pag-aalinlang̃an si P. Florentino na ang kastilàng hinahanap
ay ang manghihiyas na si Simoun. Mahiwagà ang kaniyang pagdatíng,
dugôdugûan, mapangláw at patângpatâ, na siya ang may pasán sa
kaniyang takbá. Sa tulong ng̃ malayà’t masuyòng pagpapatuloy ng̃
mg̃a pilipino ay tinanggáp siya ng̃ klérigo ng̃ walâng kaanóanománg
kasiyasiyasat, at sa dahiláng hindî pa umaabot sa kaniyang taing̃a
ang mg̃a nangyari sa Maynilà ay hindî niya lubós na maisip ang gayóng
kalagayan. Ang tang̃ìng paghuhulòng pumasok sa kaniyang pag-iisip ay
ang pangyayari, na sa dahiláng umalís na ang General, ang kaibigan
at nag-áampón sa mag-aalahás, marahil ang mg̃a kagalít nitó, ang
mg̃a pinasláng, ang mg̃a napinsalàan, ay nang̃agsipagbang̃on ng̃ayón
na sumísigáw ng̃ higantí, at siyá’y pinag-uusig ng̃ samantalang
General upang makuha sa kaniyá ang kayamanang naipon. Iyán ang sanhî
ng̃ pagtatanan! Ng̃unì’t ang kaniyáng mg̃a sugat ay ¿saan nagbuhat?
¿Nagtangkâ kayâng magpakamatáy? ¿yaón kayâ’y anák ng̃ paghihigantí?
¿anák kayâ ng̃ isáng kapusukán, gaya ng̃ ibig ipahiwatig ni Simoun?
¿Tinanggáp kayâ niyá yaón sa pag-ilas sa mg̃a kawal na umuusig sa
kaniyá?
Ang hulíng paghuhulòng itó ang siyáng inaakalà niyáng siyáng lalòng
nálalapít marahil sa katotohanan. Nakatulong pa sa pagpapatibay sa
gayóng paghuhulò ang telegrama na katátanggáp pa lamang niyá at ang
pagmamatigás ni Simoun sa mulâ’t mulâ pa na ayaw pagamót sa médikong
nasa pang̃ulong bayan ng̃ lalawigan.
Ang tang̃ìng tinátanggáp ng̃ mag-aalahás ay ang pang̃ang̃alagà ni
D. Tiburcio at yaón pa man ay napagháhalatâng walâ siyáng tiwalà. Sa
pangyayaring itó’y itinátanóng sa sarili ni P. Florentino ¿anó ang
dapat niyáng gawín pagdatíng ng̃ guardia sibil na huhuli kay Simoun?
Sa kalagayan ng̃ may sakít ay hindî mangyayari ang gumaláw at lalò
pa mandíng hindî mangyayari ang maglakbáy ng̃ mahabà.... Ng̃unì’t
sinasabi ng̃ telegrama na patáy ó buháy......
Si P. Florentino ay humintô sa pagtugtóg at lumapit sa durung̃awan
upang tanawín ang dagat. Ang patag na ibabaw, na walâ ni isá mang
daóng, ni isá mang layag, ay walâng maiudyók sa kaniyá. Ang pulông
maliit na nátatanáw na nag-íisá sa malayò, ay walâng sinasabi sa
kaniyá kundî ang tagláy na pag-iisá at lalò pa mandíng nagpapakilala
nang pagkaulila ng̃ tinátanáw na kalawakan. Ang walâng hanggáng
kalawakan kung minsan ay pipingpipi.
Tinangkâ ng̃ matandâng hulàan ang ng̃itîng malungkót at pakutyâ na
isinalubong ni Simoun sa balitàng siya’y huhulihin. ¿Anó ang kahulugán
ng̃ ng̃itîng iyon? ¿At ang isá pang ng̃itî, na lalò pang malungkót at
pakutyâ nang mabatíd na sa ika waló pa ng̃ gabí magsisidatíng? ¿Anó
ang ibig sabihin ng̃ hiwagàng iyon? ¿Bákit ayaw magtagò si Simoun?
Sumaalaala niya yaóng bantóg na tinuran ni San Juan Crisóstomo nang
ipinagtanggól ang _eunuco_ na si Eutropio: “¡Kailan man ay hindî
nagíng lalòng kapit na dî gaya ng̃ayón sabihíng: Kapalalùán ng̃ mg̃a
kapalalùán at ang lahát ay kapalalùán!”
--Oo, ang Simoung yaón na nápakayaman, makapangyarihan, kinatatakutan,
nang walâ pang iisáng linggó ang nakararaan, ng̃ayón, ay sawîng
kapalaran pa kay Eutropio, humahanap ng̃ matutuluyan, at hindî sa
mg̃a dambanà ng̃ isáng simbahan, kundî sa dukhâng bahay ng̃ isáng
klérigong indio, na liblíb sa kagubatan, sa ulilang baybáy ng̃
dagat! Kapalalùán ng̃ mg̃a kapalalùán at ang lahát ay kapalalùán!
At ang taong yaón, sa loob ng̃ iláng oras, ay huhulihin, aalisín sa
hihigáng kinahihiligan, na dî igagalang ang kaniyáng kalagayan, dî
bibigyáng halagá ang kaniyáng mg̃a sugat, sa _patáy_ ó _buháy_ ay
hiníhing̃î siya ng̃ kaniyáng mg̃a kaaway! ¿Papano ang pagliligtás
sa kaniyá? ¿Saan mátatagpô ang mg̃a bigkás na nakaaakit ng̃ obispo
sa Constantinopla? Anó ang kapangyarihan ng̃ kaniyáng mg̃a dukhâng
salitâ, ang salitâ ng̃ isáng klérigong indio, na ang kaniyáng kaapihán
ay warìng ikinagágalák at iniuudyók pa ng̃â ng̃ Simoung iyon nang
panahóng siya’y nagtatagumpáy.
Hindî na naaalaala ni P. Florentino ang pawalâng bahalàng pagtanggáp
sa kaniyá ng̃ manghihiyás, na may dalawáng buwan pa lamang ang
nakararaan, nang siya’y pinakiusapan tungkól kay Isagani na náhuli
dahil sa isáng walâng hunos dilìng sigabó ng̃ kalooban; nalimot
ang pagsusumakit ni Simoun upang mádalî ang pag-aasawa ni Paulita,
pag-aasawang siyang nag-abóy kay Isagani sa isáng matindíng pag-ilag
sa kapuwâ tao, na siyang ikinababalino ng̃ amaín: nalimot ni
P. Florentino ang lahát, at walâng naáalaala kundî ang kalagayan
ng̃ may sakít, ang kaniyáng katungkulan sa pagka may bahay, at
sinasaliksík ang kaniyáng pag-iisip, ¿Dapat niyáng itagò upang huwag
masunód ang nasà ng̃ may kapangyarihan? Ng̃unì’t ang may katawán ay
walâng kaligáligalig: ng̃umîng̃itî....
Itô ang sumásaisip ng̃ mabuting matandâ nang dumatíng ang isáng alilà
at sinabi sa kaniyáng ibig siyang mákausap ng̃ may sakít. Tumung̃o
sa kanugnóg na silíd, na malinis at maaliwalas na tahanan, na ang
pinakasahíg ay malalapad na tabláng makikintáb at makikinis, na
may malalakí’t mabibigát na sillon, na may matandâng ayos, walâng
barnis ni mg̃a dibuho. Sa isáng dako ay may isáng katreng kamagóng
na may kaniyáng apat na haliging pumipigil sa lalagyán ng̃ kulambô,
at sa siping ay may isáng mesa na punô ng̃ mg̃a botella, hilatsá
ng̃ mg̃a putol putol na kayo. Ang isáng luhuran sa dakong ibabâ
ng̃ isáng Cristo at isáng muntîng aklatan ang nagpapakilalang yaón
ang silíd ng̃ parì, na ipinagamit sa tumuloy, alinsunod sa ugalìng
pagpapatuloy ng̃ mg̃a pilipino na ipagkaloob sa nanunuluyan ang
lalòng masaráp na pagkain, ang lalòng mabuting silíd at ang lalòng
mabuting hihigán sa loob ng̃ bahay. Nang mákitang bukás na bukás
ang lahát ng̃ durung̃awan upang bayaang makapasok ang dalisay na
hang̃in sa dagat at ang aling̃awng̃áw ng̃ kaniyáng walâng patíd na
hinagpís, ay walâng makapagsasabi sa Pilipinas na doo’y may isáng
may karamdaman, sapagkâ’t nákaugaliang ilapat ang mg̃a bintanà
at sampû ng̃ lalòng maliliit na puang kailan pa ma’t may isáng
sinisipón ó kayâ’y nagdáramdám ng̃ muntîng sakít ng̃ ulo na walâng
kakabúkabuluhán.
Tuming̃ín si P. Florentino sa dako ng̃ hihigán at namanghâ siya
nang makitang walâ na sa mukhâ ng̃ may sakít ang anyông palagáy at
pakutyâ. Isáng lihim na sakít ang warì’y nagpapakunót sa kaniyáng
kilay, sa kaniyáng paning̃ín ay namamalas ang dî kapalagayang loób
at ang kaniyáng bibíg ay nápapang̃iwî dahil sa isáng ng̃itîng lipos
ng̃ sakit.
--¿Nahihirapan bagá kayó, ginoóng Simoun?--ang masuyòng tanóng ng̃
parìng lumapit.
--Kauntî, ng̃unì’t sa loób ng̃ iláng sandalî, ay matatapos na ang
paghihirap ko--ang tugón na iginaláw ang ulo.
Sindák na pinapagduop ni P. Florentino ang mg̃a kamáy, dahil sa
warìng nákilala ang kakilákilabot na katotohanan.
--¿Anó ang ginawâ ninyo, Dios ko? ¿Anó ang inyóng ininóm?--at iniunat
ang kamáy sa dakong kinalalagyán ng̃ mg̃a botella.
--Walâ nang magagawâ! walâ ng̃ lunas!--ang sagót sa tulong ng̃
kasakitsakit na ng̃itî--¿anó ang ibig ninyóng gawín ko? bago tumugtóg
ang iká waló... Sa patáy ó sa buháy.... patáy ay oo, ng̃unì’t buháy
ay hindî.
--¡Dios ko, Dios ko! ¿anó ang ginawâ ninyó?
--Huminahon kayó--ang putol ng̃ may sakít sa tulong ng̃ isáng galáw
ng̃ mukhâ--ang nagawâ’y nagawâ na. Hindî dapat na akó’y mahulog na
buháy sa kamáy ng̃ sino man.... maaarìng makuha ang aking lihim.
Huwág kayóng magambalà, huwág kayóng malitó, walâ nang magagawâ....
Pakinggán ninyó akó! Sasapit na ang gabí at kailang̃ang huwág
mag-aksayá ng̃ panahón.... kailang̃an kong sabihin sa inyó ang
aking lihim, kailang̃an kong ipagkatiwalà sa inyó ang hulí kong
nasà.... kailang̃an kong mákilala ninyó ang aking kabuhayan.... Sa
mg̃a sandalîng itó na katang̃îtang̃ì ay ibig kong iibís sa akin
ang isáng pasanin, ibig kong paliwanagan ninyó sa akin ang isáng
pag-aalinlang̃an.... kayóng may malakíng pananalig sa Dios.... ibig
kong sabihin ninyó sa akin kung may isáng Dios!
--Ng̃unì’t isáng panglunas sa lason, ginoóng Simoun.... mayroón
akóng _apomorfina_.... mayroón akóng _eter_, _cloroformo_....
At humahanap ang parì ng̃ isáng botella hanggáng si Simoun ay yamót
na sumigáw.
--Walâ nang mangyayari.... walâ nang mangyayari! Huwag kayóng
magaksayá ng̃ panahón! Yayaon akóng dalá ang aking lihim.
Ang klérigo’y litóng nagpatiluhód sa kaniyáng _reclinatorio_,
nanalang̃in sa paanan ng̃ Cristo, isinubsób ang mukhâ sa dalawáng
kamáy at pagkatapos ay tumindíg na walâng imík at kagalanggalang
na warìng tinanggáp sa kaniyáng Dios ang boông bagsík, ang boông
sanghayâ, ang boông kapangyarihan ng̃ isáng Hukom ng̃ mg̃a budhî.
Inilapit ang isáng sillón sa dakong ulunán ng̃ may sakít at humandâng
making̃íg.
Sa mg̃a unang salitâng ibinulóng sa kaniyá ni Simoun, nang sabihin
sa kaniyá ang tunay na pang̃alan, ay nápaurong ang matandâng parì
at tiningnáng lipús sindák ang kaharáp. Ang may sakít ay malungkót
na ng̃umitî. Dahil sa pagkakábiglâ ay hindî nasupil ang sarili,
ng̃unì’t madalîng nakapagpigil, at matapos na matakpán ng̃ panyô
ang mukhâ ay mulîng tumung̃ó upang making̃íg.
Isinalaysáy ni Simoun ang kaniyáng kasakitsakit na kabuhayan, ang
pangyayaring may labíng tatlóng taón na, nang magbalík siyang galing
sa Europa, na punô ng̃ pag-asa at magagandáng pang̃arap, ay umuwî
siya upang mákasal sa isáng binibining iniírog, at laán sa paggawâ
ng̃ kabutihan at magpatawad sa lahát nang gumagawâ sa kaniyá ng̃
masamâ, bayaan lamang siyang mabuhay nang mapayapà. Hindî nagkágayón.
Isáng mahiwagàng kamáy ang nag-abóy sa kaniyá sa gitnâ ng̃ isáng
kaguluhang gawâgawâ ng̃ kaniyáng kalaban; pang̃alan, yaman, pag-ibig,
kinabukasan, kalayàan, nawalâ sa kaniyá ang lahát at nakaligtás
lamang sa kamatayan dahil sa kagiting̃án ng̃ isáng kaibigan. Sa
gayó’y isinumpâ niyang maghihigantí. Nagtanan siyang dalá ang
kayamanan ng̃ kaniyáng kaanak, na nábabaón sa isáng gubat, nagtung̃o
sa ibáng lupaín at inatupag niya ang pang̃ang̃alakal. Nakilahók sa
himagsikan sa Cuba, na tinulung̃an ang magkabilâng pangkát, ng̃unì’t
saan man, siya’y nakikinabang. Doon niya nákilala ang General, na
noo’y komandante, na nagíng kakilala niyá dahil sa pang̃ung̃utang sa
kaniyá at pagkatapos ay nagíng kaibigan dahil sa iláng kataksiláng
ginawâ na alám ng̃ magaalahás ang lihim. Siyá, sa tulong ng̃ salapî
ay nakuha niyáng máparito ang General, at nang nasa Pilipinas na ay
ginawâ niyáng isáng bulág na kasangkapan at iniabóy niyá sa paggawâ
ng̃ lahát ng̃ kasamâán na ang ginawâ niyáng pain ay ang walâng habas
na katakawan sa salapî.
Ang pang̃ung̃umpisál ay nagíng mahabà at mabigát, ng̃unì’t sa boông
hinabàhabà ay hindî nagpahalatâ ng̃ anománg pagkakagulat ang
nagpapakumpisál at bíbihiràng pinatlang̃án ang may sakít. Gabí na
nang si P. Florentino, ay tumindíg na pinapahid ang pawis sa mukhâ
at nag-isíp. Mahiwagàng kadilimán ang naghaharì sa loob ng̃ silíd,
na pinúpunô ng̃ sinag ng̃ buwán, na pumapasok sa mg̃a durung̃awan,
ng̃ liwanag na malamlám at pang̃ang̃aninag na warì’y sing̃áw.
Sa gitnâ ng̃ katahimikan, ang ting̃ig ng̃ parì ay náding̃íg na
malungkót, banayad, ng̃unì’t mahimok:
--Patatawarin kayó ng̃ Dios, ginoong.... Simoun,--ang sabi:--batíd
Niyáng tayo’y anák sa pagkakámalî, nakita Niyá ang inyóng tiniís,
at sa pagpapahintulot na mátagpûán ninyó ang kaparusahán ng̃ inyóng
mg̃a sala sa pagtatamó ng̃ kamatayan sa kamáy din ng̃ mg̃a iniabóy
ninyó, ay nakikita natin ang Kaniyáng walâng hanggáng awà! Siya
ang sumiràng isá-isá sa inyóng mg̃a paraan, ang lalòng mabubuti
ang pagkakabalak, ang una sa pagkamatáy ni María Clara, makaraan
yaón ay dahil sa isáng pagkakáling̃át, at pagkatapos ay sa isáng
paraang lubhâng mahiwagà.... ¡sundín natin ang kaniyáng kalooban at
pasalamatan natin Siya!
--Sa ganáng inyó,--ang mahinàng sagót ng̃ maysakít,--ang kalooban
niya ay, na, ang mg̃a pulông itó’y....
--Magpatuloy sa kalagayang kinasasadlakán?--ang dugtóng ng̃ klérigo
nang makitang ang isá’y humintô.--Hindî ko maalaman, ginoo; hindî ko
matahô ang inaakalà noong Hindî malirip! Batíd kong hindî pinabayàan
sa mg̃a mahihigpít na sandalî ang mg̃a bayang nananang̃an sa Kaniya
at Siya ang ginawâng hukom ng̃ kaniláng pagkasiíl; alám ko na ang
Kaniyang bisig ay hindî nawalâ kailan man kapag niyuyurakan na ang
katwiran at ubós na ang lahát ng̃ paraan, ay humawak na ng̃ sandata
ang sinisiíl at nakipaglaban nang dahil sa kaniyang tahanan, dahil sa
kaniyang asawa, dahil sa kaniyang mg̃a anák, dahil sa kaniyang mg̃a
dî maitatakwíl na karapatán, na, gaya ng̃ sabi ng̃ makatàng alemán,
ay kumíkináng ng̃ walâng pagkaagnás at matibay doon sa kaitaasan
ng̃ mg̃a walâng pagkapawìng mg̃a bituín! Hindî, ang Dios na siyang
katwiran, ay hindî mangyayaring magpabayà sa kanìyang layon, ang
layong kalayàan na kung walâ ay walâ namáng katwiran!
--¿Kung gayón ay bakit ipinagkaít sa akin ang kaniyang tulong?--ang
tanóng ng̃ ting̃ig ng̃ maysakit, na lipús hinanakít.
--Sapagkâ’t pinilì ninyó ang isáng paraan na hindî Niya
masasang-ayunan!--ang sagót ng̃ parì na matigás ang boses--ang
kaluwalhatìang pagliligtás sa isáng bayan ay hindî kakamtín ng̃ isáng
nákatulong sa pagpapahirap sa kaniya! Inakalà ninyóng ang dinung̃isan
at sinirà ng̃ pagkakasala at kasamâán ay nangyayaring malinis at
mailigtás ng̃ isá ring pagkakasala at isá ring kasamâán! Kamalìan!
Ang pagtataním ay walâng ibubung̃a kundî kakilakilabot na anyô; ang
sala ay mg̃a salarín; tang̃ìng ang pag-ibig ang nakagagawá ng̃ mg̃a
bagay na kahang̃àhang̃à, ang kabaitan lamang ang nakapagliligtás!
Hindî; kung balàng araw, ang ating bayan ay magiging malayà ay hindî
dahil sa masasamâng hilig at pagkakasala, hindî sa paraang pasamâín
ang kaniyang mg̃a anák, dayàin ang ilán, bigyán ng̃ salapî ang ibá,
hindî; ang kaligtasan ay may kahulugáng kabanalan, ang kabanalan ay
pagtitiís at pag-ibig.
--Siya! tinatanggáp ko ang inyóng sabi,--ang tugón ng̃ maysakít,
makaraan ang isáng sandalî;--akó’y námalî; ng̃unì’t sa dahiláng
akó’y námalî ¿ay ipagkákaít na ba ng̃ Dios na iyan ang kalayàan sa
isáng bayan at ililigtás ang maraming lalò pang salarín kay sa akin?
¿anó na lamang ang kamalìan ko sa piling ng̃ mg̃a pagkakasala ng̃
mg̃a namamahalà? ¿Bakit pahahalagahán pa ng̃ Dios na iyan ang aking
kabuktután kay sa mg̃a daíng ng̃ nápakaraming walâng sala? ¿Bakit
hindî akó sinugatan at pinagtagumpáy pagkatapos ang bayan? ¿Bakit
binabayàang magtiís ang gayóng karaming mg̃a karapatdapat at mg̃a
tapát na loob at nasisiyaháng walâng katigátigatig sa kaniláng mg̃a
paghihirap?
--Ang mg̃a tapát na loob at ang mg̃a karapatdapat ay kailang̃ang
mang̃agtiís upang ang kaniláng mg̃a adhikâ’y mákilalà’t lumaganap!
Kailang̃ang iwaksí ó basagin ang sisidlán upang halimuyak ang bang̃ó,
kailang̃ang pingkîín ang bató upang sumipót ang apóy! Mayroon
ding pasiya ng̃ kalang̃itán sa mg̃a paguusig ng̃ mg̃a maniniíl,
ginoong Simoun!
--Alám ko,--ang bulóng ng̃ may sakít--kayâ ng̃â’t inudyukán ko ang
kabang̃isan....
--Tunay, kaibigan ko, ng̃unì’t ang lalòng maraming sumabog ay ang may
tagláy na kabulukán! Pinalusog ninyó ang kabulukán sa kapamayanan
nang hindî naghasík ng̃ anomang adhikâín. Sa pagtitiím na iyan ng̃
mg̃a masasamâng hilig ay walâng sisipót kundî ang pananawà, at kung
mayroon mang biglâng sumipót, ay hindî mangyayaring hindî kabutí
lamang, sapagkâ’t sa biglâbiglâan ay walâng sisipót sa layák kundî ang
kabutí. Tunay ng̃â’t ang mg̃a masasamâng hilig ng̃ isáng pamahalàan
ay makamamatáy sa kaniya, ng̃unì’t pumapatáy din namán sa kapisanang
pinangyayarihan ng̃ gayón. Sa isáng pamahalàan na may masamâng hilig
ay bagay ang isáng bayang walâng tuus; sa pang̃asiwàang walâng budhî
ay mg̃a mámamayang maninibad at mapang̃ayupapà sa loob ng̃ bayan,
ng̃unì’t mg̃a tulisán at magnanakaw sa mg̃a kabundukan! Kung anó
ang pang̃inoon, gayón ang alipin. Kung anó ang pamahalàan, gayón
ang bayan.
Nagharì ang sandalîng pananahimik.
--Kung gayó’y ¿anó ang nararapat gawín?--ang tanóng ng̃ ting̃ig ng̃
may sakít.
--¡Magtiís at gumawâ!
--¡Magtiís.... gumawâ!--ang malungkót na ulit ng̃ may sakít--¡ah!
madalîng sabihin iyan kapag hindî nagtitiís.... kapag ang paggawâ
ay pinapagkákamít ng̃ gantíng-palà!.... Kung hiníhing̃án ng̃ inyóng
Dios ang tao ng̃ gayóng karaming mg̃a paghihirap, ang taong babahagyâ
nang makapanang̃an sa kasalukuyan at nag-aalinlang̃an sa mangyayari
sa kinabukasan; kung nakákita lamang kayó ng̃ gaya ng̃ mg̃a nápagkitá
kong mg̃a marálitâ, mg̃a kahabághabág na nang̃agbatá ng̃ katakot-takot
na pahirap dahil sa mg̃a pagkakasalang hindî nilá ginawâ, mg̃a
pagpatáy upang mapagtakpán ang sala ng̃ ibá ó ang dî kasapatán sa
panunungkulan, mg̃a kaawàawàng amá na inagaw sa kaniláng tahanan
upang gumawâ ng̃ walâng kapararakan sa mg̃a lansang̃an na nasisirà
sa tuwîng umaga at warìng naglilibáng lamang sa pagsusugbá sa mg̃a
boô boông magkakaanak sa karalitàan.... ¡ah! magtiís.... gumawâ....
siyang kalooban ng̃ Dios! Papanaligin ninyó silá na ang kaniláng
pagkamatáy ay siya niláng kaligtasan, na ang kaniláng paggawâ ay
siyang ikagiginhawa ng̃ kaniláng tahanan! Magtiís.... gumawâ....
¿Anóng Dios iyan?
--Isáng Dios na lubhâng matapát, ginoong Simoun--ang sagót ng̃
parì;--isáng Dios na nagpaparusa sa kakulang̃án natin sa pananalig,
sa ating masasamâng hilig, sa muntîng pagpapahalagá natin sa
karang̃alan, sa ating pagkamámamayán.... Pinababayàan natin at
tayo’y nagiging katulong ng̃ masamâng hilig, kung minsan pa’y ating
pinupuri ang gayón; kayâ’t dapat, lubhâng nárarapat na batahín natin
ang ibubung̃a at batahín din namán ng̃ ating mg̃a anák. Ang Dios ng̃
kalayàan, ginoong Simoun, na siyang nag-uutos sa ating ibigin itó,
at ginagawâng magíng mabigát sa atin ang pasanin; isáng Dios ng̃
kaawàan, ng̃ pagpapantáypantáy, na sabáy sa pagpaparusa sa atin ay
pinabubuti tayo, at ang binibigyán lamang ng̃ mabuting kalagayan ay
yaóng nararapat bigyán dahil sa kaniyáng pagsusumakit; ang paaralan
ng̃ pagtitiís ay nakapagpapatibay, ang kaparang̃an ng̃ tunggalìan
ay nakapagpapalakás sa mg̃a káluluwa. Hindî ko ibig sabihin na ang
ating kalayàan ay tuklasín sa talas ng̃ sandata; ang espada ay dî
lubhâng kagamitán sa mg̃a bagong kabuhayan, ng̃unì’t, oo, ating
tutuklasín sa pamagitan ng̃ karapatán, sa pamagitan ng̃ pagpapataás
ng̃ urì ng̃ katwiran at ng̃ karang̃alan ng̃ tao, na ibigin ang
tapát, ang mabuti, ang dakilà, hanggáng sa mamatáy ng̃ dahil dito,
at kapag ang isáng bayan ay nakasapit na sa gayóng kalagayan, ang
Dios ay nagbibigáy ng̃ sandata, at lumálagpák ang mg̃a diosdiosan,
lumálagpák ang mg̃a maniniíl na warì’y mg̃a kastilyong baraha at
kumikináng ang kalayàan na kasabáy ng̃ unang liwaywáy! Ang ating
kasamâán ay sa atin din buhat, huwág nating sisihin ang kahì’t
sino. Kung nákikita ng̃ España na tayo’y hindî lubhâng masunurin sa
pagpapahirap, at handâ sa pakikipagtunggalî at pagtitiís ng̃ dahil
sa ating mg̃a karapatán, ang España ay siyá nang unaunang magbibigáy
sa atin ng̃ kalayàan, sapagkâ’t kapag ang bung̃a ng̃ paglilihí ay
dumatíng na sa pagkahinóg ay ¡kahabághabág ang ináng magtangkâng
doo’y lumunod! Subalì’t samantalang ang bayang pilipino ay walâ
pang sapát na katigasang loób upang ipahayag, na mataás ang noo at
lantád ang dibdib, ang kaniyáng karapatán sa pamamayan at patibayan
itó sa pamagitan ng̃ mg̃a paghihirap, ng̃ kaniyáng sariling dugô;
samantalang nákikita natin ang ating mg̃a kababayan, sa kaniláng
sariling pamumuhay ay magdamdám hiyâ sa sariling kaloobán, máding̃íg
ang sigáw ng̃ kaniyáng budhî na nagbabalikwás at tumútutol, at sa
lantarang pamumuhay ay hindî umímík, makisama sa pumápasláng upang
kutyaín ang pinasláng; samantalang nákikita nating naninirahan
sa labis na pagling̃ap sa sarili at pinupuri sa tulong ng̃ pilít
na ng̃ití ang lalòng mahahalay na kagagawán, at nagmamakaawàng
hiníhing̃î, sa pamagitan ng̃ ting̃ín, ang isáng bahagi ng̃ nápalâ
¿anó’t bibigyán silá ng̃ kalayàan? Sa piling ng̃ España ó hiwaláy
sa España silá’y hindî mag-iibá, at marahil, marahil ay lalò pang
sásamâ! ¿Anó ang kailang̃an ng̃ pag-sasarilí kung ang mg̃a alipin
sa ng̃ayon ay siyang magiging mániniíl bukas? At gayón ng̃â ang
káuuwîan nilá sapagkâ’t umiibig sa paniniíl ang sumasailalim nitó!
Ginoong Simoun, samantalang ang ating bayan ay hindî pa náhahandâ,
samantalang tumutung̃o sa labanán nang nadadayà ó naiaabóy, na walâng
lubós na kaalamán sa gágawín, ay masisirà ang lalòng matalinong
pagtatangkâ at mabuti pa ng̃â ang masirà sapagkâ’t ¿anó’t ibibigáy
ang asawa sa lalaki kung hindî lubós na iniirog at hindî nálalaáng
magpakamatáy nang dahil sa kaniyá?
Náramdamán ni P. Florentino na pinigilan ng̃ may sakít ang kaniyáng
kamáy at pinisíl; humintô na inantáy na magsalitâ, ng̃unì’t ang
tang̃ìng náramdamán niya ay ang dalawá pang pisíl, nakading̃íg ng̃
isáng buntónghining̃á at mahabàng katahimikan ang naghari sa loób ng̃
silíd. Ang dagat lamang, na ang mg̃a alon ay nang̃agsilakí dahil sa
hang̃in sa gabí na warìng nágisíng sa init ng̃ umaga, ang nagtatapon
ng̃ kaniyáng paós na ung̃ol, ng̃ kaniyáng walâng katapusáng awit, pag
bayó sa mg̃a nagtayông talampás. Ang buwan, na walâ nang kalabang
araw, ay payapàng nagtatalík sa lang̃it, at ang mg̃a punò sa gubat na
nang̃agyuyukùan ay nagsasalaysayan ng̃ kaniláng matatandâng alamát
sa pamag-itan ng̃ mahiwagàng bulung̃an na ipinaghahatidhatiran ng̃
hang̃in.
Nang mákitang walâng sinasabi sa kaniyá ang may sakít, si
Padre Florentino ay bumulóng na warì’y natutubigan dahil sa isáng
iniisip:
--¿Násaan ang kabatàan na maglálaán ng̃ kaniláng mg̃a magagandáng
sandalî, mg̃a pang̃arap at kasigabuhán sa ikabubuti ng̃ kaniláng
bayan? ¿Násaan ang maling̃ap na magbúbubô ng̃ kaniyáng dugô upang
hugasan ang ganiyáng maraming kahihiyán, ang gayón karaming
pagkakasala, ang gayón karaming bagay na kamuhîmuhî? Malinis at
walâng bahid dung̃is ang kailang̃ang magíng buhay na alay upang ang
handóg ay magíng karapatdapat!.... ¿Saan kayó nang̃ároón, mg̃a
kabinatàan, na magtátagláy ng̃ lakás ng̃ buhay na tumanan na sa
aming mg̃a ugát, ang kalinisan ng̃ mg̃a pagkukurò na nadung̃isan
sa aming mg̃a kaisipán at ang lagabláb ng̃ sigabó na namatáy na sa
aming mg̃a pusò?.... Inaantáy namin kayó, oh mg̃a binatà, halíkayó
at kayó’y aming ináantáy!
At sa dahiláng náramdamáng ang kaniyáng mg̃a matá’y pinang̃ing̃ilirán
ng̃ luhà ay binitiwan ang kamáy ng̃ maysakít, tumindíg at lumapit
sa durung̃awan upang tanawín ang malawak na dagat. Iláng mahinàng
katóg sa pintûan ang pumukaw sa kaniyá sa gayóng pag-iisíp. Yaón ay
ang alilà na nagtatanóng kung magsísindí ng̃ ilaw.
Nang ang parì’y lumapit sa may sakít at nakita itó, sa tulong ng̃
liwanag ng̃ lámpara, na hindî kumikilos, nakapikít ang mg̃a matá,
ang kamáy na pumigil sa kaniyáng kamáy ay nakabuká at nálalahad
sa gilid ng̃ hihigán, ay inakalà niyáng natutulog; ng̃unì’t nang
máramdamáng hindî humíhing̃á, ay marahan niyáng hinipò at sakâ pa
lamang náhalatâng patáy: untî-untî nang lumálamíg.
Nang magkágayó’y lumuhód at nanalang̃in.
Nang tumindíg at pinagmasdán ang bangkáy na sa mukhâ’y nábabakás ang
isáng matindíng hapis, ang sakit ng̃ isáng boông buhay na walâng
kabuluhán, na tinagláy hanggáng sa dako pa roon ng̃ kamatayan, ay
nang̃ilabot ang matandâ at bumulong na:
--¡Kaawâán nawâ ng̃ Dios ang mg̃a naglikô sa kaniyá ng̃ daan!
At samantalang ang mg̃a alilàng tinawag niyá ay nang̃agsísiluhód at
nang̃agdádasál ng̃ patungkól sa namatáy, mg̃a alilàng maurirà at
nang̃alílibáng sa pagting̃ín sa hihigán at inuulit-ulit ang mg̃a
sunód sunód na _requiem_, ay kinuha ni P. Florentino sa tatagûán ang
bantóg na takbáng bakal na kinalalagyán ng̃ malakíng kayamanan ni
Simoun. Iláng sandalîng nag-alinlang̃an, dátapwâ’y biglâng pumanaog
sa hagdanang dalá ang takbá, na may tangkâ nang gágawín, tínung̃o
ang batóng lagìng inuupán ni Isagani upang siyasatin ang kailaliman
ng̃ dagat.
Tuming̃ín si P. Florentino sa dako ng̃ kaniyáng paanan. Sa ibabâ’y
nákikita ang paghampás sa mg̃a ukab ng̃ bató ng̃ mg̃a maiitím na
alon ng̃ Pasípiko, na lumilikhâ ng̃ mauugong na kulóg, na sabáy
sa pagniningníng na warì’y apóy ng̃ mg̃a alon at mg̃a bulá, dahil
sa tamà ng̃ sinag ng̃ buwan, na warì’y dakótdakót na brillante na
inihahagis sa hang̃in ng̃ isáng gawi ng̃ kailaliman. Tumanáw sa boô
niyang paligid. Nag-íisá siya. Ang ulilang baybayin ay nagtátapós
sa malayò na warì’y isáng paguulap, na pinapawì untî-untî ng̃ buwan
hanggáng sa makiisà sa lalòng malayòng dako na abot ng̃ tanáw. Ang
kagubatan ay bumúbulóng ng̃ mg̃a ting̃ig na walâng linaw. Sa gayó’y
inihagis ng̃ matandâ na itinapon sa dagat ang takba, sa tulong ng̃
kaniyáng malalakás na bisig. Umikit na makáilan at matuling tumung̃o
sa kailaliman na gumuhit ng̃ pabalantók at naglarawan sa kaníyáng
makinis na ibabaw ng̃ iláng malamlám na sinag ng̃ buwán. Nakita ng̃
matandâ ang pagtilampon ng̃ mg̃a paták, nakáding̃íg ng̃ isáng buluwák
at naghilom ang tubig matapos malamon ang kayamanan. Nag-antabáy
ng̃ iláng sandalî upang tingnán kung may isasaulî ang kailaliman,
ng̃unì’t mulîng naghilom ang mg̃a alon na mahiwagàng gaya ng̃ dati,
at hindî naragdagán ng̃ isá mang kutón ang kaniyáng kulót na ibabaw,
na warìng sa nilapadlapad ng̃ dagat ay walâng nahulog kundî isáng
muntîng bató lamang.
--¡Itagò ka ng̃ Kalikasán sa kailaliman na kasama ng̃ mg̃a korales
at mg̃a perlas ng̃ kaniyáng walâng pagkapawìng mg̃a dagat!--ang sabi
ng̃ klerigo na iniunat ang kamáy.--Kapag sa isáng banal at mataás na
layon ay kakailang̃anin ka ng̃ mg̃a tao, ay mátututuhan kang kunin
ng̃ Dios sa sinapupunan ng̃ mg̃a alon.... Samantala, diyán ay hindî
ka makagagawâ ng̃ kasamâán, hindî mo ililikô ang katwiran, hindî ka
mag-uudyók sa kasakimán!....
=Wakás ñg “Ang Filibusterismo”.=
[Talâ ng Tagapagsalin:
Ang mga larawan ng mga pahina (page scans) na pinagbatayan ng e-text
na ito ay matatagpuan sa archive.org/details/angfilibusterism00riza.
May mga ibang edisyon ng nobelang ito sa Project Gutenberg:
“El Filibusterismo (Continuación del Noli me tángere)”, sa orihinal
na Kastila, sa gutenberg.org/ebooks/30903
“The Reign of Greed: A Complete English Version of El Filibusterismo”,
salin ni Charles E. Derbyshire, sa gutenberg.org/ebooks/10676
Ang sinundang nobelang “Noli Me Tángere” ay may Tagalog na edisyon na
salin ni Pascual Hicaro Poblete sa gutenberg.org/ebooks/20228.
* * * * *
Ang Indice ay inilipat mula sa hulihan ng teksto, at iwinasto ang
mga maling bilang ng pahina dito.
Isinaayos ang pagbabantas (punctuation).
Walang binago sa mga salita sa orihinal, kabilang ang mga di
pagkakatulad sa pagbabaybay, paggamit ng gitling, paggamit ng mga
tuldik, at pag-eestilo sa teksto, maliban lamang sa mga sumusunod:
Pahina 8, “masumpung̃in” binago mula sa “masumpug̃in” (ng̃ batàng
masumpung̃in); “tang̃ìng” mula sa “tangìng” (tang̃ìng babaing
nakiupô).
Pahina 9, “mag-aalahás” binago mula sa “mag-alahás” (at isáng
mayamang mag-aalahás).
Pahina 13, “pisng̃í” binago mula sa “pisg̃í” (bahagi ng̃ mg̃a
pisng̃í).
Pahina 14, “Mœris” binago mula sa “Mæris” (ang lawàng Mœris).
Pahina 16, “panukalàng” binago mula sa “panukulàng” (panukalàng
may malalakíng salitâ).
Pahina 17, “munakalà” binago mula sa “munukalà” (mg̃a munakalà ni
D. Custodio).
Pahina 18, “ng̃” binago mula sa “ng” (makabatíd ng̃ bagay na iyan);
“paning̃ín” mula sa “paningín” (ang magkaroon ng̃ paning̃ín);
“Custodio” mula sa “Cus. todio” (ang ulit ni D. Custodio).
Pahina 20, “_epicúreo_” binago mula sa “_epícuro_” (sa mukhâ niyang
_epicúreo_).
Pahina 22, “bumibilí” binago mula sa “bnmibilí” (hindî bumibilí
ng̃ mg̃a hiyás); “Isagani” mula sa “Isigani” (sinikóng palihím
si Isagani).
Pahina 24, “pagmamamana” binago mula sa “pamagmamana” (sa
pagmamamana......); “pang̃ang̃atawán” mula sa “pang̃ag̃atawán”
(ang kaniyang pang̃ang̃atawán ay mabuti).
Pahina 25, “pagiging parì” binago mula sa “pagiging-parì” (kaniláng
karang̃alan sa pagiging parì); “at” mula sa “al” (hindî pá dusta
at alimura).
Pahina 29, “Ilustrísima” binago mula sa “Ilustríslma” (at humaráp
sa Ilustrísima); “yung̃ib” mula sa “yungib” (sa isáng yung̃ib
siyá inilagáy).
Pahina 32, “ng̃unì’t” binago mula sa “ngunì’t” (ng̃unì’t ng̃
mabatyág ang samò); “siya” mula sa “s ya” (hinahábol siya ng̃
punlô).
Pahina 38, “kabisang” binago mula sa “Kabisang” (tutol namán ni
kabisang Tales).
Pahina 39, “hindî” binago mula sa “dindî” (hindî ko kailang̃an
ang anák); “Susmariosep” mula sa “Supmariosep” (¡Guardia sibil
si Tanò! ¡Susmariosep!).
Pahina 41, “matandâ” binago mula sa “mantandâ” (hihing̃îng sangunì
sa matandâ); “pinakamatalas” mula sa “pina kamatalas” (Ang
pinakamatalas sa lahát).
Pahina 42, “magpanatá” binago mula sa “magbanatá” (magpanatá
maminsánminsán ng̃ patungkol).
Pahina 45, “pananampalataya” binago mula sa “pananampalaya” (ayon sa
pananampalataya sa Pilipinas); “bilanggùan” mula sa “bilaggùan”
(nádalá na sa bilanggùan).
Pahina 48, “ipinag-uutos” binago mula sa “ipina-uutos” (sapagkâ’t
lumabág sa ipinag-uutos).
Pahina 49, “Sangkapulùang itó; kamí lamang” binago mula sa
“Sangkapulùang itó. Kamí lamang”.
Pahina 51, “dahiláng” binago mula sa “dahihiláng” (Sa dahiláng sa
kinabukasan).
Pahina 54, “itinatang̃ì” binago mula sa “itinatangì” (ang kaniyáng
mg̃a itinatang̃ì lamang).
Pahina 58, “nakapang̃íng̃ilabot” binago mula sa “nakapang̃níg̃ilabot”
(nakapang̃íng̃ilabot na poók na iyón).
Pahina 61, “pagsunggáb” binago mula sa “pagsunggáp” (nagdudumalî
na sa pagsunggáb).
Pahina 63, “pamahalàan” binago mula sa “pamahalàang” (isáng mulalâng
pamahalàan).
Pahina 64, “aking” binago mula sa “akin” (laban sa aking akalà).
Pahina 66, “dalubhasàng” binago mula sa “dalubasàng” (ng̃ kahulugáng
dalubhasàng pananalig).
Pahina 68, “hindî” binago mula sa “kindî” (hindî kayó papayagang
lumakí); “læserunt” mula sa “lœserunt” (_quos læserunt et
oderunt_); “katungkulang” mula sa “kutungkulang” (mg̃a matataás
na katungkulang ginanáp); “est odisse quem læseris” mula sa “et
odisse quem lœseris”.
Pahina 71, “_angtanda_” binago mula sa “_ang tanda_” (Nagbang̃on
siyá, nag _angtanda_); “Siyá’y” mula sa “Sisá’y” (Siyá’y panatag).
Pahina 77, “si” binago mula sa “ni” (ang sabing tinukoy si Sinang).
Pahina 80, “namúmulámulá” binago mula sa “numúmulámulá” (ang ilan
sa kanilá’y namúmulámulá).
Pahina 87, “Habaña” binago mula sa “Habana” (pang̃alan ninyó’y
Luis Habaña); “Antonino” mula sa “Antonio” (Antonino López).
Pahina 90, “payo” binago mula sa “paayo” (alinsunod sa payo
ng̃ kanónigo); “na warìng” mula sa “na-warìng” (na warìng
nang̃ang̃ayumpapà).
Pahina 96, “Ng̃unì’t” binago mula sa “Ng̃unìt’t” (Ng̃unì’t sa
dahiláng walâng bahay).
Pahina 100, “Makaraig” binago mula sa “Makarai” (--Makaraig,--ang
sagót ni P. Irene).
Pahina 101, “Camorra” binago mula sa “Camerra” (¿batíd bagá
ninyó?--ang sigaw ni P. Camorra); “Makunat” mula sa “Makuna”
(ang kabuhayang “Tandâng Basio Makunat”).
Pahina 107, “papel.” mula sa “napel” (ang kaniyáng aklát at mg̃a
papel.).
Pahina 111, tinanggal ang naulit na “ay” sa “ay pumasok sa loób ng̃
páaralán”; “tiwalà” binago mula sa “tiwaià” (ay nakapagbíbigay
tiwalà).
Pahina 112, “_¡adsum! ¡adsum!_” binago mula sa “_¡ad sum! ¡ad sum!_”
Pahina 118, “pamukhâng itó” binago mula sa “pamukhângitó” (na
kinapapatung̃an ng̃ pamukhâng itó).
Pahina 119, “In manus” binago mula sa “Inmanus” (_In manus tuas
commendo spiritum meum_).
Pahina 122, “_Atqui_” binago mula sa “_At qui_” (_Atqui_ sa dahiláng
bihirà).
Pahina 123, “pakutyâng tumanóng” binago mula sa “akutyâng ptumanóng”
(pagkatapos ay pakutyâng tumanóng).
Pahina 124, “upang” binago mula sa “npang” (upang huwág ninyóng
siràin); “hæc” mula sa “hœc” (De nobis post hæc).
Pahina 126, “pag tumamà” binago mula sa “pag-tumamà” (ng̃unì’t pag
tumamà sa biláo); dinagdag ang “na” sa “nag-aaral na tumugtóg
ng̃ plauta”.
Pahina 128, “ng̃” binago mula sa “ng” (isáng paghihinalà ng̃ masamâ).
Pahina 131, “magagandáng” binago mula sa “maga gandáng” (sa
pamamagitan nang magagandáng pang̃ung̃usap).
Pahina 137, “tang̃ìng” binago mula sa “tang̃lng” (may tang̃ìng
katalinuhan sa Maynilà).
Pahina 141–142, dinagdag ang “at” sa “upang makapagparang̃al ng̃
kalakasán at pagkamapagsarilí”.
Pahina 150, “_nonchalant_” binago mula sa “_noncahlant_” (na anyông
_nonchalant_).
Pahina 155, “Ng̃unì’t” binago mula sa “Ngunì’t” (Ng̃unì’t unawàin
namân ninyó); “lumakad” mula sa “lumukad” (walâng sapín kung
lumakad).
Pahina 156, “babaing” binago mula sa “kabaing” (isáng babaing
kalapít); “hukbóng” mula sa “hubkóng” (isáng hukbóng hubô’t
hubád).
Pahina 158, “kilaláng” binago mula sa “kilalán” (ating mg̃a kilaláng
si D. Custodio); “sasakyán” mula sa “sasakván” (Inihatíd silá
ng̃ kaniláng mg̃a sasakyán).
Pahina 160, “bayan” binago mula sa “bayang” (hindî taga roon sa
bayan ko).
Pahina 161, dinagdag ang “ni” sa “nárito si P. Camorra!--ang sabi
ni Ben-Zayb”.
Pahina 162, “mg̃a” binago mula sa “mga” (may tandâng _mg̃a sibil_).
Pahina 164, “en” binago mula sa “in” (Ang _mise en scene_ ay
malungkót).
Pahina 166, “ng̃unì’t” binago mula sa “ng̃unì t” (ng̃unì’t
ipinamamanhík ko lamang).
Pahina 168, “pag hindî” binago mula sa “paghindî” (pag hindî
iyán nagdahilán); “salitàang” mula sa “satitàang” (kaputol na
salitàang umabot); “’tallá” mula sa “tallá” (porque ’tallá el
mana prailes); “’ta jasí” mula sa “tajasí” (’ta jasí solo);
“prailes” mula sa “praile” (¡Curioso también el maná prailes!).
Pahina 169, “nanonoód” binago mula sa “nononoód” (ang ting̃ín sa
lahát ng̃ nanonoód).
Pahina 170, “labì” binago mula sa “labì’t” (ang mg̃a labì at
sinusundán).
Pahina 171, “lang̃aylang̃ayan” binago mula sa “lang̃aylangayan”
(pugad ng̃ lang̃aylang̃ayan).
Pahina 172, “kaniyá” binago mula sa “kiniyá” (sa mg̃a naking̃íg
sa kaniyá).
Talababa [1], “padausdós” binago mula sa “padausós” (huwag bataking
padausdós).
Pahina 173, “nagtatawanan” binago mula sa “nagtatanawan”
(nagtatawanan at binibirò ang ibá).
Pahina 175, “sa kamáy ng̃ parì” binago mula sa “ng̃ kamáy sa parì”.
Pahina 178, “nag-aaral” binago mula sa “nag-araal” (pulúpulutóng
na mg̃a nag-aaral).
Pahina 181, “nang̃agdádaang” binago mula sa “nag̃agdádaang”
(nang̃agdádaang matulin na nag-uumugong); “naliliwanagan” mula
sa “naliliwangan” (naliliwanagan ng̃ isáng lámpara).
Pahina 183, “maiitím” binago mula sa “maiitín” (kaniyáng maiitím
na muog).
Pahina 192, “kamangmang̃án” binago mula sa “kamangmangán”
(sinásamantalá ang kamangmang̃án).
Pahina 193, “_minumunakala_” binago mula sa “_minumunukala_”
(“MAÑGA PANUKALANG _minumunakala_”).
Pahina 200, “pulutong” binago mula sa “puluton” (tatlóng pulutong
pa).
Pahina 202, “pag hindî” binago mula sa “paghindî” (pag hindî niya
kilalá).
Pahina 203, “kapag” binago mula sa “ka pag” (muhîngmuhî kapag
nakakita).
Pahina 214, “comment” binago mula sa “camment” (Mais, comment!);
“bête” mula sa “bete” (toi ici, grosse bête!); “_enchantée_” mula
sa “_enchantee_” (si Lily ay lubhâng _enchantée_).
Pahina 219, “kakauntîng” binago mula sa “kakautîng” (sa kakauntîng
bagay).
Pahina 220, “Sandoval” binago mula sa “Sandavol” (ang pahayag ni
Sandoval).
Pahina 221, “ng̃itî” binago mula sa “ng̃intî” (mapaít na ng̃itî
sa labì).
Pahina 222, “corporacióng” binago mula sa “corporaclóng” (ihahalál
ng̃ “corporacióng” mamámahalà).
Pahina 223, “ang” binago mula sa “anng” (At ang tumutugtóg pa
namán).
Pahina 224, “ganapin” binago mula sa “gagapin” (ang unang dapat
ganapin).
Pahina 230, “ng̃unì’t” binago mula sa “ng̃unì’i” (ng̃unì’t náding̃íg
ang yabág).
Pahina 231, “qué” binago mula sa “que” (¡Amor, qué astro eres?).
Pahina 232, “ganang” binago mula sa “ga nang” (mg̃a kahang̃aláng sa
ganang binatà); “panahón” mula sa “panuhón” (sa lalòng madalíng
panahón).
Pahina 233, “ganang” binago mula sa “ga nang” (hambúg sa ganang
kaniyá; gawâng batà, sa ganang kaniyá).
Pahina 235, “Que con” binago mula sa “Con” (Que con blando murmullo).
Pahina 236, “Juanito” binago mula sa “Jnanito” (pagkámasíd ninyó kay
Juanito Pelaez); “panibagong” mula sa “panibagon” (sa kaniyang
panibagong pag-ibig).
Pahina 241, “Paulita” binago mula sa “Panlita” (Tagláy dín ni
Paulita).
Pahina 242, “kapag nábabakás” binago mula sa “kapag-nábabakás”
(kapag nábabakás ko sa titig na iyán); “si Isagani” mula sa
“si-Isagani” (lumulan sa sasakyán si Isagani).
Pahina 249, “_reverendas_” binago mula sa “_reverandas_” (masamâng
parunggít sa mg̃a _reverendas_).
Pahina 250, “panalang̃in” binago mula sa “panalag̃in” (tanggapín
ang kaniláng mg̃a panalang̃in).
Pahina 258, “itinatang̃ì” binago mula sa “itinatag̃ì” (ang _isá_
na kaniyáng itinatang̃ì); “anó” mula sa “Anó” (¿anó ang ibig ni
P. Fernández?).
Pahina 259, “pagkukurò” binago mula sa “pagkakurò” (na ang kaniláng
pagkukurò).
Pahina 260, “katedrátiko” binago mula sa “ketedrátiko” (ipinamamanhík
ko sa aking katedrátiko); “Kahì’t” mula sa “Ka ì’t” (Kahì’t na may
pagkukuròng malayà).
Pahina 261, “tagasiyasat” binago mula sa “tagasiyayat” (pagiging
tagasiyasat ng̃ pagtuturò).
Pahina 265, “corruptíssima in republica plurimæ” binago mula sa
“corruptísima in republica plurimœ”.
Pahina 266, “kinábukasan” binago mula sa “kinákukasan” (sa
kinábukasan ay mabait na lahát).
Pahina 273, “dugtóng” binago mula sa “dungtóng” (ang dugtóng ni
P. Irene, na ang hinaráp).
Pahina 275, “Ng̃unì’t” binago mula sa “Ngunì’t” (Ng̃unì’t ang
matapang ay nilambanog); “umugong” mula sa “umugon” (umugong
din ang iláng putók); “Ta” mula sa “Ya” (--¿Ta quedá dice preso
Isagani?); “debí” mula sa “debé” (¡Conmigo no ta debí nada!).
Pahina 277, “mang̃a” binago mula sa “nang̃a” (ang mang̃a sa loob
ng̃ platería).
Pahina 278, “Kapag nákita” binago mula sa “Kapagnákita” (Kapag
nákita ko siyá....).
Pahina 279, “kapitang” binago mula sa “kabisang” (Si kapitang
Tiago ay nagkaroón).
Pahina 281, “gallus” binago mula sa “gullus” (an gallus talisainus).
Pahina 283, “iræ” binago mula sa “irœ” (ang _Dies iræ_); “Patrocinio”
mula sa “Patrocino” (Si aling Patrocinio).
Pahina 288, “mo” binago mula sa “no” (¿hindî mo ba nabasa).
Pahina 289, “bahagyâ” binago mula sa “hahagyâ” (bahagyâ nang
nákatulog).
Pahina 290, “nang̃ing̃ilabot” binago mula sa “nang̃ingilabot” (si
Hulî ay nang̃ing̃ilabot).
Pahina 292, “pag patáy” binago mula sa “pagpatáy” (pag patáy na
ay sakâ magsisisi); “isusumbát” mula sa “isusumkát” (ay walâng
isusumbát).
Pahina 294, “napaka” binago mula sa “na paka” (nápakamahinà, napaka
walâng katibayan); “Kaawaawàng” mula sa “Kaawanwàng” (¡Kaawaawàng
P. Camorra!).
Pahina 295, “idinagdág” binago mula sa “idinadág” (dalìdalìng
idinagdág ni Ben-Zayb); “kapangyarihan” mula sa “kapangyaaihan”
(sa lahát ang kapangyarihan).
Pahina 299, “pinang̃ang̃aniban” binago mula sa “pinag̃ang̃aniban”
(at hindî ko pinang̃ang̃aniban).
Pahina 311, “at” binago mula sa “al” (tapang at lakás ng̃ loob).
Pahina 314, “rebolber” binago mula sa “robolber” (liban na lamang
sa rebolber); “magiging” mula sa “magigin” (magiging siyang
kakilakilabot).
Pahina 316, “durung̃awán” binago mula sa “darung̃awán” (tumatapon
sa kaniyáng mg̃a durung̃awán).
Pahina 318, “Pagkatapos” binago mula sa “Pakatapos” (Pagkatapos
ay nawawalâ).
Pahina 319, “lalòng” binago mula sa “laòng” (sa lalòng katampatang
sandalî).
Pahina 320, “Jovem” binago mula sa “Joven” (salubung̃in ang _Magnum
Jovem_).
Pahina 321, “hindî” binago mula sa “hind” (hindî na lubhâng payukô).
Pahina 323, “estreno” binago mula sa “extreno” (mg̃a salitâng
“comedor estreno”).
Pahina 327, “Mane” binago mula sa “Mame” (ibig sabihin ng̃ _Mane
thecel phares_); tinanggal ang naulit na “sa” sa “isáng alaguwák
sa pagbagsák”.
Pahina 335, “Loleng” binago mula sa “Choleng” (ang tanóng ni
kapitana Loleng).
Pahina 336, “Chichoy” binago mula sa “Chi choy” (ang patuloy ni
Chichoy).
Pahina 337, “prayle” binago mula sa “praple” (--¿Ang mg̃a prayle?);
“Quiroga” mula sa “Quroga” (--¿Ang insík na si Quiroga?).
Pahina 341, “punò” binago mula sa “puuò” (na kinuha sa isáng punò);
“lansang̃an” mula sa “lasang̃an” (alikabók ng̃ lansang̃an).
Pahina 345, “remitirá” binago mula sa “remimitirá” (cojera remitirá
vivo muerto).
Pahina 347, “Anó” binago mula sa “anó” (¿Anó ang kahulugán);
“klérigong” mula sa “klárigong” (isáng klérigong indio); “Simoung”
mula sa “Simonng” (iniuudyók pa ng̃â ng̃ Simoung iyon).
Pahina 350, “matandâng” binago mula sa “matangdâng” (nápaurong ang
matandâng parì); “pagkakábiglâ” mula sa “paakakábiglâ” (Dahil
sa pagkakábiglâ).
Pahina 355, “kaniyáng” binago mula sa “kaniyán” (kaniyáng paós na
ung̃ol).
Pahina 356, “ang” binago mula sa “an” (ang sakit ng̃ isáng boông
buhay).
Pahina 357, tinanggal ang naulit na “sa” sa “naglarawan sa kaníyáng
makinis na ibabaw”.]