nangyayaring harî cagalin~ga,t, bait ay nalulugamî ininís sa húcay
nang dusa,t, pighatî".
"Caliluha,t, samâ ang úlo,i, nagtayô at ang cabaita,i, quimi,t,
nacayucô, santong catouira,i, lugami at hapô ang lúha na lamang ang
pinatutulô.
"Súcat na ang tingnán ang lugaming anyô nitóng sa dálita,i, hindi
macaquibô? aacaing bigláng umiyác ang púsô cong ualâ nang lúhang sa
mata,i, itúlô".
"!Ay Laurang poo,i,! ¿baquit isinuyò sa iba ang sintang sa aqui
pangacò at pinag liluhan ang tapát na púsó pinang-gugulan mo nang
lúhang tumuló?"
"Dusa sa puri cong cúsang siniphayò, palasong may lasong natiric sa
púsò; habág sa Ama co,i, túnod na tumimò aco,i, sinusunod niyaring
panibughò".
Sa limang ito ay kay liwanag na napagkikilala ng dadalosdalos ng
kahista. Sa unang halimbawa ay ginamit ang salakot, sa lahat na,
gayong hindi nararapat sa ikalawa at ikatlong talata. Napagkikilalang
huwag na di magkaroon lamang ay di na kailangan kahi't papaano.
Gayon din ang ginawa sa ikalawa at ikatlo: pawang salakot din, gayong
hindi dapat sa katapusang talata ng ikalawa at sa ikatlo't katapusang
talata ng ikatlong halimbawa.
Sa ikapat na halimbawa--na pawang natatapus sa banayad na paimpit--ay
nasangkapan ng "gutural" o "grave" ang dalawang nauunang talata;
nguni't pagdating sa ikatlong talata at sa katapusan, dahil marahil sa
sa wala nang madampot na "gutural" ay isinumpal na ang bigla (agudo),
kahi't na paano.
At sa katapusang halimbawa ay panay namang "grave" ang ginamit, kahi't
hindi nararapat sa katapusang talata. Siyang nadampot niya, at siyang
ilinagay.
Kaya, sa bisa ng ganyang kagagawan, ang "puso" ay napalagay na "púsô"
sa ikatlong halimbawa, "púsó" sa ikapat at "púso" sa ikalima. At ang
"tulo" naman ay napalagay na "pinatu-lô" sa ikalawang halimbawa,
"i-túlô" sa ikatlo at "tumuló" sa ikapat.
[26] NAHIHIMBING. Sa "Kun sino ..." ay "nalilibíng"; nguni't kay De
los Santos at P. Sayo ay "nahihimbing" din.
[27] INA-ING-AING. Sa iba ay "dinaingdaing". Napaghahalatang kusang
binago, pagka't sa mga bata na lamang ngayon nariringig ang ganyan. At
marahil ay sa bisa ng paniwalang mali iyan, kung kaya binago. Nguni't
ang katagang iyan ay di mali. Matanda na nga lamang at lipas na. Buhat
sa "inaing", na ang laman ng idinaraing ay "ina", gaya naman ng
"aying" na "ay" ang nagiging laman ng pagdaing.
Ayon kay G. Victor Baltazar, anak ng Makata, ay talagang
"ina-ing-aing" ang na sa matandang "Florante". Hindi "dinaing-daing."
[28] IPINABIGAY. Kay P. Sayo ay "ipinamigay", na isang tunay na
kamalian. Ang "ipinabigay" ay isang balangkas--na maaaring sabihing
"tatak Bulakan"--na gaya rin ng "pasuriin muna" ay di siyang karaniwan
sa ibang pook ng Katagalugan. Sa iba, ang "pasuriin" ay "kásuriin"; at
ang isa't isa ay anak ng "pakasuriin". Sa may dakong Bulakan ay "pa"
ng panglaping "paka" ang ginagamit, samantalang sa ibang dako naman ay
"ka".
Ang "ipinabigay" ay di nariringig sa ibang dako, kundi ang
"ipinakabigaybigay".
Hindi dapat kaligtaang ang "ka" ay siya ring ginamit nina Del Pilar,
sa pakling "Caiigat cayo!", bilang tugon sa munting aklat ni Fray
Rodriguez, na "Caiingat Cayo!" laban sa mga aklat ni Rizal at iba't
iba pa.
[29] DUQUE ADOLFO. Ang "duque" ay isang maliwanag na kamalian ng
limbagan. Si Adolfo ay "Conde". Hindi "Duque".
[30] "para n~g panaghóy ng nananambitan". Sa "Kun sino ..." ay gaya
ang nakalagay sa lugal ng "para"--na sa malas ay kusang binago, upang
wagasin ang pananagalog. Iginalang ni P. Sayo ang "para".
[31] "na ang uica,i, "Laurang aliu niyaring budhî". Sa "Kun sino ..."
ay ganitong kamalian ang nakalagay: "ang wika ay !Larawangaliw
niyaring budhi!" Napaghahalatang ang "Larawan" ay kamalian lamang ng
limbagan; nguni't kinusa ang pagkakagawa ng "ang wika ay" ... sa lugal
ng "na ang uica,i, ..." Kay P. Sayo ay wala ring "na", at ang "ay" ay
ginawang _ligazon_ at ikinabit sa "wika".
[32] "nan~gaca-tin~gala,t, parang naquinyig". Pilay. Maliwanag na
kamalian ng limbagan ang "naquinyig". Dapat basahing "naquiquinyig".
[33] GAPUS. Sa "Kun sino ..." ay "gapos" at kay P. Sayo. Ang "gapus",
na katimbang ng "nakagapos", ay siyang tumpak.
Sa sinusundang talata, ang katagang "mahapis" ay nakalagay na
"mahahapis" kay P. Sayo. Kaya, naging labis.
[34] "Nang matumbasan co ang lúhà, ang sáquit". Sa iba ay ganito
naman: "Nang matumbasan ko ang luha nang sakit". Ginawang "ang luhan
nang sakit" ay pagkagandagandang "... ang lúha, ang sáquit".
[35] CALULUNURAN. Sa "Kun sino ..." ay "kalunuran" ang nakalagay;
kaya, naging pilay. At ang "pagcatungó" ay "pagkatungo" naman kay P.
Sayo. Tumpak ang "pagcatun~gó", pagka't "tun~gó" at di "tungo" ang
ibig sabihin. Pantay-mata na ang pagkakatungó ng araw. Inilalarawang
parang isang taong napakataas ang araw, at noong tumun~gó ay abot sa
pantay-matá ang lagay ng kanyang ulo. Napakagandang larawan!
[36] "ang sa pagcatali,i, liniguid n~g hirap". Ganito rin kay De los
Santos at kay P. Sayo; nguni't sa "Kun sino ..." ay ganito naman--na
ayon sa patotoo ng anak ni Balagtas ay mali--: "yaong natataling
linigid ng hirap". Sa malas ay walang malaking kaibhan ito sa nauna;
nguni't nagkakaibang totoo. Sa una ay kay liwanag na ibinabadhang ang
hirap na lumiligid sa nakatali ay anak ng pagkakatali, samantalang
dito sa huli ay di maliwanag na ganyan ang ibig sabihin.
[37] "sa nan~ga-calabang maban~gís na hayop". Ganito rin ang na kay P.
Sayo; nguni't sa "Kun sino ..." ay ganito naman: "sa mga kalabang
mabangis na hayop". Ginawang "mga kalaban" ang "nangacalaban".
[38] "Halos nabibihay sa habág ang dibdib". Sa iba't iba ay pawang
"nabibihag"--sa lugal ng "nabibihay"--ang nakalagay. Na, isang tunay
na kamalian. Tama ang "bihay". Sinsay ang "bihag". At ang kahulugan ng
"bihay"--na isang salitang lipas na ngayon--ay "punit", bagama't
lalong matindi sa rito. Sa ngayon ay katimbang na ng "waray".
[39] "ang aquing hinin~gang camataya,t, sáquit". Sa Kun sino ..." ay
ganito ang nakalagay: "ang aking hininga, kamataya't sákit". Kay De
los Santos ay ibang-iba: "no permitiste que trizas hicieran--de mi
cuerpo, vida y padecimientos" ang pagkakastila niya sa "at di
binaya-ang nagca-patíd-patíd--ang aquing hinin~gáng camataya,t,
sáquit". Napakalaya ang pagkakakastila. Nagkaroon ng "cuerpo"
(katawan)--na pinalitaw ng "trizas"--at nawalan ng "camatayan"
(muerto).
Kay P. Sayo naman ay ganito: "ang aking hininga'y kamataya't sákit".
Ito at ang sa "Kun sino ..." ay di wasto. Sapagka't ang isinisisi ay
kung bakit di pa pinaubayaang nagkapatidpatid ang kanyang hininga, na
isang hiningang tunay na kamatayan at sakit.
Sa balangkas na "at di binayaang nagkapatidpatid ang aking hininga'y
kamataya't sakit", dahil sa pagkakapalit ng mga _ligazon_ at sa
pagiging "y" ng "ng", ang kiyas ay nawala, tumamlay at naging mawigwig
ang pangungusap; samantalang puspos ng ganda ang "at di binayaang
nagkapatidpatid ang aking hiningang kamataya't sákit"!
[40] HUARAN. Hindi "houaran". Nararapat daliriin ang katagang ito,
upang samantalahin na ang pagdaliri sa madlang salitang sa aklat na
ito ay paibaiba ang pagkakasulat. Ang "buan", "catuiran", "lualhati",
"sasaquián", "nanaquiát", "balaquiót", "hain", "suliáp", "catauán",
"quiás", "masiasat", "díatà", "mapataniag", "mag-adia", atbp., ay
pawang may mga "bagong damit na ibang-iba ang tabas sa piling ng
karamihang pawang tabas noong 1834"--na bagong kasisilang ang
"Florante". Ibig naming sabihi'y ang ganyang pagkakasulat--na ibang
ibang-iba sa karamihan--ay pawang gawa na lamang ng limbagan o ng
kahista, noong 1861. Hindi ganyan ang sa noong 1834. Ang "bouan",
"catouiran", "catao-an" atbp., ay siyang sa matandang paraan, na
ginamit ni Balagtas sa kabuuan ng aklat, at ang nangadaliri sa una ay
pawang kabaguhan na lamang sariling gawa ng kahista. Dito
napaghahalatang nang mga araw na yaong lumabas ang siping
ito--1861--ay nakikipangagaw na sa datihang paraan ang kaparaanang
inabutan at binago naman ng ating Rizal at nina Dr. Pardo de Tavera:
bagong kaparaanang siyang tinanggap at pinairal ng "Katipunan" at ng
Panghihimagsik, at sumapit hanggang sa mga araw na ito. Hanggang sa
mga araw na ito, ang aming sabi, at ito ay di tunay na wasto.
Napakarami ang mga kabaguhang nairagdag kina Rizal, nitong mga huling
panahon, at sa mga kabaguhang ito ay may napatay pa ang bagong pasok
ng mabunying Mariano Ponce, atbp. Ang pagbabagobagong dinanasan ng
ating Ortograpia ay isang bagay na napakalawig isaysay. Kaipala'y
walang ibang kahambing sa kasaysayan ng iba't ibang wika sa Daigdig.
At iyan ang tatangkain namin sulatin sa mga darating na araw. Lubhang
kailangan, na matalos ng lahat.
[41] "sa gauâ at uica,i, dí mahuhulihan". Ganito rin, sa malas, ang na
kay De los Santos; nguni't sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay
"nahuhulihan" ang nasa mahuhulihan".
[42] "n~g magandang asal ng amá co,t, iá." Maliwanag na kamalian ng
kahista ang "iá", na dapat basahing "iná".
[43] "Ang pagcatutu co,i, anaqui himalâ". Kay P. Sayo ay may
pang-ugnay na "y" ang "anaqui"; at ito'y mapaghahalatang mali. Ang mga
"anaqui" ni Balagtas ay di ginagamitan ng _ligazon_.
[44] "Minulan ang galí sa pagsasayauan". Sa "Kun sino ..." at kay P.
Sayo ay nakalagay ang "galit" sa lugal ng "galí", na tunay na
malingmali. Bakit magiging "galit" ang pagkakatuwa, na sinimulan sa
sayawan? Ang "galí" ay isang salitang matanda, na ang kahulugan ay
"burco" (gaya ng pagkakastila ni De los Santos) o di kaya'y
"alborozo", "alivio" o "consuelo" sa wika ni Cervantes. Ang "galí" ay
ang ingay na bunga ng kagalakan, ang pulot at gata ng pagkakatuwa at
paglilibang ng marami. Sa ibang kataga ay "galí" rin ang aliw at
kaligayahan. Maaari na nating ituring, na patay na ngayon ang katagang
iyan. Kahinahinayang!...
[45] NIYAONG. Hindi "niyang", gaya sa iba. Isa rin iyang
"malabalagtas" na sukat, na labis man sa pagkakasulat ay di naman sa
pamimigkas.
[46] NIYARING. Sa "Kun sino ..." ay "yaring". Sadyang pinutlan
marahil, dahil sa labis na sukat--dahil sa ortograpia!
Isa pa ring "malabalagtas" na sukat iyan--na di nagpipitagan sa
"kumpas ng ortograpia" kundi sa "kumpas ng prosodia".
[47] "pailag-ilagang parang baselisco". Sa "Kun sino ..." ay "t" ang
nakaugnay sa "pailag-ilagan", na isang tunay na kamalian.
[48] "súcat na ang titig na matáy sa iyó". Ang "matáy" ay naging
"matá" kay P. Sayo, na may _ligazon_ "y"; at ang "namatáy sa iyó" ay
naging "ang matay sa iyo" sa "Kun sino ...".
[49] "sa Crotonang baya,i, ..." Kay De los Santos at sa "Kun sino ..."
ay "reino" ang nakalagay sa "bayan"; nguni'y kay P. Sayo ay bayan din.
[50] "ay magcacalisiyâ". Sa "Kun sino ..." ay ginawang "magkakalisya".
Inalis ang "i". Dahil sa labis sa bilang ng pagkakasulat. At kay P.
Sayo, bukod sa iniklian na ay ginawa pang "n" ang "m".
[51] BUCAS. Sa iba ay "araw" ang nakalagay. Na isang kamalian. At
mali, sapagka't sa dakong unahan ay may ganitong saad: "Salamat at
niyaóng sa quinabucasan--hucbo co,i, lalacad sa Crotonang bayan";
kaya, tama ang "Dumating ang búcas". Hindi dapat baguhin.
[52] ALIU. Maliwanag na kamalian. Tama ang "alin" na nasa "Kun sino
..." at kay P. Sayo.
[53] AROPOS. Maliwanag na kamalian ng limbagan. "Atropos" ang ibig
sabihin.
[54] NACATIGHÁO. "Natitighaw" sa "Kun sino,.." at kay P. Sayo naman ay
"katitighaw".
[55] NAG-AAGAUANG. Walang _ligazon_ "g" sa "Kun sino ..." at linagyan
naman ng kuwit (coma) ni P. Sayo sa lugal ng _ligazon_.
[56] NAGDALAMHATI. Sa "Kun sino ..." ay "nagpipighati".
[57] BAGONG. Sa iba ay "boong" ang nakalagay.
[58] GUBA,T, ... Maliwanag na kamalian ng limbagan. Dapat basahing
"gúbat".
[59] "cahit bahag-yâ na macaquitang landás". Sa "Kun sino" ay ganito:
"Kahít bahagya ng makita ang landas". At ganito naman kay P. Sayo:
"kahi't bahagya na makita ang landas".
[60] "ang caniyang búhay na cahabág-habág". Ganito rin ang na kay P.
Sayo; nguni't ang sa "Kun sino,.." ay napalitan ng "at pagkawakawak"
ang "na cahabag-habág".
[61] "Aniya,i, sa madláng guerrang pinagda-anan". Ganito rin halos ang
kay P. Sayo, at ang tanging ikinaiiba ay ginawang _ligazon_ "y" ang
"ng" sa "guerra"; nguni't sa "Kun sino" ay "dinaanan" naman ang
nakalagay. Ito ang tama, sa palagay namin, bagama't ang pagkasulat ng
"pinagda-anan" ay nagpapakilalang lalong matanda ito kay sa "dinaanan"
at wari'y hindi kamalian lamang ng limbagan. Sa malas nga ay
"pinagda-anan" ang tunay na titik ni Balagtas, at kaya nga lamang
maaaring pag-alinlanganan ay dahil sa kalabisan ng pantig. Nguni't di
baga labis din yaong nangasa unahang: "na quinalalaguián" at "sa
masayáng doon~gan"? At kung sa dalawang ito'y napatalisod si Balagtas
ay bakit di maaaring napatalisod din sa "guerrang pinagda-anan"?
[62] DIANA,I, ... Sa iba ay walang _ligazon_ "i".
[63] "Ano pa,t, pinalad na aquing dinaig--sa catiyaga-an ang púsong
matipíd". Sa iba ay "nang pusong matipid" ang nakalagay, na isang
tunay na kamalian. Kaya, naging patumbalik. Ang napalarang daigin sa
katiyagaan ni Aladin ay ang pusong matipid ni Flerida. Kaya, tama ang
"ang".
[64] "May anim na n~gayong taóng ualang licat". Ganito rin ang kay P.
Sayo; nguni't sa "Kun sino ..." ay nagkapalit ng lagay ang "n~gayong"
at "yaóng", at lumabas na humál.
[65] "nang suyò nang harì"". Sa iba ay "sa suyo nang hari", at siyang
tama.
[66] "at nang ma-iligtas ang búhay nang ibig". Sa "Kun sino ..." ay
"maligtas" ang nakalagay; kaya, naging pilay; at upang malunasan ang
kapilayang ito ay dinagdagan naman ng "nga" ni P. Sayo; "at nang
maligtas nga ..."
[67] NAGHUNOS. Sa iba ay "naghugos"; at ito ang tumpak. Sinsay, at di
kapit, ang "naghunos".
Nguni't, sino kaya sa atin ang makapagsasabing nang panahon ni
Balagtas ay di wasto iyan? Sino ang makatitiyak, na noong panahong
yaon ay may kahulugan ding gaya ng angkin ngayon ng "hugos" ang
katagang "hunos": katagang sadyang may kung ano anong kahulugan ay
ibig sabihin, magpahangga ngayon? At sino sa atin ngayon ang
makapagsasabing tahasang hindi isang salitang bago ang "hugos", na
umuri lamang sa "hunos"? At sino sa ating nagsisipagsuri ngayon sa
wika natin ang makapagpapasinungaling sa maaaring sapantahain ng
kahi't sino, na iyang "hugos" ay isa lamang kamalian ng "hunos", at
dahil sa napapasok at nagkasalin-salin na sa iba't ibang palimbag ng
"Florante" ay naging palasak na tuloy at naging isa nang wastong
salita, dahil sa bisa ng kabuniyan ng "Florante"?
Sa wika, gaya rin naman ng sa iba't ibang bagay ay nagbabagobago ang
lahat. At sa pagbabagobagong iyan ay may mga bagay na nagkakaibaiba ng
pangalan, at may mga salita namang nagkakaibaiba ng kahulugan.
At parang katunayan ay maitatanong natin; ano at saan galing ang
"halip"? Laláng lamang. Parang kinuha lamang sa "hulip"--na ang
kahulugan ay ilagay ang isang bagay sa dating kinalalagyan ng ibang
nawala o nasira. Hinuhulipan o linalagyan ng mga panibagong bulubod
ang gayon o ganitong bagong tanim na palay, na sinira ng agos ng
tubig; at hinuhulipan din ang atip na butasbutas na at sira. At sa
"hulip" na iyan linaláng ang "halip"--na siya ngayong nakikipangagaw
na sa kastilang "lugar" o "lugal", sa pangungusap na ganito,
halimbawa: "Sa lugal na papagsarilinin at di't kundi bagkus pang
binigtihan ng pagasa."
Gaya na lamang ng "Makata": ano ito? Sa dati'y "mapagkatakata",
mapagsalita ng kung anoanong di katotohanan, mapaglubid ng buhangin,
ang kahulugan: na isang katagang mahalay na ikapit sa Poeta.
"Mangangatha" at "manunula" ang tawag noong araw sa poeta. Nguni't
ginawang "makata"--buhat sa "makatha" na kawangis ng
"mapagkatakata"--, at ang kabalbalan ay naging isa nang tunay na
salitang tumpak.
May hihigit pa ba sa kabalbalan ng "lalawigan"? (Sa isang kasulatang
matanda (1865) ay nakita kong ginagamit ang katagang ito. Nito lamang
buwan ng Hulio 1938 nabasa ko.-C. R.). Ang katagang iyan, na "puerto"
ang ibig sabihin, ay nagkaroon na ngayon ng kahulugang "provincia". At
bakit? Dahil din sa kamalian. Naging sukat ang pagkakagamit sa panahon
ng Himagsikan ng "lalawigan ng Kabite" upang ipagkamaling "Provincia"
ang ibig sabihin ng "lalawigan", at ang kamaliang iyan ay naging
palasak na at nagkaroon ng ibang kahulugan. Tama ang "lalawigan ng
Kabite" sapagka't talagang "puerto" ito; nguni't sabihing "lalawigan
ng Bulakan", halimbawa, ay isang tunay na kabalbalan. At ang
kabalbalang iyan ay tama at tumpak na ngayon.
Ganyan din ang masasabi sa "aklat". Ginawang "libro" ang "aklat",
kahi't hindi tama, pagka't "aklatan" ang "libro", at wasto na ngayon.
Ang "aklatan" ay ginawa namang "biblioteka" at "libreria", at tama na
rin ngayon.
Ang "talikala" ay "Tanikala" na ngayon, ang "lupong" ay "lupon" na,
ang "tangso" ang "tanso", ang "taliba" (talibahan, salitang naging
palasak nang sabihing: "talibaan" sa lugal ng "talibahan"). Ang
"iklog" ay kasalit ng "itlog", ang "ista" ng "isda", ang "maselang" ng
"maselan", ang "kaanak" ng "ának" o "angkan", ang "kaagad" ng "agad" o
"agadagad", ang "gaang" ng "gaan"; at ibig nang makipagkamali ng
"laan" sa "taan", ng "takda" sa "tadhana", ng "kagalawad" sa
"kagawad", ng "alumana" sa "alintana", ng "tagapaglaganap" sa
"tagapamansag" o "tagasiwalat", ng "kabulastugan" sa "kabalbalan",
atbp.
[68] "Ano pa n~gayóng gúbat na malungcót". Magkakabit ang "n~gayaóng":
maliwanag na kamalian. Sa "Kun sino ..."ay "ano pa ngat yaong ..." at
sa palimbag ni P. Sayo ay "ano pa at ayaong" ...
[69] "macailang hintóng canilang malimot". Kay P. Sayo ay "nalimot; at
sa "Kun sino ..." at iba pa ay "makaitlo" ang nasa "macailán". May
palagay kaming ito ang tama, at mali ang "makaitlo". Si Balagtas ay di
kaibigan ng mga tinatawag nating "viciso de dicción". Ang "makaitlo"
ay kahambing din ng "makaipat" at "makainom", na pawang likha lamang
ng mapaglarong dila, sinsay sa tumpak na pagbabalangkas, at pinsang
buu ng mga "buo". "nuon", "puon", "suob", "duon", "lieg", "luok",
"suot", atbp.; mga katagang hinlog na malapit ng mga "maselang",
"magaang", "sangla", "sanghi", "bungmasa", "ungmayaw", "kungmain",
"iyuna", "iyalinsunod", atbp.
Makaitlo! Bakit di naman sabihing "makailawa"?
Makaipat! At bakit di naman "makailima"?
Makainem! Ano nga at di naman "makaipito", "makaiwalo" at
"makaisiyam"?
Bakit nga hindi naman? Ano ang sanhi?
Dili iba kundi sapagka't sa iba't iba ay mahirap na palunduin o
papagduyanin ang dila. Sa ikalawang pantig lamang, buhat sa hulihan,
nakapaglalaro ang dila, at di maaaring gawing "makailima" o
"makaiwalo" sapagka't dalawa pang pantig ang nasa hulihan. Hindi naman
magawang "makaliima", "makapiito", "makawailo" at "makasiiyam",
sapagka't "magdidilang intsik" na naman.
[70] "cong aco,i, magbalík na may hocbong dalá". Maliwanag na mali
rito ang "aco,i," ...Dapat basahing "icao", gaya ng sa iba. Kay P.
Sayo, ang "ikaw" ay sinundan ng "ay", kaya lumabis sa bilang.
[71] NA. Sa iba ay "ang" ang nasa "na".
[72] ITONG. Ang katagang ito ay "yaong" sa iba.
[73] NAUICA. Sa iba ay naging "winika". Yaon ang lalong tumpak,
pagka't sa dagsa ng kaligayahan ay di sinasadya, kundi parang bunga at
atas lamang ng sigaw ng puso, ang "nauica" o naisigaw ay "Viva si
Florante!"....
[74] NAGCA-CASING-SINTA ... Sa "Kun sino ..." ay "magkasing sinta".
Pilay. At nagkaroon ng ibang kahulugan. Sa "magca-casing-sinta" ay
sina Florante't Laura at sina Aladi't Flerida ang ibig sabihin;
nguni't dahil sa pagiging "magkasing sinta" ay dalawa lamang ang
lumabas at di apat.
Narito ang ilang paliwanag, na maaaring ituring na "galó" lamang, kung
baga sa bigas, ng napakaraming sukat na daliriin, kung isusumag ang
sipi naming ito sa iba't iba pa. Maaaring sabihin, pagka't siya namang
totoo, na ang tanging pinagsumagan ay ang "Kun sino ..." na siyang
kahulihulihang lumabas noong mapasakamay namin ang "Florante" nina G.
Alfonso Mendoza; at sakali mang nabanggit dito ang palimbag ni G. P.
Sayo at ang kay G. De los Santos ng sapagka't kaharap na lamang namin
ngayon.
Ano pa nga't kung pagtitiyagaang isumag pa sa palimbag ni G. Sayo, at
ayon sa isa lamang pagbasang ginawa namin, ay makikita ang di mabilang
na pagkakaiba. Ang sa "Kun sino ..." ay tila sipi sa "Florante" o
sumag sa iniingatan ni Dr. Pardo de Tavera, na binago nga lamang ang
pagkakasulat, ayon sa bagong ortograpia. Ang nasabing "Florante" ay
limbag noong 1870; na may siyam na taong kahulihán lamang sa sinipi
namin. At kung sa loob lamang ng siyam na tao't nagkaroon na ng di
mabilang na "kabaguhan", saan di nga lalo na sa mga linimbag nang mga
taong huli sa 1870? Kaya, mapaghahaka na natin kung gaano ang kaibhan
ng "Floranteng" ito sa mga lumitaw nitong mga huling panahon!
At ang pagkakaibaiba ay di dapat ipagtaka, kung aalagataing maging sa
siping itong lumabas nang 1861, gayong buhay pa si Balagtas ay kay
dami na rin ng kaibhan, sa pagkakasulat. At maging kami man naman,
gayong pinakaingatan na ang pagsipi, ay di pa rin kami lubos na
panatag. Hindi rin namin mapangahasang sabihing tahasan at ng boong
tigas, na ito'y walang kamalimali, hindi na sa pagkalimbag ngayon,
kundi maging sa pagkasipi na lamang namin.
Nag-aalinlangan din nga kami. At bakit? Sapagka't sa siping ito ay
napuna namin ngayong may lumabas na "isinusuob", "voces", "muog", na
sa palagay namin ay gawa lamang ng isang pagkakaligta. Hindi namin
matiyak ngayon, kung ang "voces" ay sadyang nasa "Floranteng" sinipi
namin. May paniwala kami ngayong iyan ay nakuha lamang sa "boses" ng
nasa "Kun sino ..." at bagama't nabago namin ang "b" ay nakaligtaan na
ang unang "s" at di nagawang "c". At ang paniwalang ito ngayon ay
lalong pinagtitibay ng mga kasalit na "voces" sa iba't ibang dako. Ni
noong 1861 man ay wala tayong makikitang "voces". Tunay man ngang
marami ang binago noon ng kahista--gaya ng "balac-yot", "datapoua",
"loualhati", "catouiran", "catao-an'", "hayin", "bitoin", "hocbo",
"muc-ha", "caniya", "ayauan", "ac-yat", "cong", "condi", atbp. na
ginawa niyang "balaquiot", "hucbo", "mucha", "cania", "aiuan",
"aquiat", "cun" at "cundi",--ay mapaninibulusan nating hindi niya
mapagkakamalang gawing "voses" ang "voces". Kaipala'y isa rin niyang
kamalian--sakaling hindi amin, na parang nagagad na lamang namin sa
"Kun sino ..."--ang "suob" at "muog"; nguni't ang "voces" ay aming
kamalian marahil. Nagagad nga lamang sa "Kun sino ..." gaya ng
pagkagagad sa dalawang huling "muog" at "suob". Ang dalawang salitang
ito ay lalik ng mapaglarong pamimigkas, na kasamahan ng "buo", "nuon",
"punon", "lieg", "puot" at iba't iba pang walangwala sa mga panahong
yaon ni Balagtas. Saan mang matatandang awit at kurido ay di
makakikita ng "muog", "hucbo" atbp., kundi "moog" at hocbo". Isa pang
bagay, na dapat mapansin, ay ang mga katagang: SAGLIT-SAGLIT, sa
"dini sa li-ig co,i cúsang isasabit
tuhog na bulaclac sadyáng saglit-saglit" ...
LUHA, sa
"sa m~ga palayao ni amá,t, arugâ"
malaquing palad co,t, matamís na luhâ".
MAG-AALA-ALA, sa
"ito ang mapaít sa lahat nang dusa,
!sa aquin ay sino ang mag-aala-ala"
NANG, sa
"Cung nasusuclám ca sa aquing candun~gan,
lason sa pusô mo nang hindi binyagan"...
ANAQUI,T, sa
"Pag ibig anaqui,t, aquing naquilala
di dapat palac-hin ang bata sa saya"...
UALANG, sa
"ay bago,i, sa mundo,i, ualang quisáp matá
ang tauo,i, mayroong súcat ipagdusa".
UICA,I, sa
"cundî ang uica,i, "icao na umagao
nang capurihan co,i, dapat cang mamatáy".
HOMIHIP, sa
"homihip ang han~gi,t, agád mahiualáy
sa pasig Atenas ang aming sasaquián".
MAGCATOTOO, sa
"aniya,i, bihirang balita,i, magtapát
cong magcatotoó ma,i, marami ang dagdág".
NAGLALATHALA, sa
"na naglalathalà sa sangsinucuban
nang capurihán co at capangyarihan".
NADARARANG, sa
"caloloua,i, gulo,t, púso,i, nadararáng
sa nin~gas nang sintang bago cong naticmán".
NA UNANG, sa
"Dito co naticmán ang lalong hinagpís,
higuit sa dalitang na unang tini-ís"...
NGUNI,I, sa
"N~guni,i, cun ang ó-o,i, dî man binitiuan
naliuanagan din sintang nadidimlán".
PAGTULOG, sa
"dapoua,t, ang baya,i, tat-long arao halos
na nacalimutan ang gauíng pagtulog".
ACA,I, sa
"Ang aca,i, cong hocbo,i, cúsang pinahimpil
sa paá nang isang bundóc na maban~gin"...
TAUAGIN, sa