Agong.--Sa gayon ay maraming salamat _aalis._

Pedro.--Kaibigan ayon sa kainaman mong ugali dika sukat mag

tiwalâ n~g labis sa ating apô-apôan, sapagkat dinguín mong madalas

asalin niyan:

Iyan ay walang ugaling makisama sa di niya mauulól, at marunong

gumalang sa matwid, siya,i, di mopa kilalá dahil sabago kapang

nakakasama ¿gaano nabang panahon ang iyong pagkalagay dito?

Vico.--Dalawang taon lamang.

Pedro.--¿Gasino na ang dalawang taon? ako'y nakilala ko pati

inunan niyan at sa katunayan, iyan ay pang-ulo n~g isang tungkos na

inútil at walang ini-isip kung di ululín ang m~ga kaawa-awa, walang

bigóng kilos na di pinagkakagasta; at ang bawat hindi umamin sa linsad

niyang paraan ay tuturang walang pag-ibig sa lupang kinamulatan.

Vico.--Katoto: masalág ko ang iyong pan~gun~gusap, si Tio

Agong ay walang kasalanan, sapagkat sa bayang walang napakukutos, ay

walang man~gun~gutos, tuturan mong siya'y pan~gulo n~g isang

kapisanan. ¿Hindi mo ba natatalos yaong wika: Na sa bayan n~g ulol

walang Hari kundi ang gungong? Kaya wala sa gunam-gunam ko ang ako'y

kaniyang pagtaksilan.

Pedro.--Ito'y sinabi ko lamang, huag mong lílimutin yaong

wika: na ang mapagkatiwala madalas mapan~ganyaya iyong tatandaan

_aalis._

_Lalabas si Soledad Malungkot._

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 8 / 50 题