Catungculan ng mga A: *

1.o Magbabayad ng dalauang piso, minsan lamang, handog baga sa

pagpasoc, at isang salapi naman ang catungculang hulog sa buan buan,

buhat sa canilang ipinasoc.

2.o Ayon sa tapat na loob ng umiibig sa sariling bayan, na sa

icatitimáuâ at sa icaguiguinháua na dapat nasain sa canilang magulang,

anac, capatid at mga ibang minamahal na sa caniya'y lumilíbid, dapat

maggugol ng boong macacaya, tumalima ng tapat at bulag na pagsunod

sa balang utos at àtas maguing sa sabi ó sa sulat, na mang gagaling

sa canilang C.* ó sa G. P.*

3.o Ypag bigay alam capagcaraca at huag ililiban, sa mga pinuno

sa canilang C.* ang anomang maquita, ma pansing maringig cayá,

na icapanganganib ng catahimican ng L. F.* ó anomang naoocol dito;

pagpipilitang maguing dapat, tunay at maayos sapag papahayag ng mga

dapat ipagbigay alam.

4.o Pag iingatang lubos na malihim sa di dapat macaalam cahit sa

magulang, sa capatid, sa anac at iba pá, pagcacaramayan man ng buhay,

ang anomang balac, gauâ at átas ng canilang C.* at ng boong L. F.*

palibhasa'y paraan bagay na lalong pinacamamahal sa buhay.

5.o Ungaliin cailan man ang tanging pag tingin sa mga A.*; hindi bibili

cundi sa tinda, ng A.* at ang pagbibili naman ay mura. Sacaling

nagcacaisa ang halaga saan man, dapat na lingapin ang A.* ang

maguiguing pagcuculang sa átas na ito ay parurusahan ng mahigpít.***

6.o Ang A.* na may cáya at di sumaclolo sa capuâ sa pagdadalitâ ó cayá

sa quinalalaguiang panganib ay parurusahan at sa caniya'y ihahatol ó

icacapit cung hindi pa sapat, gayon ding parusa na ipinadalita sa iba.

7.o Balang A.* sa pagpasoc ay magtataglay ng bagong pangalan na siya

ang pipili at hindi macapagbabago hangang siya'y hindi pa Gp.*

8.o Magpapaquita sa canicanilang C.* ng isang nagauá, isang nauarì,

isang napag aralan ó caya isang bagong pumapasoc.

9.o Huag papayag na maaalipustâ, huag namang mamamalibhasa at

manghahamac canginoman.

Madlang pasiya:

10.o Upang matangap ang isang A dito sa L. F.* cailangang may

tinagong cabaitan, mabuting caugalian; hindi baga na parusahan totoong

magnanacao; hindi babád sa sugal, mapaglangô cayâ ó palibot libot.

Ang may nasang pumasoc ay magpahayag lamang sa isa sa A.* at ito'y

magsasabi sa caniyang F.* upang mapagsiyasat ang asal at ugali ng

pumapasoc.

LONDON PRINTING PRESS

No. 25, Khulug Street,

LONDON.

Proceso del Dr. José Rizal Mercado y Alonso · 第 49 / 56 题