TALABABÂAN

[38] Minárapat kong maglagáy ng̃ isáng kabanata na náuukol sa mg̃a

paraán ó hugis ng̃ pagsulat ng̃ iláng salitâng tagalog, upáng

malunasan ang pagkakáibáibáng nangyayari ng̃ayón na ibinubung̃a ng̃

kawalán ng̃ tuntuning dapat sundín ng̃ mg̃a nagsisisulat. Ang mg̃a

tuntuning nalálagdâ sa bagay na itó ay násasalig sa ating katutubòng

pagbigkás at sa mg̃a panutong sinúsunód sa Balarilà.

[39] Hindî kákauntî ang nápupuná kong sumusulat ng̃ _sinoman_,

_anoman_, _alínman_ na ang _man_ ay idinidikít. Sa ganáng hakà ko’y

hindî tumpák ang ganitóng pagsulat.

Balarilang Tagalog · 第 376 / 396 题