[36] Ang sino mang ibig makatantô ng̃ mg̃a tuntunin sa pagdidiíng itó
sa hulíng pantíg, ay kailang̃ang tunghán ang bahagi ng̃ Pagbigkás
nang náuukol sa pagdidiín (ó acento prosódico).
[37] Marami ang nagbabago sa kudlít na salakót sa mg̃a ganitóng
salitâ at hinahalinhán ng̃ kudlít na mariín, sapagkâ’t anilá’y ang
pagbigkás ay tugmâ sa hulíng kudlít na itó paris ng̃ _masamâng tao_
sa halimbawà. May katwiran din sana ang mg̃a sumusulat ng̃ ganitó,
dang̃an lamang ang bagay na itó’y bukód sa makasisirà sa talagáng
pinagmulán ng̃ salitâ ay maáarìng mapagkamalán sa ibáng pang̃ung̃usap.