TALABABÂAN

[12] Ináakalà kong tumpák ang ganitóng tuntunin sa paglalagáy sa

bilang na dalawá ó marami ng̃ mg̃a salitâng pangturing na nagbuhat

sa _ma_. Marami ang nápapansin kong gumagawâ na, pinang̃ung̃unahan

pa ng̃ _mg̃a_ bukód ang pag-ulit sa unang dalawáng titik ng̃ unang

pantíg ng̃ ugát, gaya sa halimbawà, ng̃: _mg̃a mahahabàng talumpatì_,

_mg̃a dalagang magagandá_. Sa ganáng kurò ko, ang ganitó’y hindî

tumpák sapagkâ’t hindî man lagyán ng̃ _mg̃a_ ay nagbabadyá rin ng̃

dalawá ó marami.

Balarilang Tagalog · 第 73 / 396 题