¡Maaliwalas ang daan ko!
Suriin natin ang ugali n~g umanó'y m~ga bantóg at pahám na manúnulát.
Ayaw siláng makariníg na mayroóng makata; ayáw siláng makakita na
mayroong bagong kasaysayan, at pauulanin na nilá ang pula, lubha pa't
isáng maliít ang sumulat. Sasabihing iyán ay mali, walang kabuluhan;
at sayang lamang ang ipinagpalimbág. Palalo at pan~gahás ang gumawa
niyán, huwág na di masabing siyá ay _autor_.
¡Kaawaawang m~ga manúnulát!
¡At silá daw ay m~ga kawal sa pagpápalaganap n~g wikang tagalog! Kung
sa habang panahón ay ganyán ang aasalin nilá, ay sumpa n~g bayan ang
kaniláng maáantay. Sa kaniláng pakikipagkapwa ay doon lamang uusbóng
ang pagmámalasakitan n~g m~ga makatang pilipino, na, tan~ging daan n~g
ikátatanyág n~g masaráp na wika ni Balagtás.
Kung sa akin silá hahadláng ay itutulak ko silá n~g dalawáng kamáy at
bubulyawán kong: ¡Maaliwalas ang daan ko! ¡Nakikita ko ang aking
nilálakaran! ¡Tanglawán ninyó ang inyóng landasin at di ko kailan~gan
ang inyóng ilaw! ¡Manipís mán ang aming m~ga katha ay piniga namáng
tunay sa aming sariling isipan at di naming ninakaw sa isipan n~g m~ga
makatang kastila, ingglés, pransés, at ibá pá! ¡Mura mán ang aming
m~ga aklát ay madali namáng maubos at di ináamag sa m~ga aklatan!