Kayó nga ang humatol

Si Petra at si Petring ay magkapatíd. Minsáng nalálapít ang Paskó, ay

binigyán silá n~g kaniláng amá n~g muntíng halagá upang magugol sa

dakilang araw. Si Petra ay ibinilí ang kanyáng bahagi n~g isáng hikaw,

at si Petríng ay pawang babasahing tagalog ang pinakyáw.

Dumatál ang araw n~g paskó, at gaya n~g karaniwan, ay nagdalawán ang

dating mag-kákaulayaw. Sa dampa n~g magkapatíd ay mayroón díng m~ga

panauhin. At ¿anó ang naisalubong ni Petra? ¿Naipagparan~galan bá ang

kanyáng hikaw? ¡Hindi! Subali't si Petríng ay naipagmalakí niyá ang

kanyáng m~ga aklát at tan~ging nakápagsabing "Mamiyang hapon na kayó

umuwi at tayo ay magbasá nitóng masasaráp na kasaysayang bagong

labás..."

Kayóng bumabasa nitó, ay inyóng hatulan kung sino ang natumpák: ang

hiyás na nagagamit n~g isáng tao lamang ó ang aklát na pakíkinaban~gan

n~g marami ang lalong mahalagá, Kauntíng pagkukuro ang inyóng

papaghariin. Tutupín ninyó ang inyóng m~ga puso at siyáng magsasabing:

mahalagáng pagaari ang m~ga aklat kay sa hiyás na nawawala.

Sa tahanan n~g isáng matalino, ay aklát ang matátagpuan; n~guni't sa

tahanan n~g isáng mangmáng ay pawáng hiyás ang palamuti. Dahil doo'y

magipon kayó n~g m~ga babasahing tagalog upang mapabilang kayó sa m~ga

pantás.

Nasawing Pagasa · 第 13 / 25 题