ELECTO

Ito'y siyang tubo nang man~ga magulang

na sa man~ga anak ay mapagpalayaw

kahi't gumawa man niyong kasalanan

ay di binibigyan nang kaparusahan.

Kapag namihasa sa ganoong gawa

ay ulol at ulol ang nagiging samâ

at sila ang bilang na nagpapalala

nang ugaling lihis mulang pagkabata.

At kung tumanda na't saka susupilin

ang asal na gayong karimarimarim

wala nang panahon at kung pipilitin

abang nagpalayaw ang patatan~gisin.

Panayam ng Tatlong Binata — Ikalawang Hati · 第 16 / 20 题