at napahatid sa kanilang bahay; n~guni't samantalang tumatakbo ang
sasakyan, ay boong paghihinagpis na sinasabi sa m~ga anák ang m~ga
pan~gun~gusap na itó:
--M~ga anák ko: siyam na buwan at isang araw tayong maghihintay upang
ang inyong amá ay makalaya. Siyam na buwan at isang araw na pagtitiís
at pan~gun~gulila ang daranasin natin bago sumapit ang araw na muli
niya tayong maisalilong sa malaya niyang pagkukupkop. Subali't, ang
takdang panahong iyan ay maikli kung isusukat natin sa haba at tagal
nang panahong ikinabibilanggo sa piitan n~g pagkabusabos at kaalipnan
n~g lalong dakilang karapatan n~g m~ga manggagawang pilipino na
kinabibilan~gan n~g inyong amá, at karapatang siyang ninanasang
ipagtanggol niya hanggang sa maaabot n~g kanyang kaya; n~guni't
sadyang kapos palad pa ang m~ga manggagawa ... sapagka't ang panahon
n~g kanilang ganáp na pagkatubós ay malayo pang sumapit sa kanila.
Kinakailan~gan pang magkaroon n~g maraming magtitiís n~g hirap sa
ikatutubos n~g lahat, at kailan~gan pang magkaroon n~g maraming
Kristong magpapakasákit sa katubusan n~g madla.
Sa mapupun~gay na m~ga matá ni Serafina ay dalawang masakláp na luha
n~g pagdaramdam ang nagunahang sumun~gaw.
Pinakayapós na mahigpit ang tatlo niyang anák at pagkatapos ay
pinaghahagkan n~g boong giliw at boong pagmamahal.
WAKAS
MGA MALI SA PAGKALIMBAG
Mukha: Talata: Nababasa: Dapat Basahin:
XI 2 kahalán laga kahaláhalagá
XI 5 nnoman anoman
1 7 matanda't bata matatanda't bata
14 2 Botika Morelos. Botika Morelos
14 6 n~g dako n~g panulakan dako n~g panulukan
24 2 n~g laha,. n~g lahat.
24 3 tumaganap lumaganap
24 12 n~g gayon n~g gayong
24 13 tumayo at tumayo
24 21-22 katahimikan. katahimikan
25 9 upang kalamigang upang ang kalamigang
30 22 manggawa magagawa
31 3 nakabukás ang nakabukás
32 12 u~g boong katawan n~g boong katawan
49 11 nay Pagawaan may Pagawaan
55 17 at kung kahit at kung bakit
61 8-9 itaitagal itatagal
63 12 gagagawing kalasag. gagawing kalasag.
63 16 Dinun~gaw si Seraflna Dinun~gaw ni Serafina
64 7 ipinatuloy pinatuloy.
71 7 naguntos; naguutos;
77 15 ikabaw ibabaw
79 1 tabakero tabako
80 24 ¿Kun gayon, ¿Kung gayon,
81 12 sumpal!... sumpa!...
81 16 aag ang
94 1 sisanabi sinasabi
_Mga Aklát ng Sumulat Nito_
"Bagong Magdalena"...............P 0.20 ang isá
"¡Sakim na Magulang!"............ 0.40 "
"Lalaking Uliran" ó ¿Tulisan?.... 0.40 "
[Patalastas]