Art. Oo, at naito, inyong malasin!.... (Ipakikita ang testamento.)

Lahat. Mayaman pala si Esperanza!....

Esp. Ganiyan n~ga ang patunay, m~ga ginoo n~g Notario, n~guni't huwag

ninyong ipalagay na ang gayon ay magpapabago sa aking paguugali.

Ang yaman sa biglaang sabi, ay hindi ko kailan~gan, kundi, ang

kapatawaran lamang n~g m~ga nagagalit sa akin. Nasa ko po ang

mahirap!

Lahat. ¡Mabuting puso!...

Esp. (Kay Artemio) Artemio, ang kayamanan kong nagbuhat sa aking mamang

kamamatay pa lamang, ay ipinagpapaubaya ko as iyo ... Nais ko

lamang sanang ang dalawang hati, ay ipagpagawa n~g isang paaralan

para sa m~ga anak n~g mahíhirap; at, isang bahay ampunan para sa

m~ga laging sinasahol n~g palad; para sa m~ga anak n~g

kahirapan..... ¿Tinutulutan mo ba ang gayon?

Art. (Magalak) ¡Nang boong puso!... (Sa lahat n~g kanyang panauhin)

¡M~ga kaibigan!... ¡Papá, Mamá!... Tumubo rin ang aking inihasik

na m~ga pan~garal!... (Tatabanan sa isang bisig si Esperanza).

¡Naito!... ¡Naito ang ninasa kong tubusin: (Boong puso). ¡Kahapon,

siya'y makasalanan, at n~gayon ay tunay n~g malinis. ¿Siya ang

aking Esperanza; ang pag-asa kong naging katunayan!... ¡Dapat

matanto n~g lahat na hindi ang bawa't nalublob sa burak n~g

kasamaan, ay hindi na bubuti! ¡Naito si Esperanza na siyang tunay

na saksi!... Larawang tunay n~g m~ga nagbabagong buhay!...

(Lahat n~g m~ga panauhin, ay mapapamaang: Ang manggagawa ni D. Luis,

ay yayakapin ang dalawa ni Artemio at Esperanza samantalang, ang m~ga

kaibigan naman nito ay magagalak na tatabanan si Artemio sa kamay. Ang

TABING sa gayon ay unti-unting malalaglag.)

(KATAPUSAN).

Esperanza · 第 8 / 8 题