Art. (Ap) ¿Ano ang ibig sabihin nito?
D. Mat. Naparito po akó upang ipagbigay alam sa inyó ang huling
habilin at pasya n~g isang amain n~g inyong asawa. (Kay Artemio)
Art. (Pataka) N~g aking pong asawa? (Ang lahat n~g m~ga panauhin ay
mapataka. Lalo na si Esperanza.)
D. Mat. Oo, po. Isang amain nila (Ituturo si Esperanza) na siyang
lalong mayaman sa Misamis na nagn~gan~galang Pedro Abelario, na
kamamatay pa lamang sa Bayang ito ay inihalal niyang tunay na
magmamana sa lahat n~g kaniyang pag-aari.
Art. (Kulang pa din n~g paniwala) ¿Tunay n~ga po ba?
D. Mat. Tunay po. At sa katotohanan, ay, naririto po ang testamento, at
sampu n~g lahat n~g kayamanan.
(Bubuksan ang kanyang tan~gang Kartera, at ibibigay ang testamento,
m~ga dokumento at m~ga salapi.)
Art. (Boong galak) ¡Esperanza, Mama, Papa.. M~ga kaibigan ko.
Lahat. (Pataka) ¿Ano ang nangyayari?
Art. (Matuwa). Si Esperanza ay _heredera_ n~g lahat n~g m~ga kayamanan
n~g isang amain niya na kamamatay lamang.
Lahat. ¿Tunay?
Art. Tunay. At talos ninyo kung magkano? Limang pung libo....
Lahat. ¿Tunay n~ga ba?