PAGIIBIGAN.

_Si Urbana cay Feliza_.--MANILA....

FELIZA: Ang marunong maquipagcapua tauo, saan saan ma,i,

pinacamamahal, at isang tandang pinagcacaquilanlan, na may

pinagaralang bait. Sa paquiquipagusap nang isang pinagpupunoan sa

caniyang puno, ay di lubhang maquiquilala ang marunong maquipagcapoua

tauo, sapagca,t, sa tacot ó sa alang alang, ay nacapagpapangap nang

mahal na asal na uala sa dibdib, n~guni,t, sa paquiquisama, ó sa

paquiquipag-usap sa caniyang caparis, ay diyan naquiquilala ang

marunong maquipagcapoua tauo, at ang hindi; ang may mahal na asal, ó

asal timaua, ang may tapat na loob, at ang lilo, ang may pinagaralang

bait, at ang ualá, sapagca,t, ang uala ay capag nalin~gat, ay

nailoloual ang laman nang puso dahil sa pagpalagayan nang loob.

Sa pagpapalagayan nang loob ay di na cailan~gan sundin ang man~ga

ceremonias at cagalin~gang ucol sa man~ga puno; n~guni, bagay-bagay

rin naman ang pagpapalagayan nang loob. Cung sumisinsay na sa matouid,

na pinagcacadahilanang ipahayag sampo nang casalaulaan; ito,i, isang

caasalang nauucol lamang sa tauong salát sa cabanalan at sa calinisan,

caya malaqui man ang pagiibigan ay di dapat iloual ang boong nasa sa

loob. May isa namang pagpapaquita nang loob na may halong pag-imbot,

na di ang hinahan~gad ay ang tunay na pagiibigan, cun di ang siya,i,

maquinabang sa tinatauag na caibigan. ¡Malupit na pagibig na laban sa

mahal na asal! Ang man~ga caibigan ito ay maipaghahalimbaua sa alamid,

na nagdaya sa ouac, na sinasalita sa Fábula: May isang ouac na

nagnacao nang queso,i, napailanglang nang lipád at tumuntong sa san~gá

nang mataas na cahoy. Nang maquita nang alamid ang queso sa bibig, ay

binati nang boong galang at quinausap. Di macacailan, aniya na aquing

narinig, na sa balita,i, di sucat na maniuala, n~gayon co natanto na

ang sabing ito,i, may catotohanan. Di anhin ang sabi, icao, sacdal

itim, mapanood quita,i, mauiuica cong maputi capa sa busilac: daig mo

ang cisne talo mo ang yedra, at cun sa huni disin, ay dadaiguin mo ang

man~ga ibon, para nang pagdaig mo sa culay nang balahibo, ay uiuicaing

co, na icao ang hari nang lahat nang ibon. Sa ganitong puri ay

napa-ilanglang ang isip nang ouac, pinagbuti ang tayo, ipinamayagpag

ang pacpác, at sinabayan nang huni, nabucsan ang tucá; nalaglag ang

queso,i, quinain nang alamid. Sa ang ouac ay magcagayon, ay nagdalá

nang malaquing hiya, at naquilala na siya,i, inaring ulol, at

pinagdayaan nang alamid.

May pagpapalagayan nang loob, na bun~ga nang tapat na pagiibigan.

Sasaysayin co Feliza, ang man~ga regla na dapat alinsunurin.

Magbibigay luhód sa casama ó caibigan, pagbibigyang honor ó puri,

n~guni ang pagbibigay ay tapat sa loob, at di paimbabao. Houag

magnasaang pintuhoin at igalang nang caibigan cun di mamahalin, na

para nang pagmamahal niya sa sarili. Hindi ang isa lamang ang

magpapaquita nang loob, cun di capoua magpapaquitaan. Hindi

maghahanapan nang cagalan~gang ucol sa naquiquilalang puno;

datapoua,i, ibinabaual naman ang calapastan~ganan. Cun ang isa,i,

naquiquitaan nang casiraan, ay dapat sabihin nang isa, nang banayad at

mahusay na sabi, nang houag mapulaan ang caibigan; dapat naman

tangapin nang pinagsasabihan ang magandang hatol nang nagtatapat loob

sa caniya. Cun ang caibigan ay maquitaan nang cabaitan at tapat na

loob ay pagsasangunian, at di naman dapat pagcaitan nang magandang

hatol ang nunuhang sanguni. Cun ang isa,i, pinaguupasalaan, ay dapat

ipagtangól nang nacaririnig na caibigan, ipahahayag ang caniyang

cabutihan at nang houag masiraan nang puri. Maglilingcód at sasaclolo

sa panahón nang caguipitan at casacunaan; sa catagang sabi,i, ang

caibigan ay naquiquilala, sa bilangoan sa saquit at sa camatayan. Ang

pagiibigan, ay isang caguilio-guilio na tanicalang guintó, na tumatali

sa dalauang pusó; n~guni,t, mahirap hanapin, at palibhasa,i,

mahalagang tanicalá. Caiin~gat si Honesto sa pagiibigan, malasin cun

sino ang pinagcacatiualaan nang caniyang puso; tingnan cun tapát na

loob, mahal na asal, may pinagaralang bait, marunong sumaclolo sa arao

nang panganib at cun maquita niya itong may man~ga halagang hiyas saca

naman ipagcatiuala ang caniyang loob. N~guni, at cun sa bala na, ay

maquiquipagibigan cun masaui sa palád na tumama nang malupit na asal,

salat sa cabaitan, ualang hinahan~gad cun di ang sarili niyang

paquinabang, ay mapapahamac ang canilang bunsó; masisira ang magandang

asal na tinangap sa ating magulang, at matatapos ang cabaitang sa

iyo,i, pinagaralan.

Papamihasahin mo naman ang caniyang puso sa paggaua nang magaling sa

iba, n~guni, sa bagay na ito, iilagan ang pagimbót na siya,i, gantihin

sa ipinautang na loob. Cun may gumauá nang magaling sa caniya ay

pasasalamatan, quilanlin ang utang, at gumanti sa capanahonan,

sapagca,t, isang capalamarahán, isang casiraan nang puri, ang di

cumilala sa utang na loob. Adios, Feliza.--URBANA.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 35 / 61 题