napalathala sa m~ga unang dahon n~g Kalendaryong ito, ay namatay n~g
ika 9 n~g gabi n~g ika 1 n~g Oktubre n~g 1921; kaya isinasamo sa
bumabasang giliw na isama siya sa inyong m~ga dalan~gin.
* * * * *
=Ayoko ng sayaw=
Ang di ko pagdalaw sa iyo hindi nagkakahulugan
ako'y lumalayo't nililimot ko na ang pinagsamahan,
Hindi gayon Luring ... kung bagama't hindi kita nadadalaw,
ang alaala ko'y sumasa iyo at ikaw ang laging nagugunamgunam.
¿Mangyayari kayang kalimutan kita? gayong di kailâng
matan~gi sa iyo ang abang palad ko ay wala n~g mutya....
Mamatay man ako kung tunay ang tao'y may buhay na diwa,
ang diwa kong iyo'y laging maghahain sa iyo n~g nasa....
Ako kaya lamang hindi makadalaw't sa iya'y humarap,
sapagka't may lungkot ... ang kalungkutan ko'y sa iyo rin buhat;
ikaw'y nagkasala, pagkakasala mong sa akin ay labag....
anong kasalanan? ... ang pagsasayaw mong di minamarapat.
Bago nagsumpaan ang kanitang puso sa pagiibiga'y
ipinagtapat kong ang gagawin nita ay lubhang maselan;
sa gawang pagibig upang ang dalawa'y payapang mabuhay
ang lahat n~g gawang hindi nararapat ay pakalayuan.
Ang sayaw ay isang ipinagbilin kong huwag mong gagawin
pagka't sa babai ang pagsayaw ay n~giti n~g dilim;
ang sayaw láson sa ganda n~g isang babaing mahinhin
hinhin n~g babai'y nagiging malasuwa sa sayaw ang dahil.
Masdan ang babai sa isang lalaki'y nakikipagsayaw
yakap sa lalaki bagama't ang gayon ay pan~git na tingnan,
magkayapos sila at ang m~ga dibdib ay walang pagitan
baywang n~g babai'y hapit n~g lalaki n~g lubos lubusan.
Hita niya sa hita n~g lalaking yapos ay nadadaiskis
minsa'y magkadaop, pagkakadaop na, animo'y napagkit
sa ininog-inog, ang kanilang pisn~gi'y madalas magtalik....
sa sayaw di ka man humin~gi n~g halik ay makahahalik.
Pusong nan~gan~garap yumapos sa m~ga dalagang maganda
magaral n~g sayaw't sa m~ga sayawan nila makukuha,
diwang nananabik damhin ang katawan n~g m~ga dalaga
magsayaw ang dapat at madadama mo, pagka't murangmura.
Sa m~ga pagsayaw nawa wala ang hinhin dapat in~gatan
mahinhing babai kapagka sumasayaw nagiging magaslaw,
pati n~g katawan sa paggamayumi'y di ibig magalaw,
sa lintik na sayaw malilimot na ang pagmamaselan.
Babai't lalaki sa pagkakayakap ay parang iisa,
anopa't kung manang sa isang simbahan ang makakakita
magaabot-abot ang pagaantanda't pagkukurus niya
sa pan~gun~gumpisal ay siyang sasabihing unanguna.
N~gayo'y walana sa iyo ang dating mong kilusin,
gaslaw na sa iyong iwing kabinhinan ang sumapín
sa dati n~giting mapagakit: halakhak at aliw
napalit masabing ikaw ay ¡kay sarap yakapin!
Sa diwa ko'y parang isinusurot na ang sinapit n~g palad
n~g kabuhayan mo sa hilig mong iyang may bolo at suyak
ako'y naluluha ... kung ikaw na aking tan~ging nililiyag
ay masasawi pâ ... tayo, ang han~gad ko y lamunin n~g ulap....
MAR. P. GARCIA
* * * * *
=NG MALAYO SA PAGKAKASAKIT AT TUMANDA=
1. Matulog at buman~gon maaga, magtrabaho sa araw huag sa gabi.
2. Han~ging malinis ang gamitin sa paghin~ga at pagsikatan sa Araw ang
katawan.
3. Katatagan sa pagkain huag kakain kung may hapis. Tubig na malinis
ang iinumin.
4. Maligo n~g tubig na malahinin~ga bago kumain n~g agahan.
5. Pitong oras lamang matutulog bukas ang bintana.
6. Manamit n~g maluag at isunod ang kapal sa himig n~g panahon.
7. Ang malinis na pamamahay ay kumakaway n~g kaligayahan.
8. Busugin ang diwa sa pagaaliw. Layuan ang pakikipagkaalit kanino
man.
9. Kahit wala sa matwid ang kausap mo'y huag kang makikipagtalo.
10. Kung ang ulo mo'y siyang gamit sa paghahanap buhay ay magpalakas
ka n~g katawan, at kung sa m~ga bisig naman, ay basain ang ulo sa
pagbabasa.
* * * * *
Sa isang taon 1923 ang kalendaryong ito'y magkakaroon n~g hanapan n~g
m~ga kapistahan n~g m~ga santo katulad n~g dati, at m~ga mababasang
ukol sa pakikimayan at ikadidilat n~g mata n~g mararalitang kababayan.
Kaya siya ninyong hanapin sa taong darating 1923.
* * * * *
=Candido Lopez= Agrimensor Bago magpasukat sa iba ay makipagalam muna
kayo sa kanya ng malaman ninyo ang kanyang halaga at kondisyon ng
paninin~gil sa daang Ave Rizal 2121, Sta. Cruz, Maynila.
=ABOGADO NG BAYAN=
¿Ibig ba ninyong kayo'y igalang n~g inyong kapwa tao? ¿Ibig ba ninyong
huwag magalinlan~gan sa inyong m~ga pagmamatwid? ¿Ibig ba ninyong
matalos ang kaalaman n~g inyong Juez de Paz diyan sa inyong bayan at
n~g inyong Abogado? Bumasa kayo n~g ABOGADO NG BAYAN ni G. HONORIO
LOPEZ at dito mababasa ninyo ang m~ga pangulong kapasiyahan n~g m~ga
Ley sa pakikipamayan, sa m~ga pagaari, sa paghabol n~g mana, sa
pagtatanggol n~g kapurihan, pananakit at iba na totoong kailan~gan sa
isang namamayang pilipino, lalo na sa, m~ga babae, dalaga at m~ga
mararalita.
DALAWANG PISO ang halaga sa lahat n~g Libreria sa Maynila. Ang taga
probinsiyang magpadala n~g dalawang pisong papel, na ipaloloob sa
isang sulat kay G. Honorio Lopez sa daang Sande 1450, Tundo, Maynila
ay tatanggap n~g isang salin nito sa pamamagitan n~g "correo
certificado."
* * * * *
BAGONG PAMAHALAAN SA PILIPINAS
Ito ang pinaka ikalawang at ikatlong tomo n~g ABOGADO NG BAYAN ni G.
Honorio Lopez na kababasahan n~g Ley Munisipal, n~g Ley n~g Diborsyo,
n~g Reglamento n~g Sabun~gan para sa m~ga Sentensiyador at m~ga
mananabong at iba pang marami. PISO AT TATLONG PUNG SENTIMOS ang
halaga. Ang m~ga bagong labas na Presidente at m~ga konsehal ay dapat
bumili nito.
* * * * *
MGA KAILANGANG DULUGAN
Kung manggagawa ka at inaapi ka n~g iyong patrono ó pinagtatrabauhan
ay dumulog ka sa BURO DEL TRABAJO.
Kung inapi ka n~g kapwa mo ó ikao ay sinaktan n~g sino man, ó dalaga
kang inalisan n~g puri ng iyong nobyo ay dumulog ka sa JUEZ DE PAZ sa
iyong bayan.
Kung, ikao'y may lupa na ibig mong magkaroon n~g titulo Torrens n~g
mailag sa anomang basagulo at magamit na pan~gun~gutang ay dumulog ka
kay G. Honorio Lopez Sande 1450, Tundo, Maynila at siya mong
pagtanun~gan, n~g magkaroon ka n~g Agrimensor at Abogado man~gatawan
sa pagharap mo sa m~ga Hukuman. Murang sumin~gil at tumatanggap n~g
pauntiunting bayad sa pamamagitan n~g isang kasunduan.
* * * * *
¿Ibig ninyong malaman madali kung ilang piko ang timbang n~g inyong
kalibkib lukad ó kopra at malaman sa lalong madaling panahon ang
kabayarang sa ano mang halagang aabutin na di na man~gan~gailan~gan
n~g maraming pagbilang kundi sa "sumar" lamang?--Bumili kayo n~gayon
din n~g BAGONG REDUKSION n~g Kilos sa Pikos na may presyo na sinulat
ni Felix A. Matriano na taga Alabat, Tay. Apat na Peseta ang halaga sa
Libreria ni P. Sayo sa daang Rosario 225 at sa Imprenta ni Honorio
Lopez daang Sande 1450, Tundo Maynila.
[Patalastas: "Ang Tibay"]