N~g barilin sina Sancho Valenzuela, Eugenio Silvestre, Modesto

Sarmiento at Ramón Peralta. 1896.

5 Mar. Ss. Lorenzo ob. Romulo at Obdulia bg.

6 Mier. Ss. Eugenio mr. at Zacarias mh.

[Larawan: bilog na buwan]

Kabilugan sa Isda 3.47.2 Hapon

[Larawan: pisces]

7 Hueb. Ss. Régina bg. at Clodoaldo pb. at kp.

N~g mamatay ang "Pilologong" si Eusebio Daluz.

Nagtatág n~g Akademia Pilipino 1919.

8 Bier. Ang pan~gan~ganak kay G. Santa María, [Pintakasi sa Pan~gil].

Ss. Adriano at Nestorio m~ga mr.

9 Sab. Ss. Sergio pápa kp., Doroteo, Gorgonio at Severiano m~ga mr.

10 Linggo Ss. Nicolas sa Tolentino kp. [Pintakasi sa Karanglan N. E.

at Makabebe Kap.] Hilario papa at Victor ob.

11 Lun. Ss. Vicente abad mr., Emiliano ob. kp. at Teodora nagbatá.

12 Mar. Ang matamis na n~galan ni Maria. Ss. Leoncio mr. Guido kp. at

Perpetua bg.

N~g barilín sa Kabite sina Severino Lapidario, Alfonzo Ocampo, Luis

Aguado, Victoriano Luciano, Máximo Inocencio, Francisco Osorio, Hugo

Perez, José Lallana, Antonio S. Agustin, Agapito Conchú, Feliciano

Cabuco, Mariano Gregorio at Eugenio Cabesas, 1896.

13 Mier. Ss. Felipe at Ligorio m~ga mr. Eulogio at Amado m~ga ob. at

kp.

14 Hueb. Ang Pagkahayag n~g mahál na Sta. Cruz. Ss. Cornelio papa at

Cipriano ob. at mr.

[Larawan: sa pagliit ng buwan]

Sa Pagliit sa Magkakambal 6.20.0 gabi

[Larawan: gemini]

Dr. N. REYES MOSCAIRA, Dentista. Walang sakit na bumunot n~g n~gipin.

Magandang maglagay n~g n~giping ginto ó garing. San Fernando blg.

1202, tabi n~g tulay n~g Binundok.

[Talâ: Binibini: N~g huwag kang pagisipan n~g masama nino mang lalaki

basahin n~g AKLAT NA GINTO.]

* * * * *

Ang tabako at sigarrilyong GERMINAL ay siyang dapat hititin n~g Bayan

pagka't siya ang laging umaabuloy sa kanyang m~ga kapansanan. Kaya't

siyang hanapin sa m~ga tindahan.

[Talâ: Dr. PEDRO O. LOPEZ CIRUJANO-DENTISTA Sa m~ga sakit sa bibig at

n~gipin. Sande 1450, Tondo Maynila.]

[Talâ: sa kanlurang may han~gin raniwan]

15 Bier. Ss. Nicomedes at Porfirio m~ga mr., ang pagpapakita ni Sto.

Domingo sa bayang Soriano.

16 Sab Ss. Eufemia bg., Geminiano, Lucia at Sebastiana m~ga mr.

17 Linggo Ss. Pedro sa Arbues, Crecencio, Lamberto ob. Teodora m~ga,

mr.

18 Lun. Ss. Tomás sa Villanueva ob. kp. at Sofia at Irene m~ga mr.

19 Mar. Ss. Genaro ob. mr. Rodrigo ob. at Constancia mr.

20 Mier. Ss. Eustaquio, Teopista, Felipa at Fausta.

21 Hueb. Ss. Mateo apóstol at evangel, Efigenia bg. at Pánfilo mr.

[Larawan: bagong buwan]

Bagong Buwan sa Dalaga 12.38.3 ng Hapon

[Larawan: virgo]

Paglalahong ganap n~g Araw na makikita sa ika 12.30 n~g tanghali

22 Bier. Ss. Mauricio at Cándido m~ga mr.

23 Sab. Ss. Lino papa mr. at Tecla bg. at mr.

24 Linggo Ntra. Sra. n~g Merced. Ss. Tirso mr. at Dalmacio kp.

ANG ARAW TATAHAK SA TAKDA NI TIMBANGAN SA IKA 10.20 NG GABI [Larawan:

libra]

_Papasok ang panahon sa tiglamig_

Ang ipan~ganak mula sa araw na itó hanggang ika 24 n~g Oktubre, kung

lalaki'y mahahablahin, mapapalarin sa pan~gan~galakal, dapat umilag sa

apoy. At kung babai'y masayahin at ikagiginhawa n~g asawa.

25 Lun. Ss. Lope ob. kp. María n~g Socorro bg, Pacífico kp.

26 Mar. Ss. Cipriano at Justina bg. at m~ga mr.

27 Mier. Ss. Cosme at Damian m~ga mr.

28 Hueb. Ss. Wenceslao mr. at Eustaquia bg.

[Larawan: sa paglaki ng buwan]

Sa Paglaki sa Kambing 6.40.4 ng Umaga

[Larawan: capricorn]

29 Bier, Ss. Miguel Arcángel (Pintakasi sa San Miguel sa Maynila, San

Miguel de Mayumo, Marilaw at Tayabas) at Eutiquio mr.

30 Sab. Ss. Gerónimo kp., nt. at dr. [Pintakasi sa Morong] at Sofia

bao.

=Honorio Lopez= AGRIMENSOR na may kapahintulutan n~g Gobierno.

Sumusukat at namamahala n~g pagpapatitulo n~g m~ga lupa sa halagang

mura. Sulatan siya o pagsadyain sa daang Sande blg. 1450, Tundó

Maynila bago pasukat sa iba.

[Talâ: Walang ganap at magaling pagbasahin n~g m~ga naapi gaya n~g

ABOGADO N~G BAYAN unang tomo. Piso ang halaga sa lahat n~g Libreria.]

* * * * *

ANG TIBAY. Ang tan~ging Sinelasan at Sapatusan na naglilinkod at

dumadayo sa bahay n~g nagpapagawa, (sa Maynila lamang) kailan ma't

tawagin sa telepono ó sa sulat upang sukatan ang kanilang m~ga paa.

[Talâ: N~g kagaanan ka n~g dugo n~g sino man, basahin mo ang AKLAT NA

GINTO Limang Piso ang halaga.]

[Talâ: Lagay ng panahon. M~ga banta n~g malalakas na ulan pa bago]

=OKTUBRE.--1922=

1 Linggo Ang kadakilaan n~g Santo Rosario, (Pintakasi sa Urani,

Manawag, sa Malabón Grande Kabite; Angeles, Kap.; Luisiana, Lag.;

López, Tayabas.) Ss. Angel, Remigio ob. kp. at Platón.

2 Lun. Ang m~ga santong Angel na nagiin~gat sa atin, (Pintakasi sa

Catedral n~g Sebú) at Ss. Leodegario ob. at Gérino mga mr.

3 Mar. Ss. Cándido mr. at Gerardo ab. kp.

4 Mier. Ss. Francisco sa Asis, ngt. (Pintakasi sa Lumbang, S.

Francisco, Malabon, Maykawayan at Saryaya, Tayabas) Petronio ob.,

Crispo Kp. at Aurea bh.

5 Hueb. Ss. Plácido, Plavia bg. at mr., Froilan at Atilano m~ga ob, at

Flaviana bg.

6 Bier. Ss. Bruno ob. at Román ob. at mr.

[Larawan: bilog na buwan]

Kabilugan sa Tupa 8.58.3 Umaga

[Larawan: aries]

7 Sáb. Ntra. Sra. de las Victorias ó Rosario. Ss. Marcos papa, Sergio

mr., Julia at Justina m~ga bg.

8 Linggo Ss. Brigida bao at Pelagia mbta.

9 Lun. Ss. Dionisio ob. at Rústico pr. sb. Eleuterio dk. m~ga mr.

10 Mar. Ss. Francisco sa Borja at Luis Beltrán.

11 Mier. Ss. Nicasio ob. mr. at Plácida bg.

12 Hueb. Sta. María n~g Pilar sa Zaragóza (Pintakasi sa Imus, sa Sta.

Cruz, Maynila at sa Pilar, Bataán) Ss. Felix at Cipriano m~ga ob. at

mr.

13 Bier. Ss. Eduardo hari, Fausto, Genaro at Marcial m~ga mr.

14 Sáb. Ss. Calixto papa at Fortunata bg. at mr.

[Larawan: sa pagliit ng buwan]

Sa Pagliit sa Alimango 5.55.4 umaga

[Larawan: cancer]

M~ga nagsisipagbayad n~g patente n~g RENTAS INTERNAS, bukas ay umagap

na bumayad n~g huwag marekargohan ó multahán.

15 Linggo Ss. Teresa de Jesus ntg, Aurelia m~ga bg.

Hubileyo n~g 40 horas sa Binundok sa kapistahan n~g Sto. Rosario

Prusisyon sa Sta. Cruz, Maynila.

16 Lun. Ss. Florentino ob. at Galo ab. kp.

Araw n~g Panunumpa n~g m~ga Bagong Halal.

LIBRERIA ni P. Sayo balo ni Soriano. Makabibili rito n~g ano mang

aklat sa tagalog, ingles at kastila, m~ga kagamitan sa pagsulat, ibp.,

sa halagang mura. Rosario bl~g. 225 Binundok.

[Talâ: LA BULAKEÑA 202 Rosario 205.--Almaceng ganap na Pilipino

mapagbili n~g m~ga barong lalaki, kuelyo, sapatos, korbata, m~ga

sumbalilong kalasyao, buntan, lana, pieltro ibp. M~ga sunod sa moda at

sa halagang mura.]

* * * * *

Ang tabako at sigarrilyong GERMINAL ay siyang dapat hititin n~g Bayan

pagka't siya ang laging umaabuloy sa kanyang m~ga kapansanan. Kaya't

siyang hanapin sa m~ga tindahan.

[Talâ: KATUBUSAN: Gawaan n~g sigarillo at tabako. Samahang ganap n~g

Pilipino. Daang Clavel at Barcelona San Nicolas, hanapin ninyo sa

bawa't imbakan at tindahan ang kanyang m~ga masasarap at nakawiwiling

hititin tabako at sigarrillo.]

[Talâ: bagong panahon sa kanluran]

N~g matatag ang Kapulun~gang bayan [1906] at n~g matatág ang Senado at

Junta Municipal n~g Siyudad n~g Maynila na pawang halal n~g bayan

[1916.]

17 Mar. Ss. Eduvigis bao at Ándrés mr.

18 Mier. Ss. Lucas Evangelista at Julian erm.

19 Hueb. Ss. Pedro Alcántara [Pintakasi sa Pakil] at Aquilino ob.

20 Bier. Ss. Juan Cancio kp., Irene bg. Feliciano ob. at Artemio m~ga

mr.

[Larawan: bagong buwan]

Bagong Buán sa Alakdán 9.40.2 Gabi

[Larawan: scorpio]

21 Sáb. Ss. Hilarión ob. at Ursula bg. m~ga mr. [Pintakasi sa Bay.]

22 Linggo Ss. María Salomé bao, Nunilón, Alodia. bg. mr. at Heraclio

mr.

23 Lun. Ss. Pedro Pascuál ob. mr., Servando at German m~ga mr. Juan

Capistrano kp.

24 Mar. Ss. Rafael Arcangel [Pintakasi sa San Rafael, Bul.] at

Fortunato mr.

ANG ARAW AY TATAHAK SA TAKDA NI ALAKDAN SA IKA 12.53 NG ARAW [Larawan:

scorpio]

Ang ipan~ganak mulâ sa araw na itó hanggang ika 23 n~g Nobyembre, kung

lalaki'y mapan~gahas, mahahalay magsalitâ, dapat magsikap n~g yumaman.

At kung babai'y mapagmalaki at mababauhin.

25 Mier, Ss. Gavino Proto, Marciano, Crisanto at Daria m~ga mr. at

Eruto kp.

26 Hueb. Ss. Evaristo papa mr. Crispin, Crispiniano, Rogaciano at

Felicísimo m~ga mr.

27 Bier. Ss. Florencio, Vicente, Sabina at Cristeta m~ga mr.

28 Sab. Ss. Simón ap. Gaudioso kp. Tadeo ap.

[Larawan: sa paglaki ng buwan]

Sa Paglaki sa Manunubig 9.26.4 Gabi

[Larawan: aquarius]

29 Linggo Ss. Narciso ob. mr. at Eusebia bg. at mr

30 Lun. Ss. Marcelo Centurión, Claudio, Ruperto at Victorio m~ga mr.

N~g ípagdiwang ang muling pagwawagayway n~g Watawat Pilipino. 1919.

31 Mar. Ss, Quintin Nemesio at Lucila bg. m~ga.mr.

=Felix Valencia= Abogado at Notario. Tumatanggap n~g m~ga usaping

lalong maseselan, daang Moriones 102. Tundo.

[Talâ: FRANCISCO ASTUDILLO DENTISTA. Bumubunot, nagpapasta, lumilinis

at naglalagay n~g m~ga n~giping garing at ginto. S. Fernando blg.

1101-13 Binundok]

* * * * *

ANG TIBAY. Magpahanda na kayo n~g inyong sinelas, kotso, sapatilya

sapatos ó botitos na pamasko na makakabagay n~g bago ninyong terno ó

trahe.

[Talâ: KATUBUSAN: Gawaan n~g sigarillo at tabako. Samahang ganap n~g

Pilipino. Daang Clavel at Barcelona San Nicolas, hanapin ninyo sa

bawa't imbakan at tindahan ang kanyang m~ga masasarap at nakawiwiling

hititin tabako at sigarrillo.]

[Talâ: Lagay ng panahon. Malakas na Han~gin Pagdidilim]

=NOBYEMBRE.--1922=

1 Mier. Ang dakilang araw n~g lahat n~g Banal. Ss. Cesareo, Severino

at Juliana m~ga mr.

2 Hueb. _Undas_ Ang pag-aalaala sa m~ga namatay na binyagan. Ss.

Victorino ob. at Marciano kp.

3 Bier. Ss. Valentin pb., Hilario at Cesareo mr.

N~g barilin si Honorato Onrubia 1896.

4 Sab. Ss. Carlos Borromeo kd. Modesta bg, Claro at Porfirio m~ga mr.

5 Linggo Ss. Zacarías at Isabel magulang ni S. Juan Bautista, Filoteo

mr. at Dominador ob.

[Larawan: bilog na buwan]

Kabilugan sa Damulag 2.36.5 Madaling Araw

[Larawan: taurus]

6 Lun. Ss. Severo ob. mr at Leonardo kp.

7 Mar. Ss. Rafo at Florencio at Carina mr.

8 Mier. Ss. Severo at Severino m~ga mr, at Diosdado papa at Godofredo

ob. kp.

9 Hueb. Ss. Teodoro mr. at Agripino ob. kp.

10 Bier. Ss. Andrés Avelino at Demetrio ob. mr. at Filomena mr.

11 Sab. Ss. Martin [Pintakasi sa Bukawe at Taal] at Mena mr.

12 Linggo Ntra. Sra. de la Soledad. [Pintakasi sa Tan~guay] Ntra. Srâ

n~g Bigláng Awâ. Ss. Diego pk, [Pintakasi sa Puló at Gumaka] Aurelio,

Publio ob. at Paterno m~ga mr.

[Larawan: sa pagliit ng buwan]

Sa Pagliit sa Halimaw 3.52 5 Hapon

[Larawan: leo]

13 Lun. Ss. Arcadio at Probo m~ga mr. Nicolás papa, Estanislao sa

Kostka at Homobono kp.

14 Mar. Ss. Serapio mr. at Lorenzo ob. kp.

15 Mier. Ss. Eugenio arzobispo mr. Gertrudis bg, at Leopoldo kp.

16 Hueb. Ss. Rufino, Elpidio at Eustaquio mres.

17 Bier. Ss. Gregorio Taumaturgo ob. kp. Acisclo at Victoria m~ga mr.

Dr. N. REYES MOSCAIRA, Dentista. Walang sakit na bumunot n~g n~gipin.

Magandang maglagay n~g n~giping ginto ó garing. San Fernando blg.

1202, tabi n~g tulay n~g Binundok.

[Talâ: Naghihirap kayo sa pagbasa? Lumalabo ba ang inyong mata?

Ipagtanong ang lunas sa doctor Optometrang Vedasto Muyot na may ari

n~g EL ALVIO MUNDIAL sa daang Azcarraga blg. 512 at Moriones blg. 262.

Walang bayad ang pagsangguni.]

* * * * *

Ang tabako at sigarrilyong GERMINAL ay siyang dapat hititin n~g Bayan

pagka't siya ang laging umaabuloy sa kanyang m~ga kapansanan. Kaya't

siyang hanapin sa m~ga tindahan.

[Talâ: LA BULAKEÑA 205 Rosario 205.--Almaceng ganap na Pilipino

mapagbili n~g m~ga barong lalaki, kuelyo, sapatos, korbata, m~ga

sumbalilong kalasyao, buntan, lana, pieltro ibp. M~ga sunod sa moda at

sa halagang mura.]

[Talâ: na may ulan kalakip sa hapon ó sa gabi]

18 Sab. Ss. Máximo ob. kp at Román mr.

19 Linggo Ss. Isabel hari at Ponciano papa mr.

[Larawan: bagong buwan]

Bagong Buan sa Mamamana 8.6.4 Umaga

[Larawan: sagittarius]

20 Lun. Ss. Félix sa Valois at Benigno ob. kp

21 Mar. Ang paghahayin sa simbahan ni S. Joaquin at ni G. Sta. María.

Ss. Alberto ob. Honorio, Eutiquio, at Esteban m~ga mr.

22 Mier. Ntra. Sra. de los Remedios (Pista sa Maalat) Ss. Cecilia bg.

at mr. at Filemón mr.

23 Hueb. Ss. Clemente papa mr. Juan Bueno kp. Lucrecia bg. at

Felicidad m~ga mr.

ANG ARAW AY TATAHÁK SA TAKDA NI MAMAMANA SA IKA 9.55 NG UMAGA

[Larawan: sagittarius]

Ang ipan~ganak mulâ sa araw na ito hanggang ika 22 n~g Disyembre, kung

lalaki'y yayaman sa pan~gan~galakal sa ibang bayan, masipag, matapang

n~guni't sugarol. At kung babai'y masipag at maliligawin.

24 Bier. Ss. Juan de la Cruz kp. Fermina, Flora at María m~ga bg. at

mr. at Crescenciano mr.

Pista n~g Pasasalamat n~g m~ga Americano.

25 Sab. Ss. Catalina bg, at mr. Moiséa pb, mr.

26 Linggo Ang pagkakasal kay Santa María at kay Poong S. José Ss.

Pedro ob. mr. at Conrado ob.

[Larawan: sa paglaki ng buwan]

Sa Paglaki sa Isda 4.15.0 Hapon

[Larawan: pisces]

27 Lun. Ss. Basilio ob. Facundo at Primitivo m~ga mr.

28 Mar. Ss. Gregorio papa kp. at Rufo mr.

Pangloloób ni Limahong sa Maynila, 1573

29 Mier. Ss. Saturnino ob. Filomeno m~ga mr. at Iluminada bg.

30 Hueb. Ss. Andrés ap. (Pintakasi sa Norzagaray Masinlok, Palanyag,

Tagiik, Kandaba at Pantaban~gan) at Maura bg. at mr.

Araw n~g Kapan~ganakan kay Gat Andres Bonifacio, 1863

Ang unang pagbaban~gon n~g Akádemyá Tagálá sa anyaya ni Honorio López,

1901

=Honorio Lopez= AGRIMENSOR na may kapahintulutan n~g Gobierno.

Sumusukat at namamahala n~g pagpapatitulo n~g m~ga lupa sa halagang

mura. Sulatan siya o pagsadyain sa daang Sande blg. 1450, Tundó

Maynila bago pasukat sa iba.

[Talâ: Ang aklat na kinagigiliwang ORACULO NI NAPOLEON ay nababasa

ninyo sa AKLAT NA GINTO ni Honorio Lopez.]

* * * * *

ANG TIBAY. Bumabati n~g MALIGAYAKG PASKO sa lahat n~g kanyang suki, at

kahimanari'y magkaroon sila n~g maganang kabuhayan, at pu-pung libong

kayamanan.

[Talâ: LA BULAKEÑA 205 Rosario 205.--Almaceng ganap na Pilipino

mapagbili n~g m~ga barong lalaki, kuelyo, sapatos, korbata, m~ga

sumbalilong kalasyao, buntan, lana, pieltro ibp. M~ga sunod sa moda at

sa halagang mura.]

[Talâ: Lagay ng panahon. Kaayaayang panahon Pagbabagong]

=DISYEMBRE.--1922=

1 Bier. Ss Natalia bao, Eloy at Eligio m~ga ob kp.

2 Sáb. Ss Bibiana bg. at mr. Pedro Crisólogo ob. at dr. at Ponciano

mr.

3 Linggo Ss. Francisco Javier at Casiano m~ga mr.

4 Lun. Ss. Bárbara bg. at mr. Melecio at Odmundo ob. at m~ga kp.

[Larawan: bilog na buwan]

Kabilugang sa Magkákambàl 7.23.6 Gabi

[Larawan: gemini]

5 Mar. Ss. Sabas abad Dalmacio ob at Crispina m~ga mr.

6 Mier. Ss. Nicolás de Pari ob. kp., Apolinar sdk. mr. Dionisia,

Dativa at Leoncia m~ga mr.

7 Hueb. Ss. Ambrosio at Agatón mr.

8 Bier. (krus) Ang kalinislinisang paglilihí ni G. Sta. María

"Concepcion" (Pintakasi sa Naik, Pasig, Malulos, Batan~gan, Balayang,

Guagua, Los Baños, Boák, Bawang, Mandaluyong, Atimonan, Malabon, Sta.

Cruz, Silan~gan at sa Antipulo) Ss. Eutiquiano p.m. at Sofronio ob.

9 Sáb. Ss. Leocadia mr. at Gorgonia m~ga bg.

10 Linggo Ntra. Sra. sa Loreto (Pintakasi sa Sampalok) Ss. Melquiades

papa mr., Eulalia at Julia m~ga bg. at mr.

Nang gawin ang pagkakayarì sa París na ang Pilipinas ay ipagkakaloób

sa Estados Unidos 1898.

11 Lun. Ss. Dámaso papa kp. at Eutiquio mr.

12 Mar. Ntra. Sra. de Guadalupe (Pintakasi sa Pagsanhan) at Ss.

Epimaco, Hermógenes at Donato m~ga mr.

[Larawan: sa pagliit ng buwan]

Sa Pagliit sa Dalaga 12.40.7 Gabi

[Larawan: virgo]

13 Mier. Ss. Orestes, mr. Lucia mr. (Pintakasi sa Sexmoan,

Kapampan~gan) at Otilia bg.

14 Hueb. Ss. Espiridión ob. Arsenio, Isidoro Dioscoro at Eutropia bg.

at m~ga mr.

Paghahamók n~g m~ga kastilâ Olandés dito sa Maynila 1690

15 Bier. Ss. Valeriano ob. at Irineo m~ga mr.

Pag-aalsa n~g Kailokohan, Pangasínan at Kapampan~gan 1658

16 Sab. Ss. Eusebio ob. Adelaida at Albina bg. m~ga mr.

Mulâ n~gayon may Misa de Aguinaldo

IMPRENTA ni H. Lopez, daang Sande blg. 1450 Tundo. Sa pamamagitan n~g

sulatan ay tumatanggap n~g limbagin ukol sa m~ga tarheta, kartel ibp.

Mura kay sa iba.

[Talâ: FRANCISCO ASTUDILLO DENTISTA. Bumubunot, nagpapasta, lumilinis

at naglalagay n~g m~ga n~giping garing at ginto. S. Fernando blg.

1101-13 Binundok]

* * * * *

Ang tabako at sigarrilyong GERMINAL ay siyang dapat hititin n~g Bayan

pagka't siya ang laging umaabuloy sa kanyang m~ga kapansanan. Kaya't

siyang hanapin sa m~ga tindahan.

[Talâ: KATUBUSAN: Gawaan n~g sigarillo at tabako. Samahang ganap n~g

Pilipino. Daang Clavel at Barcelona San Nicolas, hanapin ninyo sa

bawa't imbakan at tindahan ang kanyang m~ga masasarap at nakawiwiling

hititin tabako at sigarrillo.]

[Talâ: panahon M~ga pagdidilim na may ulang kasunod]

17 Linggo Ss. Lázaro ob at Olimpia bao.

18 Lun. Ang pag-aantabay ni G. Sta. María sa Mananakop. Ss. Graciano

ob at Judit balo.

[Larawan: bagong buwan]

Bagong Buan sa Kambing 8.20.0 ng Gabi

[Larawan: capricorn]

19 Mar. Ss. Nemesio mr. at Fausta bao.

20 Mier. Ss. Domingo sa Silos abad kp. at Liberato mr.

21 Hueb. Ss. Tomás ap. Glicerio presb. at Temistocles m~ga mr.

22 Bier. Ss Flaviano at Cenón m~ga mr.

ANG ARAW TATAHAK SA TAKDA NI KAMBING 10.57 GABI [Larawan: capricorn]

TIGINAW

Ang ipan~ganak mulâ sa araw na ito hanggang ika 21 n~g Inero, kung

lalaki'y maliksi, masipag, maghihirap sa kaikaibigan, maramot, sa

paliligô ang ikapagkakasakit. At kung babai'y matatakutin, matapatin

sa asawa at masipag.

23 Sáb. Ss. Victoria bg at Gelasio m~ga mr.

24 Linggo Ss. Gregorio presb. mr. Delfín ob. at Tárcila bg.

25 Lun. (krus) Paskó n~g Pan~gan~ganak sa ating Poóng Mananakop at Ss.

Reinaldo ars., Eugenia bg. at Anastasia m~ga mr.

26 Mar. Ss. Esteban unang mr. at Dionisio at Zósimo m~ga papa.

[Larawan: sa paglaki ng buwan]

Sa Paglaki sa Tupa 1.53.1 Gabi

[Larawan: aries]

27 Mier. Ss. Juan apóstol at eban. [Pintakasi sa Infanta, Tanawan at

Dagupan] Máximo ob. kp.

28 Hueb. Ang m~ga maluwalhating sanggol na pinapugutan n~g Haring si

Herodes at ang m~ga Ss. Troadio at Teófila bg. at m~ga mr.

29 Bier. Ss. Tomás Canturiense ob. mr. Calixto at Honorato m~ga mr. at

ang banál na hari at manghuhulâng si S. David.

30 Sab. (*) Ang pagkalipat ni S. Santiago ap. [Pintakasi sa Kingwa at

Paombong, Bul.] Ss. Sabino ob. Honorio at Anisia m~ga mr.

Nang kitlán n~g hinin~ga si Dr. José Protasio Rizal, n~g m~ga lilong

kaaway niyá, 1896.

31 Linggo Ss. Silvestre papa, Sabiniano ob. Potenciano, Donata,

Hilaria at Paulina m~ga mr.

=Felix Valencia= Abogado at Notario. Tumatanggap n~g m~ga usaping

lalong maseselan, daang Moriones 102. Tundo.

[Talâ: ANG BATAS ó LEY MUNICIPAL sa CODIGO ADMINISTRATIVO ni Honorio

Lopez. Ipinagbibili sa lahat n~g Libreria sa Maynila sa halagang

Dalawang piso.]

=Sa Kababayang Manghahalal=

* * * * *

Sa ika 6, martes, n~g buan n~g Hunyo n~g taong ito ay manunuparan na

naman tayo n~g isang karapatang hindi gawa n~g isa ó ilang katao,

kundi nating lahat at lahat n~g ating yumaong bayani sa nagdaang

himagsikan, at kaunaunahan ang ating si Gat Dr Rizal.

Kung minamahal natin ang ating sarili, ang ating bayan at ang ating

m~ga bayani ay huag natin gamitin ang karapatan iyan n~g paghahalal sa

paraan n~g kalabit at bulong, ó sa kakarampot na "sentimos" na

pakubling isinasakay sa inyo n~g m~ga naggalang lider at m~ga

kandidato riyan sa isang tungkuling hindi nababagay sa kanya.

Marami at madla ang m~ga kandidato na ang han~garin lamang ay

kapurihan ó madan~gal, at wala yaong tunay na tibukin n~g paglilinkod

sa bayan, lalo na sa m~ga maralita. Kung ang m~ga ito ang inyong

maihalal ay walang iniwan kayo sa Hudas na nagkanulo sa inyong

Mananakop, na, kayo rin ang humanap n~g taling ginamit ninyo sa inyong

pagbibigti.

Gamiting mabuti ang pagiisip, ang kailan~gan sa paghirang. Huag

ninyong ihalal, kahit sino siya kung inaalipin ang kanyang m~ga isipin

n~g m~ga naging sanhi n~g ating pagkapahamak sa ating pinakahahan~gad

na kasarinlan.

Ilagan din ninyo yaong mapagpaimbabaw, na kaya lamang n~gumin~giti

kung panahon n~g halalan at kung makaraan na ay di ka man mapansin

kahit mo sila pugayan sa daan. Ang mabuti pakibalitaan sa m~ga

kamagnaakan, kababayan at m~ga kaibigan.

Ang pagkamanggagawa'y huag ding paniwalaan pagkat marami sa m~ga

nagtataglay n~g ganyang pamagat ay m~ga nagbabalatkayo lamang n~g

maihalal lamang sila ó ang kanilang m~ga binabata sa isang tungkulin.

Kaya kayo'y maging maliksi sa pagurî at pagmasdan mabuti ang kanilang

m~ga kilusin sa nagdaang pamumuhay at sa kasalukuyan.

Pagin~gatan din, na lalo sa lahat ang makipagsabuatan sa m~ga

pagdaraya sa halalan, n~g hindi ninyo sapitin ang bilangguan at

kapahamakan n~g inyong m~ga anak at n~g ating bayan.

Gamitin n~ga, ang _boto_ ninyo sa taong magiging karan~galan ninyo, sa

makaaawas sa hirap n~g madlâ nating maralitang kababayan at

makapaghahatid sa Inang Bayan sa mithiin niyang kasarinlan.

HONORIO LOPEZ.

=Mga Pangunang Kaalaman Dapat Tandaan ng mga Manghahalal=

* * * * *

¿Sino sino ang m~ga taong maaaring makahalal? Ang lahat n~g lalaking

may 21 taong gulang na naninirahan at tubô dito sa Pilipinas, na hindi

napasasakop sa ibang bansang may kapangyarihan, katulad n~g m~ga

intsik, hapon, ingles ó pilipino man kung kawal ó may siyudad anyang

kastila ó n~g ibang bangsa. Gayon din, maaaring makahalal yaong m~ga

taong may isang taóng paninirahan sa Pilipinas ó anim na buwan sa

munisipyong ibig paggamitan n~g karapatang makahalal, na ito'y

patutunayan sa taglay na sedula personal ó sa pamamagitan n~g m~ga

saksing m~ga manghahalal din, sangayon kung ito'y paniwalaan n~g m~ga

inspektor n~g presinto.

Ang ganitong kapasiyahan n~g maging ganap na manghahalal ay dapat

tumahak sa m~ga batayang sumusunod: (a) Yaong sa bisa n~g m~ga batas

na umiiral sa Pilipinas mula n~g ika 28 n~g Agosto n~g 1916 ay m~ga

manghahalal na at gumagampan n~g karapatang makahalal. (b) Yaong m~ga

may pagaaring lupa na may halagang 500 piso at bumabayad n~g 30 piso ó

higit sa ritong pinakakuntribusyon sa gobierno at (c) Yaong m~ga taong

maalam bumasa at sumulat n~g ingles, kastila ó n~g sarili niyang

salita katulad n~g tagalog, bisaya, kapampan~gan, iloko, ibp.

¿Sino sino yaong m~ga taong hindi maaaring tanggapin upang makàhalal?

(a) Yaong may utang sa pagbabayad n~g amilyaramiento. (b) Yaong lahat

n~g m~ga mula noong ika 13 n~g Agosto n~g 1898 ay naparusahan n~g alin

mang hukuman sa salang pagpatay, ó pagkabilanggong may 18 buwan at ang

ganitong pagkakait sa kanya ay di isinasauli sa kanya n~g patawad, na

lubusan ó indulto. (c) Yaong m~ga tumanggap at sumira n~g panunumpaang

pagtatapat sa Estados Unidos at (d) Yaong m~ga taong walang bait ó

m~ga ulol ó baliw.

¿Alin ang dapat matalastas n~g m~ga manghahalal sa pagsulat sa Balota?

Kaila~ngang huag dudun~gisan ang balota sa pagsulat. Kaya't

kailan~gang huag babasain n~g laway ang dulo n~g lapis at sa pagsulat

dapat linisin muna n~g panyong taglay ang m~ga kamay at daliri.

Sapnan ang balota n~g isang papel na malinis ó n~g panyo. Gayon din

naman ang m~ga n~galan n~g ihahalal ay isulat sa guhit na nasa ibaba

n~g m~ga tungkuling ibig paglagyan, sa hanay n~g (Vote por one) ó

(Vote por uno).

Bawal din naman ang pumasok sa isang silid n~g presinto, kung may

taong manghahalal sa loob at gayon din bawal ang makipagusap sa m~ga

taong manggahalal na nasa sa karatig n~g silid na pinasukan.

Kung hindi maaaring makasulat ang manghahalal n~g kanyang balota, sa

dahilang napilay ang kamay, nabulag at iba pa ¿ano ang dapat gawin

nito n~g makahalal? Dapat na ipahanda sa m~ga inspektor n~g halalan

ang balota niya at dalawa sa m~ga inspektor na ito na kaanib sa

magkaibang pangkatin ó partido (nasyonalista at demokrata kaya) ay

siyang maghahanda n~g balota at isa sa kanila ay siyang susulat sa

harap n~g kasamang inspektor.

N~g kayo'y lalong masiyahan ay hanapin ninyo ang Batas n~g Paghahalal

ni G. Honorio Lopez na ipagbibili sa lahat n~g Libreria sa Maynila sa

darating na Pebrero 1922, sa halagang Piso. Ang m~ga taga lalawigang

magpadala n~g pisong papel sa pamamagitan n~g isang sulat sa bahay ni

G. Honorio Lopez sa daang Sande 1450, Tundo, Maynila ay tatanggap sa

pamamagitan n~g "correo certificado" n~g isang ó aklat n~g Ley sa

Paghahalal.

Ang sanhi kung kaya hindi ipinalimbag sa n~gayon kundi sa Pebrero pa

n~g 1922, ay n~g maipasok ang pagbabagong gagawin n~g Batasan ó

Legislatura ó Senado at Asamblea, na inaasahan n~g lahat na sa

pagtanggap na ito ni General Wood n~g pamamahala sa Pilipinas ay

magkakaroon n~g pagbabago ang Batas na ito ó Ley sa Paghahalal.

* * * * *

Dimasalang Kalendariong Tagalog (1922) · 第 2 / 3 段