Pinagsamasama n~g Iglesia Católica Apostólica Romana ang m~ga sinabing
iyán at siyáng n~ginan~galanang _"Siete Palabras._"--P.H.P.
[135] Ang Sacerdote sa Roma na n~g una'y humuhulà n~g m~ga mangyayari sa
panahong darating, sa pamamag-itan n~g pagmamasid n~g paglipad at
paghuni n~g m~ga ibon.
[136] Ang candilang malaki at mahaba.
[137] Ang taga Iberia.--Ang Iberia'y ang magcanugnóg na lupang
kinalalagyan n~g España at Portugal.
[138] Mapapalad ang m~ga may espiritung dukhá
[139] Lumiligaya ang nacacacaya sa buhay.
[140] _Lumualhati sa Dios sa caitaasan at capayapaan sa m~ga taong may
mabuting calooban._--Alinsunod cay Don Lázaro Bardón, catedratico sa
Universidad Central sa Madrid, España, ay ganito raw sa wicang castilà
ang tunay na cahulugan: _Gloria á Dios en las alturas; en la tierra,
paz; entre los hombres; buena voluntad_--Luwalhati sa Dios sa caitaasan;
sa lúpa'y capayapaan; sa m~ga táo'y mabuting calooban.
[141] Carunun~gang ucol sa Dios at ang sa canyá'y m~ga
pinagcacakilanlan.
[142] Ilalagay n~g Papa sa Roma sa bilang n~g m~ga santo at santa.
[143] Caranun~gang nagpapaunawà n~g m~ga anyô at paraang dapat gawín
upang masunduan ang m~ga pagcakilalang magaling n~g m~ga nangyayari.
[144] Felix Torres Amat, obispo sa Astorga. Siyá'y ang isá sa m~ga
naghulog sa wicang castilà n~g Biblia.--Ang filosofíang sinulat ni Amat.
[145] Ang m~ga mundong waláng tiguil n~g mabilís na pagtacbó n~g araw.
Cung masdán natin dito sa lupa'y m~ga bituing malamlám ang ningning. Ang
m~ga pan~gulong planeta, alinsunod sa canilang láyò sa araw ay ang m~ga
sumusunod: Mercurio, Venus, ang Lupang ating tinatahanan, Marte,
Júpiter, Saturno at Neptuno. Bucód sa ritó'y marami pang m~ga planetang
hindi makita cung dî sa pamamag-itan n~g "telescopio."
[146] Itinatag ang beaterio at Colegio n~g Santa Catalina ni Fr. Juan de
Santo Domingo, provincial n~g m~ga fraileng dominico n~g taong 1696 at
pinasimulán n~g araw n~g cafiestahan ni Santa Ana n~g taóng 1696 din.
Ang dahil n~g pagtatayo n~g beaterio at colegiong itó'y n~g may
cáligpitan ang m~ga babaeng ibig manatili sa pagcadalaga hanggang
nabubuhay. Ang palatuntunan nilá'y ang palatuntunan din n~g Tercer Orden
ni Santo Domingo, at nanunumpang tulad sa m~ga fraile, na magpapacalinis
n~g catawa't calolowa, magpapacarukhâ at magmamasunurin. Pinapagtibay
ang pagcacatayò n~g ligpitang itó n~g m~ga babae n~g Real Despacho na
may fechang 17 n~g Febrero n~g 1716 na siyang nagbigay wacás sa m~ga
iniharáp na tutol na huwag ipatuloy ang pagtatatag n~g beaterio at
colegiong iyán. Inilagáy niláng pintacasi si Santa Catalina de Sena.
Ipinag-utos na labinglimang monja de coro lamang ang mátitira roon,
bilang paunlác sa labinglimang misterio n~g Rosario. Ipinagcaloob n~g
Real Cédula n~g 1732 na macapaglagay n~g isáng simbahan at macagamit n~g
isáng campana, at tuloy ipinag-utos na huwag piliting mamalagui ang m~ga
monja sa lubós na pagligpit; cung di sa nauucol lamang sa magalíng na
pamamanihala n~g beaterio at colegio.
Ang palatuntunang sinusunod doon ay di macararaan ang sino mang monja sa
pintuang na sa loob n~g convento, na isáng matandang monja ang
taga-bantáy; n~guni't sino mang tao'y macapapasoc doon, cailan man at
may tan~ging pahintulot ang provincial n~g m~ga dominico. N~g huwag n~g
manaog ang m~ga babaeng na sa beaterio at colegio n~g Santa Catalina ay
nan~gaglagay ang m~ga paring dominico n~g tuláy na nakikita sa itaas n~g
daang San Juan de Letrán, sa loob n~g Maynila at n~g doon magdaan ang
m~ga babaeng iyón n~g pagpasa simbahan n~g San Juan de Letrang cacabit
naman n~g Colegio n~g m~ga lalaking San Juan de Letran din ang
pan~galan, at ang namamahala't nagtuturò'y pawang m~ga fraileng
dominico. Sa gayong paraa'y maguinhawa n~ga namán ang pagsimba at
pananalan~gin n~g m~ga monja sa simbahan n~g San Juan de Letrán.
Bagá man n~g una'y ligpitan ang Santa Catalina n~g m~ga babaeng
castilang ibig tumalicod sa m~ga layaw at casayahan sa mundo, hindi
nalao't minagaling n~g m~ga fraileng dominico, na man~gasiwâ ang ilán sa
m~ga monja sa pagtuturò sa m~ga dalagang ibig pumasoc at mag-aral sa
Santa Catalina. Ang itinuturò doo'y pag-basa, pagsulat, doctrina
cristiana, m~ga gawáng ucol sa babae. Nan~gag-aaral din namán n~g
pagpapacabanál. Dinagdagan n~g m~ga dominico n~g 1865 ang dami n~g m~ga
"hermana" at n~g lalong mapalaganap ang caniláng m~ga pagtuturò. Hindî
itinutulot sa m~ga pumapasoc sa Colegio n~g Santa Catalina ang macaaalis
cung di rin lamang may totoong malaki't di maiwasang dahilán.
Ang namamahalà sa beaterio'y ang provincial n~g dominico at isáng
"priora" na siyá, ring "madre superiora" sa colegio, at may isáng
directorang nacaaalam n~g m~ga pagtuturò.--P.H.P.
=VII.=
=MAIROG NA SALITAAN SA ISANG "AZOTEA"=
Maagang nan~gagsimbá n~g umagang iyón si tía Isabel at si María Clara:
mainam na totoo ang pananamít nitó at may tan~gang isáng cuintás na azúl
ang m~ga butil, na inaarì niyáng parang brazalete,[147] at may salamín
sa matá si tía Isabel, upang mabasa ang daláng "Ancora de
Salvación"[148], samantalang nagmimisa.
Bahagyâ pa lamang nacaaalís sa altar ang sacerdote, nagsabi ang dalagang
ibig na niyáng omowî, bagay na totoong ipinangguilalás at isinamâ n~g
loob n~g mabaít na tíang waláng boong acalà cung dî ang canyáng
pamangking babae'y mápagbanal at madasaling tulad sa isáng monja man
lamang. Nagbubulóng, at pagcatapos na macapagcucrûz ay nagtindíg ang
mabaít na matandáng babae.--¡Bah! patatawarin na acó n~g mabaít na Dios
na dapat macakilala n~g púso n~g m~ga dalaga cay sa inyó pô tía
Isabel--Ang sasabihin sana ni María Clara sa canyá upang putlín ang
canyáng matitindí, n~guni't sa cawacasa'y m~ga pagsesermóng-ná.
N~gayó'y nacapag-agahan na tila at nilílibang ni María Clara ang canyáng
pagcainíp sa paggawâ n~g isáng sutláng "bolsillo", samantalang ibig
pawìin n~g tía ang m~ga bacás n~g nagdaang fiesta sa pagpapasimulâ n~g
paggamit n~g isáng plumero. Sinisiyasat at inuusisa ni Capitang Tiago
ang m~ga iláng casulatan.
Bawa't lagunlóng sa daan, bawa't cocheng dumaraan ay nan~gagpápacaba sa
dibdib n~g vírgen at siya'y pinan~gin~gilabot. ¡Ah, n~gayó'y ibig niyáng
maparoon ulî sa beaterio, sa casamahán n~g canyáng m~ga caibigang babae!
¡Doo'y matitingnan niyá "siyáng" hindî man~gín~ginig, hindî
magugulumihanan! Datapowa't ¿hindî bagá, siyá ang iyóng caibigan n~g
panahóng musmus ca pa? ¿hindî bâ cayó'y nan~gaglálaro n~g laróng halíng
at hanggáng sa cayó'y nag-aaway na manacànacâ? Ang dahil n~g m~ga bagay
na itó'y hindî co sasabihin; cung icáw na bumabasa'y umibig ay
mapagkikilala mo, at cung hindî namán ay sayang na sa iyó'y aking
sabihin; hindî mapag-uunawa ang m~ga talinghagang itó n~g hindî na
casisinta cailán man.
--"Sa acalà co María'y may catowiran ang médico--ani Capitang Tiago.
Dapat cang pasalalawigan, namumutlâ ca n~g mainam at nagcacailan~gan ca
n~g m~ga mabubuting han~gin. Anó bang acalà mo: ¿sa Malabón ... ó sa San
Diego?
Namulá si Maríang tulad sa "amapola"[149] pagcárinig niyá nitóng hulíng
pan~galan, at hindî nacasagót.
--"N~gayó'y páparoon cayó ni Isabel at icáw sa beaterio, at n~g cunin
ninyó roon ang iyóng m~ga damít, at macapagpaalam ca sa iyóng m~ga
caibigan; hindî ca na papasoc ulî roon.
Dinamdam ni María Clara iyáng hindî malírip na calungcutang bumabalot sa
cálolowa, pagcâ iniiwan ang isáng kinatirahang pinatamuhán natin n~g
caligayahán; n~guni't nagpagaang n~g canyáng pighatî ang pagcaalaala n~g
isáng bagay.
--At sa loob n~g apat ó limáng araw, pagcâ may damít ca nang bágo'y
paparoon tayo sa Malabón.... Walâ na sa San Diego ang iyóng ináama; ang
curang nakita mo rito cagabí, iyóng paring bátà ay siyáng bagong cura
natin doón n~gayón; siyá'y isáng santo.
--¡Lalong nacagágaling sa canyáng catawán ang San Diego, pinsan!--ang
ipinaalaala ni tía Isabel;--bucód sa roo'y lalong mabuti ang bahay natin
doón, at sacâ malapit na ang fiesta.
Ibig sanang yacapin ni María Clara ang canyáng tía; n~guni't narinig
niyáng tumiguil ang isáng coche ay siyá'y namutlâ.
--¡Ah, siyá n~gâ!--ang isinagót ni Capitang Tiago, at nagbago n~g
pananalitâ at idinagdág:--¡Don Crisóstomo!
Nalaglág sa m~ga camáy ni María Clara ang tan~gang canyáng guinágawà;
nag-acalà siyáng cumilos ay hindî nangyari: isáng pan~gin~gilabot ang
siyáng tumátacbo sa canyáng catawán. Nárinig ang yabág n~g paa sa
hagdanan at pagcatapos ay ang sariwà at voces lalaki. Tulad sa cung ang
voces, na itó'y may capangyarihang hiwágà, iniwacsí n~g dalaga ang
laguím at nagtatacbó at nagtágò sa panalan~ginang kinálalagyan n~g m~ga
santo. Nagtawanan ang dalawáng magpinsan, at nárinig ni Ibarra ang
in~gay n~g sinásarhang pintuan.
Namúmutlà, humíhin~ga n~g madalás, tinutóp n~g dalaga ang cumácabang
dibdíb at nag-acalang makiníg. Náriníg ang voces, yaóng voces na
pinacasísinta't sa panag-ínip lamang niyá náririnig: ipinagtátanong siyá
ni Ibarra. Sa pagcahibáng sa towâ ay hinagcán niyá ang santóng sa
canyá'y nálalapit, si San Antonio Abad; santong mapalad n~g nabubuhay at
n~gayóng siyá'y cahoy; láguì n~g may magagandáng m~ga tucsó! Pagcatapos
ay humanap n~g isáng bútas n~g susîan, upang makita niya si Ibarra;
mapagsiyasat ang canyáng anyô; n~gumín~gitî si María Clara at n~g cunin
siyá n~g canyáng tía sa gayóng panonood, sumabit sa líig n~g matandáng
babae at sinisì itó n~g halíc na paulit-ulit.
--N~guni't halíng, ¿anó ang nangyayari sa iyó?--ang sa cawacasa'y nasabi
n~g matandáng babae, na pinapahid ang isáng lúhà sa m~ga matá niyáng
lantá na.
Nahiyâ si María Clara at tinacpán ang m~ga matá, n~g canyáng mabibilog
na m~ga brazo.
--¡Halá, maghusay ca, halica!--ang sabi n~g matandáng babae n~g boong
pag-irog.--Samantalang nakikipag-usap siyá sa iyóng amá n~g iyóng ...
¡halica at huwag cang magpahintay!
Napadalá ang dalagang tulad sa isáng musmós, at doon silá nagculóng sa
canyáng "aposento."
Masayá ang salitaan ni Capitang Tiago at ni Ibarra n~g sumipót si tía
Isabel na halos kinacaladcad ang canyáng pamangkíng babae, na
nagpapalin~gàlin~gà cung saansaan, datapuwa't hindî tumítin~gin sa
canino mang táo....
¿Anóng pinag-usapan n~g dalawáng cálolowang iyón, anó ang canicaniláng
sinabi diyán sa salitaan n~g m~ga matá, na lalong lubós ang galíng cay
sa salitaan n~g bibíg, salitaang ipinagcaloob sa cálolowa at n~g huwag
macaguló ang in~gay sa pagtatamóng timyás n~g damdamin? Sa m~ga
sandalíng yaón, pagca nagcacawatasán ang dalawáng linikháng sumasaligaya
sa kilos n~g m~ga balintataóng natatabin~gan n~g m~ga pilíc-matáng
pinaglalampasanan n~g pag-iísip, ang pananalita'y mabagal, magaspáng,
mahinà, wan~gis sa ugong n~g culóg na nan~gan~galagcag at waláng tuos
cung isusumag sa nacasisilaw na liwanag at mabilís n~g kidlát:
nagsasaysay n~g isáng damdaming kilala na, isáng isipang napag-uunawà,
na, at cayâ lamang guinagamit itó'y sa pagcá't ang mithî n~g púsò'y
siyáng nacapangyayari sa boong cataohang saganang saganà sa galác, íbig
na ang boong catawán niyáng casama ang lahát n~g sancáp na lamán, butó
at dugô at ang boong caisipán ay magsaysáy n~g hiwagang m~ga catowâang
inaawit n~g espíritu. Sa tanóng n~g pagsintá sa isáng sulyáp na
numíningning ó lumálamlam, waláng m~ga sagót ang salitâ: tumútugon ang
n~gitî, ang halíc ó ang buntóng hinin~gá.
At pagcatapos, sa pagtacas n~g dalawáng nagsisintahan sa "plumero" n~g
tía Isabel na nagpapaban~gon sa alicabóc, silá'y pumaroon sa azotea
upang silá'y macapag-usap n~g boong calayâan sa silong n~g m~ga bálag;
¿anó ang caniláng pinag-usapan n~g marahan at nan~gín~ginig cayó, m~ga
maliliit na bulaclác n~g "cabello-de-ángel"? Cayó ang magsabi't may
ban~gó cayó sa inyóng hinin~gá at may m~ga cúlay cayò sa inyóng m~ga
labì; icáw, "cefiro"[150] ang magsabi yamang nag-aral ca n~g di
caraniwang m~ga tínig sa líhim n~g gabíng madilim at sa talinghagà n~g
aming m~ga cagubatang virgen; sabihin ninyó, m~ga sinag n~g áraw,
maningníng na tagapagpakilala sa lúpà n~g Walang Hanggán, tan~ging hindî
nahahawacan sa daîgdig n~g m~ga natátangnan: cayó ang man~gagsabi, sa
pagca't walâ acóng nalalamang isaysáy cung dî m~ga cahalin~gáng hindî
mainam dingguín.
N~guni't yamang áayaw ninyóng sabihin, aking títingnan cung aking
maisásaysay.
Ang lan~git ay azul: nagpápagalaw n~g m~ga dáhon at n~g m~ga bulaclac
n~g halamang gumagapang ang isáng malamig na amihang hindî amóy
rosa,--dahil dito'y nan~gagsisipan~ginig ang m~ga
cabello--de--ángel--ang m~ga halamang nacabitin, ang m~ga tuyúng isdâ at
ang m~ga lámparang galing sa China. Ang in~gay n~g sagwáng humahalò n~g
malabong tubig n~g ílog, ang dagundong n~g pagdaan n~g m~ga coche at
m~ga carretón sa tuláy n~g Binundóc ay maliwanag na dumárating hanggang
sa canilá; n~guni't hindî ang m~ga ipinagbúbubulong n~g tía.
--Lalong magalíng--ang wicà nitó--diyá'y ang boong bayan ang siyáng
bábantay sa inyó.
Nang magpasimulá'y walâ siláng pinagsalitaanan cung di pawang m~ga
cahalin~gan--iyáng m~ga cahalin~gáng totoong nacacawan~gis niyáng m~ga
cayaban~gan n~g m~ga nación sa Europa: masasarap at lásang pulót sa m~ga
magcacanación, datapuwa't nacapagtátawa ó nacapagpapacunót sa kilay n~g
m~ga taga ibang lupaín.
Ang babae, palibhasa'y capatíd ni Cain ay panibughuin, caya't dahil
dito'y tumanong sa nan~gin~gibig sa canyá:
--¿Laguì bang isinaisip mo acó? ¿hindi mo ba acó linimot sa gayóng
caraming m~ga paglalacbá'y mo? ¡Pagcaramiraming malalakíng m~ga ciudad
na may pagcaramiraming magagandang m~ga babae!...
Ang lalaki namán, palibhasa'y isá pa ring capatíd ni Caín ay marunong
umiwas sa m~ga tanóng at may caunting pagca sinun~galing, cayâ n~ga:
[Larawan:--Laguì bang isinaísip mo acó? ¿Hindî mo ba acó
linimot?...--Imp de M. Fernandez, Paz 442 Sta.Cruz]
--¿Mangyayari bagáng catá'y limutin?--ang sagót na nan~gan~gaanino n~g
boong ligaya sa m~ga maiitím na balíngtatao n~g dalaga;--¿mangyayari
bagáng magculang acó sa panunumpâ, sa isáng panunumpang dakila?
Natátandaan mo ba ang gabíng yaon, ang gabíng yaóng sumísigwa, na icáw,
n~g makita mo acóng nag-íisang tumatan~gis sa siping n~g bangcáy n~g
aking iná'y lumapit ca sa akin, ilinagáy mo ang iyong camáy sa aking
balícat, ang camáy mong malaon nang ayaw mong ipahintulot na aking
mátangnan, at iyong sinabi sa akin: "Nan~gulila ca sa iyong iná, acó'y
hindî nagcainá cailán man.": at dumamay ca sa akin n~g pag-iyác. Iniirog
mo ang aking iná at icáw ay pinacaibig niyáng tulad sa isáng anác. Sa
dacong labás ay umúulan at cumíkidlat; n~guni't sa acalà co'y nacárinig
acó n~g música, at nakita cong n~gumín~gitî ang maputláng mukhâ n~g
bangcáy ... ¡oh, cung buháy sana ang aking m~ga magulang at mapanood
nila icáw! Nang magcagayó'y tinangnán co ang iyóng camáy at ang camáy
n~g aking iná, nanumpâ acóng sísintahin catá, catá'y paliligayahin, anó
man ang capalarang sa aki'y ipagcaloob n~g Lan~git, at sa pagca't hindî
nacapagbigáy pighati cailán man sa akin ang sumpáng itó; n~gayó'y mulíng
inuulit co sa iyó. ¿Mangyayari bagáng limutin co icáw? Laguing
casamasama co ang pag-aalaala co sa iyo; iniligtás acó sa m~ga pan~ganib
n~g paglalacad maguíng caaliwan co sa pag-iisá n~g aking cálolowa sa
m~ga ibáng lupain; ¡ang pag-aalaala sa iyo ang pumawì n~g bísà n~g
"loto" n~g Europa na cumacatcat n~g m~ga pag-asa at n~g casaliwaang
palad n~g kinaguisnang lúpà sa caisipán n~g maraming m~ga cababayan! Sa
m~ga panaguimpan co'y nakikita co icáw na nacatindig sa tabíng dagat n~g
Maynilà, nacatanaw sa malayong abót n~g panin~gíng nababalot sa malamlam
na liwanag n~g maagang pagbubucang liwayway; aking náririnig ang isáng
aaying-aying at malungcot na awit na sa aki'y pumupucaw n~g nagugulaylay
n~g m~ga damdamin, at tinatawag co sa alaala n~g aking púsò ang m~ga
unang taón n~g aking camusmusán, ang ating m~ga catuwâan, ang ating m~ga
paglalarô, ang boong nacaraang maligayang panahóng binigyán mong
casayahan, samantalang doroon ca sa bayan. Sa aking sapantaha'y icáw ang
"hada"[151], ang espíritu, ang caayaayang kinácatawan n~g aking Bayang
kináguisnan, magandá, mahinhín, masintahin, lubós calinisan, anác n~g
Filipinas, niyáng cagandagandahang lupang bucód sa m~ga dakilang
cagalin~gan n~g Inang Españang[152] tagláy rin niyá'y may maririkít pang
m~ga hiyas n~g isáng bayang bátà, tulad sa pagcacapisan sa iyong
cataohan n~g lahát n~g cagandahan at carikitang nacapagpapaningning sa
dalawang láhì; cayâ n~ga't nabubuò lamang sa isá ang pagsinta co sa
iyo't ang pagsinta co sa aking tinubuang lúpà ... ¿Maaari ba catáng
limutin? Macáilang ang boong ísip co'y aking náririnig ang m~ga tunóg
n~g iyóng piano at ang m~ga tínig n~g iyong voces, at cailán mang
tinatawag co ang iyóng pan~galan n~g acó'y na sa Alemania, sa dacong
hápon, pagca naglalacad acó sa m~ga caparan~gang napúpuspos n~g m~ga
talinghagang likhâ n~g m~ga poeta roon at ang m~ga cahimahimalang
salitsaling sabi n~g m~ga táong nan~gáunang nabuhay, nakikinikinita co
icáw sa úlap na sumisilang at napaiimbulóg sa dúyo n~g capatagan, wárì
náririn~gig co ang iyong voces sa pagaspás n~g m~ga dahon, at pagcâ
umuuwî na ang m~ga tagabukid na galing sa caniláng sinasacang lúpà at
caniláng ipinarírin~gig buhat sa maláyò ang caniláng caraniwang m~ga
awit, sa aking acala'y pawang nakikisaliw silá sa m~ga voces n~g
caibuturan n~g aking dibdib, na nag-aalay na lahat sa iyo n~g awit at
siyáng nagbíbigay catotohanan sa aking m~ga nais at m~ga panaguimpán.
Cung minsa'y náliligaw acó sa m~ga landás n~g m~ga cabunducan, at ang
gabíng doo'y untîuntì ang pagdatíng ay naráratnan acóng naglácad pa't
hinahanap co ang aking daan sa guitnâ n~g m~ga "pino," n~g m~ga
"haya"[153] at ang m~ga "encina"[154]; cung nagcácagayón, cung
nacalúlusot ang iláng m~ga sínag n~g buwán sa m~ga puáng n~g masinsíng
m~ga san~gá, wari'y nakikinikinita co icáw sa sinapupunan n~g gubat,
tulad sa isáng nagpapagalagalang aninong gágalawgaláw at
nagpapacabicabilâ sa liwanag at sa m~ga carilimán n~g malagóng
caparan~gan, at sacâ ipinarírinig n~g "ruiseñor"[155] ang canyáng ibá't
ibáng cawiliwiling huni, inaacálà cong dahil sa icáw ay nakikita't icáw
ang siyáng sa canyá'y nacaaakit. ¡Cung inalaala co icáw! ¡Hindî lamang
pinasásaya sa aking m~ga matá n~g lagabláb n~g sa iyó'y pagsinta ang
úlap at pinapamúmula ang hielo[156]! Sa Italia, ang magandáng lan~git
n~g Italia, sa canyáng cadalisaya't cataasa'y nagsasálitâ sa akin n~g
iyong m~ga matá; ang canyáng masayáng pánoorin ay nagsasaysay sa akin
n~g iyong n~gitî, wan~gis n~g m~ga halamanan sa Andalucíang
nalalaganapan n~g han~ging may kipkíp na ban~gó, puspós n~g m~ga
pangdilidiling casilan~ganan, saganà sa hiwagà at sa calugodlugód na
m~ga tanghalin, pawang nan~gagsasalita sa akin n~g sa iyó'y pagsintá! Sa
m~ga gabíng may bowán, yaóng bowang wari'y nagtútucà, sa aking
sinagwánsagwáng nacalulan acó sa isáng sasakyáng malíit sa ilog Rhin,
itinátanong co sa aking sarili cung dî cayâ marayà acó n~g aking
guníguní upang makita co icáw sa, guitnâ n~g m~ga álamong[157] na sa
pampang, sa bató n~g Lorelay ó sa guitnâ n~g m~ga alon at icáw ay
umaawit sa catahimican n~g gabí, tulad sa dalagang hadang mápang-aliw,
upang bigyáng casayahan ang pag-iisá at ang calungcutan n~g m~ga guibáng
castillong iyón.
--Hindî acó naglacbáy-bayang gaya mo, walâ acóng nakikita cung dî ang
iyóng bayan, ang Maynila't Antipolo--ang sagót ni María Clarang
n~gumín~gitî, palibhasa'y naniniwalà sa lahát n~g sinasabi ni
Ibarra,--n~guni't mulâ n~g sabihin co sa iyóng ¡paalam! at pumasoc acó
sa beaterio, láguì nang naaalaala catá at hindî co icáw nilimot, bagá
man ipinag-utos sa akin n~g confesor at pinarusahan acó n~g maraming
m~ga pahírap. Nagúgunitâ, co ang ating m~ga paglalarô, ang ating m~ga
pag-aaway n~g tayo'y m~ga musmós pa. Hinihirang mo ang lalong
magagandáng sigay at n~g tayo'y macapaglarô n~g siclót, humahanap ca sa
ílog n~g lalong mabibilog at makikinis na batóng maliliit na may iba't
ibang cúlay at n~g macapaglarô tayo n~g sintác; icáw ay nápacawaláng
tuto, láguì cang natatalo, at ang parusa'y binábantilan catá n~g pálad
n~g aking camáy, n~guni't dî co inilálacas, sa pagca't naaawà acó sa
iyo. Napacamagdarayà, icáw sa laróng chongca't dináraig mo pa ang
pagcamagdarayà co, at caraniwang agawán ang naguiguing catapusán.
¿Natátandaan mo bâ n~g icáw ay magalit n~g totohanan? Niyó'y
pinapagpighatî mo acó; n~guni't n~g matapos, pagcâ naaalaala co iyón sa
beaterio, acó'y n~gumín~gtì dinaramdam cong icáw ay walâ, at n~g
macapag-away ulî catá ... at n~g pagdaca'y mágawà natin ang
pagcacásundô. Niyó'y m~ga musmós pa tayo, naparoon tayong naligong
casama ang iyóng iná sa batis na iyóng nalililiman n~g m~ga cawayanan.
Sa m~ga pampáng ay may m~ga sumisibol na m~ga bulaclác at m~ga halamang
sinasabi mo sa akin sa wicang latín at wicang castilà ang canícanilang
m~ga cacaibáng pan~galan, sa pagca't niyó'y nag-aaral ca na sa Ateneo.
Hindî catá pinápansin; naglílibang acó sa panghahagad n~g m~ga paroparó
at n~g m~ga tutubí, na sa canyáng catawáng maliit na tulad sa alfiler ay
tagláy ang lahát n~g m~ga culay n~g bahagharì at ang lahát n~g m~ga
kintáb n~g gáring, m~ga tutubíng gumágalaw at nan~gagháhagaran sa
magcabicabilang m~ga bulaclác; cung minsa'y ibig cong masubucan at
hulihin n~g camáy ang maliliit na isdáng matuling nan~gagtatacbuhan sa
m~ga lumot at sa m~ga batuhán sa pampáng. Caguinsaguinsa'y nawalâ ca, at
n~g icáw ay bumalíc, may dalá cang coronang m~ga dahon at m~ga bulaclác
n~g dalandáng ipinutong mo sa aking úlo, at tinatawag mo acóng
"Cloe"[158], at gumawâ ca namán n~g coronang damóng gumagapang. N~guni't
kinuha n~g iyóng nanay ang aking corona, pinucpóc n~g isáng bató at sacâ
inihalò sa gugò na ipinaglilinis n~g ating úlo; tumulò ang m~ga luhà sa
iyóng m~ga matá, at sinabi mong hindî nacaaalam ang iyóng iná n~g
"mitología"[159].--¡"Halíng!--ang isinagót n~g nanay mo--makikita mo't
mababan~gó pagcatapos ang inyóng m~ga buhóc."--Nagtawá acó, naghinanakít
icáw, at ayaw mo na acóng causapin, at sa boong maghapo'y nagpakita ca
n~g poot, na siyang ikìnaibig co namang umiyác.
N~g bumalíc tayo sa bayan, at sa pagca't mainit na totoo ang araw, nuha
acó n~g m~ga dahon n~g sambóng nasumísibol sa m~ga tabíng daan, ibinigáy
co sa iyó't n~g ilagáy mo sa loob n~g iyóng sombrero, at n~g di sumakít
ang iyóng ulo. N~gumitî icáw n~g magcágayo'y tinangnán co ang camáy mo
at nagcásundô na catá.
N~gumitî n~g boong ligaya si Ibarra, binucsán ang canyang cartera,
kinuha sa loob niyón ang isáng papel at sa loob nito'y may nababalot na
m~ga dahong nan~gin~gitim, tuyô at mababan~gó.
--¡Ang iyóng m~ga dahon n~g sambóng!--ang isinagót ni Ibarra sa titig ni
María Clara,--itó lamang ang naibigáy mo sa akin.
Dalidalí namáng kinuha ni María Clara sa canyáng dibdíb ang isáng
bolsitang rasong maputî.
--¡Ps!--ani María Clara at tinampál ang camáy ni Ibarra;--hindî
ipinahihintulot ang paghípò: ito'y isáng sulat n~g pagpapaalam.
--¿Iyán bâ ang isinulat co sa iyo bago acó pumanaw?
--¿At sumulat pó bâ cayó sa akin n~g ibá pa, aking guinoo?
--¿At anó bâ ang sinasabi co sa iyo n~g panahóng iyón?
--¡Maraming cabulastugan! ¡m~ga dahilan n~g masamáng mán~gun~gutang--ang
isinagót ni María Clarang n~gumín~gitì, na ipinakikilalang totoong
ikinasásaya n~g canyáng loob ang gayóng m~ga cabulaanan.--¡Howág cang
malicot! ¡babasahin co sa iyo ang sulat na ito! ¡n~guni't ilílin~gid co
ang iyóng m~ga pagpuri at n~g dî ca magdalità!
At itinaás ang papel sa tapát n~g canyang m~ga matá at n~g huwag makita
n~g binatà ang canyáng mukhâ, at nagpasimulâ:
--"Aking ..." ¡hindî co babasahin sa iyo ang sumúsunod, sa pagca't isáng
cabulastugán!--at pinaraanan n~g m~ga matá ang iláng talatà.--"Ibig n~g
aking amá, ang acó'y yumao, bagá man ipinamamanhic cong huwag"--"Icáw ay
lalaki"--ang sabi sa akin, dapat mong isipin ang panahóng dárating at ang
iyong m~ga lacás. Dapat mong pag-aralan ang dunong sa pamumuhay, ang dî
maibibígay sa iyo n~g iyong kinamulatang lúpà, at n~g balang araw ay
makapaglingcod ca sa canyá. Cung mananatili ca sa aking tabí, sa aking
lilim, sa impapawíd na ito n~g m~ga hínalâan, hindî ca matututong
tumanáw sa malayò, at sa araw na cata'y maiwan sa ibabaw n~g lupa'y
maitutulad ca sa halamang sinasalitâ n~g ating poetang si Baltazar;
"Para n~g halamang lumakí sa tubig,
daho'y nalálanta muntíng dî madilig,
ikinalolooy ang sandalíng init...."
--¡Nakita mo na! binatà ca na halos ay tumatan~gis ca
pa!--"Nacapagpasakit sa aking loob ang ganitóng pag-wiwicà, caya't
ipinahayag co sa canyáng icáw ay aking sinísinta. Hindî umimíc ang aking
amá, nagliníng-lining, ilinagáy sa aking balicat, ang canyáng camáy at
nagsalitâ sa aking nan~gín~ginig ang voces:--Ang ísip mo ba'y icáw
lamang ang marunong umibig at hindî ca iniibig n~g iyóng amá at hindî
dináramdam ang sa iyó'y paghiwaláy?" Hindî pa nalalaong nan~gulila tayo
sa iyóng iná; tumutun~go acó sa catandàan, diyán sa gulang na ang
hinahanap ay ang tulong at pagbibigay alíw n~g cabatâan, at gayón ma'y
tinatanggap co ang pag-iisá at dî co talós cung catá'y makikita pa ulì.
N~guni't dapat cong isipin ang m~ga ibáng bágay na lalong malalakí....
Bumúbucas sa iyo ang panahóng sasapit, samantalang sumásara sa akin;
sumisilang sa iyo ang m~ga pagsinta, ang m~ga pag-ibig co'y
nan~gamámatay; cumúculô ang apóy sa iyóng m~ga ugát sa aki'y
nagsisimulá, ang calamigán, at gayón ma'y icáw ay umíiyac at hindî ca
marunong maghandóg n~g n~gayón, at n~g sa búcas ay makinabang ca at
pakinaban~gan icáw n~g iyóng kinaguisnang lúpà."--Napunô n~g lúhà ang
m~ga matá n~g aking amá, naluhód acó sa canyáng paanan, siyá'y aking
niyacap at sinabi co sa canyáng acó'y nahahandáng yumao".
Napatiguil ang pagbasa, dahil sa pagcaligalig ni Ibarra: namumutlâ ang
binatà at naglálacad n~g paroo't parito sa magcabicabilang dúlo n~g
azotea.
--¿Anó ang iyóng damdám? ¿anó ba ang nangyayari sa iyo?--ang tanóng ni
María Clara cay Ibarra.
--¡Dahil sa iyó'y nalimutan co ang aking m~ga catungculan; dapat acóng
pumaroon n~gayón din sa aking bayan! Búcas ang fiesta n~g m~ga namatáy.
Hindî umimíc si María Clara, itinitig niyáng iláng sandalî ang canyáng
malalaki't mapupun~gay na m~ga matá cay Ibarra, cumuha n~g ilang
bulaclác at sinabi sa canyáng nababagbag ang loob:
--Lumacad ca, hindî na catá pinipiguil; magkikita ulî tayo sa loob n~g
iláng áraw! ¡Ilagáy mo itóng bulaclac sa ibabaw n~g libin~gan n~g iyong
m~ga magulang!
Nang macarâan ang iláng minuto, ang binata'y nananaog na sa hagdanang
casabay si Capitang Tiago at si tía Isabel, samantalang nagcuculong sa
pánalan~ginan si María Clara.
--¡Ipakisabi n~ga pô ninyó cay Andéng na canyáng ihandâ ang bahay at
man~gagsisirating si María at si Isabel!--¡Dumatíng nawâ cayóng
maluwalhati!--ani Capitang Tiago, samantalang sumásacay si Ibarra sa
coche, na yumaong ang tun~go'y sa plaza n~g San Gabriel.
At sinabi pagcatapos ni Capitang Tiago cay María Clara na umíiyac sa
tabí n~g larawan n~g isáng Vírgen:
--Halá, magsindí ca n~g dalawáng candilang man~gahatì, ang isáy sa Señor
San Rafael, pintacasi n~g m~ga naglálacbay. Isindi mo ang lámpara n~g
Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje. ¡Lalong magalíng ang magcagugol
n~g isáng salapî sa pagkít at anim na cuarta sa lan~gís, cay sa magbayad
pagcatapos n~g isáng mahalagáng tubós.