[116] Ang may pag aaring bahay ó lúpà.
[117] Ang may malalakíng lúpà.
[118] Ang waláng catungculang bìgay n~g Gobierno.
[119] Ang arte n~g paggawâ n~g larawan sa pamamag-itan n~g m~ga
casangcapang guinagamit sa bagay na itó. Natuclasán ang "fotografía" ni
Niepce n~g 1814 at pinagbuti ni Daguerre n~g 1839. Nagcamít si Mr.
Talbot n~g 1841 n~g "privilegio" n~g ucol sa fotografía sa papel
sensible.
[120] Ang haring nacagagawâ at nacapag-uutos n~g bawa't maibigan, sa
macatowid ay waláng nacaháhadlang na sino man sa canyáng calooban.
[121] Tinatawag na haring "constitucional" ang hindî nacapag-uutos n~g
bawa't maibigan cung dî ang ipinakikilala n~g Bayang canyáng calooban sa
pamamag-itan n~g canyáng m~ga kinácatawáng bumubuô n~g Asemblea ó
Congreso, Senado at Consejo n~g m~ga Ministro.
[122] Si Luis Catorce ay haring "absoluto" sa Francia; ipinan~ganác n~g
taóng 1643 at namatáy n~g 1715. Siyá'y iguinalang at minahál n~g m~ga
francés.
[123] Si Luis Diez y Seis ay haring "Constitucional," sa macatowid ay
haring hindî siyá ang nacapangyayari cung di ang guinágawâ niyá't
ipinag-uutos ay ang ipinagágawá't ipinag-uutos n~g m~ga kinacatawán n~g
m~ga táong bayan; nagharì sa Francia mula n~g 1774 hanggang 1798.
Pinugutan siyá n~g úlo, sampô n~g canyáng asawang si María Antonieta n~g
m~ga revolucionario.
[124] Si Felipe Segundo ay anác n~g haring Carlos Quinto, at haring
"absoluto" sa España. Guinágawà ni Felipe Segundo bawa't maibigan; sa
calooban niyá'y waláng nacasasansalà. Halos dî mabilang ang ipinapatay
at pinahirapan n~g haring itó sa pamamag-itan n~g Inquisición at iba pa.
Sa m~ga guinawâ ni Felipe Segundo nagpasimulâ ang pagguhò n~g halos di
maulatang capangyarihan n~g España at n~g halos dî macayang isiping
calakhán n~g nasasacop n~g cahariang ito. Gayon ma'y maraming m~ga
castilà at lalonglalò na ang m~ga fraile na umiibig n~g di cawasà sa
haring "absolutong" ito.--P.H.P.
[125] Si Amadeo "Primero" ay haring "constitucional" sa España buhat sa
1870 hanggang sa 1873. Ang haring ito'y mabait, matalino at bayani.
Lubós na umiibig sa canyáng pinaghaharîan; n~guni't hindî siyá iniibig,
at n~g mahalatâ niyá itó'y nagbitáw siyá n~g canyáng tungcol, at ang
pagbibitaw niyáng ito'y siyáng naguíng dahil n~g pagtatag n~g República
n~g España (11 n~g Febrero n~g 1873).--P.H.P.
[126] Ang bawa't isá sa m~ga dios n~g bahay.
[127] Ang palatuntunan n~g m~ga sumasampalataya sa maraming Dios. Sa
m~ga táong gaya ni Capitán Tiago'y maiuucol lamang itóng tulâ ni
Lucrecio: "Primus in orbe deus fecit timor;" ang tacot ang siyáng
pinanggalin~gan n~g m~ga dios.--P.H.P.
[128] Palatuntunang walang kinikilala cung dî isáng Dios lamang.--P.H.P.
[129] Si Jesús, si María at si Joséf.
[130] Libin~gan n~g m~ga taga Egipto.
[131] Sombrerong may tatlong dúlo.
[132] Isá sa m~ga anyò (orden) n~g arquitectura.
[133] Loobin nawa n~g Dios na matuloy ang hulang itó sa sumulat n~g
maliit na libro at sa ating lahat na sa canyá'y naniniwalâ--J.R.
[134] Pitóng wicâ; datapowa't hindi sinasabi n~g catagalugang "pitóng
wicâ" cung di "Siete Palabras."
Hindi nagcacaisa ang m~ga Evangelista tungcol sa m~ga sinabi ni Jesús
n~g siya'y napapacò na sa Cruz:
I. Sinasabi ni San Mateo sa cap. 27, versículo 46 n~g canyáng Evangelio
at ni San Marcos sa capítulo 15, versículo 34 n~g canyáng Evangelio, na
itó raw lamang ang sinaysay ni Jesús, n~g malapit na ang hora n~g
"nona"--ani San Mateo--n~g hora n~g "nona"--ani San Marcos: _Dios co,
¿bakit aco'y pinabayaan mo?_
II. Sinasabi namán ni San Lúcas sa m~ga versículong 34, 43 at 47, n~g
capítulo 23 n~g canyáng Evangelio, na itó raw ang m~ga sinaysay ni Jesús
n~g napapacò na siyá sa Cruz;