na si Pilato ay sa Lan~git na akyat,
at ang nabasahan ay librong salun~gat
ó lic-ha nang budhing lubos na pan~gahas.
Kinacailan~gang anomang gagauin
nang tao, ay dapat munang iisipin,
at sala sa Amáng lumalang sa atin
at tatauanan pa nang macalilining.
Huag yaong tayo'y macakita lamang
nang pilac, ay cahit di catotohanan,
cahit ualang librong kinakikitaan
ay di nan~gin~gimi nang pagsasalaysay.
Alalahanin mo guiliw na capatid
na di gagapilac lamang yaong Lan~git,
sa camunting yamang ating ninais
yaong ualang hangang toua'y ipapalit.
Magnilay-nilay ca't ang gauang mabigla
ay di gayon lamang cung mapan~ganyaya,
bakit ang parusa'y laguing nacahanda
nang Hucom na hindi mangyaring madaya.
Sa caniya ay ualang munting nalilin~gid
ang lahat ay paua niyang nalilirip,
cahit gagadulo man lamang nang hanip
at siya'y ualang hindi nababatid.
Mabuti na lamang cung mapagsisihan
ang lahat nang ating gauang casalanan,
at may patauad pang sucat maasahan
n~guni't cung di gayo'y sauing capalaran.
Sa utos nang Dios ay dapat gumanap
tayo, at gayon din sa Iglesiang atas,
nang upang matamo nating aliualas
ang caligayahang ualang pagcucupas.
WACAS
[Patalastas: Imprenta at Libreria ni P. Sayo, Balo ni Soriano]
[Patalastas: Limbagan at Aklatan ni P. Sayo, Balo ni Soriano]