Sa dahilang sila'y ang balang ibiguin

Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad,

Pilar Somoza and the Online Distributed Proofreading Team

at http://www.pgdp.net

[Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is

marked as ~g.]

[Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa

upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon

ay hindi na ginagamit.]

CASAYSAYAN

ng

CATOTOHANANG BUHAY

ng

Haring Clodeveo

_AT_

Reyna Clotilde

_SA REYNO NANG FRANCIA NA TINULA

SA LUBOS NA CATIAGAAN NI_

CLETO R. IGNACIO

_Concepcion, Malabon, Rizal_.

* * * * *

_SIPI SA TUNAY NA HISTORIA_

=1917=

IMPRENTA, LIBRERIA Y PAPELERIA

DE

P. SAYO Vde. DE SORIANO

Rosario 225. Plaza del Conde 1003 y Azcarraga 552, Tondo

Manila, I.F.

=PAUNAUA=

_Manga maguiliuing puso sa pagbasa

nang catotohanang hanay nang historia,

dito'y lubos ninyong mapag-kikilala

ang cay Clodoveong buhay na talaga._

_Niyong unang siya ay di pa cristiano

ay Clovis ang tauag sa pangalang moro,

nang binyagan siya'y naguing Clodoveo

at Reyna Clotilde ang asaua nito._

_Siya'y isang tangi cung sa cabaitan

at ulíran naman cung sa cahinhinan,

nang tanang babae, nang casalucuyang

siya ay dalaga't nang mag-asaua man._

_Caya cailangang pacatatastasin

yaong buhay niya't nang iyong malining,

mulang puno't dulo'y iyong pasayurin

at nang upang iyong matantong magaling._

_Hangang dito aco't ang bahala'y icaw

sa tula cong hamac na pinag-inutan,

sa dahop cong cayang hinimalay lamang

na butil, nang manga nalagas sa uhay._

=Simula nang buhay=

* * * * *

Taong isang daan ualungpu at apat

mula nang manaog ang Poong Mesias,

sa Reyno nang Francia ay noon tumangap

si Clovis nang pagca Haring napatanyag.

Nang panahong yao'y ang Reyno n~g Francia

ay hindi cristiano at man~ga gentil pa,

si Clovis ang siyang nagbinyagang una't

sa Dios ay siyang unang cumilala.

Sa panahong yao'y ang Borgoña nama'y

man~ga cristianong tumangap nang aral,

nang man~ga Apostol ni Cristong hinirang

na nagsilaganap sa sangsinucuban.

Noon ay ang Hari namang sinusunod

na namamahala ay si Agabundos,

at ang bunso niyang capatid na irog

ay yaong Infante na si Hispericos.

Ang bunying Infante ay nagca-asaua

nang isang Duquesa na si Aprodicia,

dalauang babayeng naguing Anác nila

na ang bunso'y ualang cauan~gis nang ganda.

Mabunying Infante Estatira bilang

n~galan nang canilang Anác na pan~ganay,

ang bunso'y Infanta Clotildeng timtiman

sa Reynong Borgoña'y tan~ging cagandahan.

Bucod sa caniyang cagandahang angkin

ay nahiyasan pa nang bait at hinhin,

at nang cabanalang pagca-masintahin

sa Dios na Poon at sa Ináng Virgen.

Sa araw at gabi ay di sumasala

nang pananalan~gin sa Dios na Amá,

at sa Ináng Virge't sa touing umaga'y

pilit guinaganap yaong pagsisimba.

Madalas ding siya ay nag-cocompisal

at tuloy ring siya ay nakikinabang,

lubos na caniyang pinag-iin~gatan

ang pagca-babaeng loob nang maycapal.

At bagamang cahit magcapatid sila

ang caugalia'y di nag-cacaisa,

ang sa cay Clotildeng guinagaua toui na

ay ang cagalin~gan niyong caluloua.

Siya'y di gumamit magpacaylan man

niyong pananamit na lubhang marin~gal.

tunay na caniyang kinasusuclaman

yaong masasaguang man~ga cagayacan.

Caya n~ga at naguing casabihan siya

sa ugali't kilos tan~gi pa sa ganda,

anopa't marami ang naliligaya

bakit n~ga sa duc-ha ay malimusin pa.

Doon na Borgoña'y isang araw naman

nag-fiestang ang tauag ay sa calahatan.

caya n~ga ang Hari at caguinoohan

ay dumalo't sampong taong caramihan.

Para-para silang nakinig nang Misa

sampon nang Infanteng Hispericos bagá

doon sa Simbaha'y napipisan sila

at nananalan~gin sa Dios na Amá.

Ginagamit nila ang boong pag-galang

at lubhang malabis na pagpipitagan,

at sila ay doon nakikipanayam

sa Dios na Haring macapangyarihan.

Isa ang Infante na si Hispericos

na capatid niyong Haring Agabundos,

sa tanang guinoo siya ay calahoc

nang pananalan~gin sa may lic-hang Dios.

Nagcataon namang sa loob n~g Templo'y

si Hispericos at isang concejero,

sila'y nag-uusap na nakita dito

nang Hari, ay tantong galit ay sumubó.

Caya't nang matapos ang mahal na Misa

sa palaciong lahat nan~gagtuloy sila,

tinanong nang Hari noon din pagdaca

dalauang nag-usap niyong nagsisimba.

Saad sa canila nang Haring maran~gal

na sikip sa pusò yaong cagalitan,

bakit at di bagá ninyo nalalaman

na yaong Simbaha'y laang dalan~ginan.

Tayo'y nan~gaglacbay doon at ang dahil

sa Dios na Poon ay mananalan~gin,

batid ninyong Dios ang caharap natin

bakit pag-uusap ang inyong gagauin.

Ipinalalagay ninyong ang caharap

doo'y isang taong gaya nating hamac,

at di pa hinintay na Misa'y nautas

at cayo'y doon na sa labas nag-usap.

Inaari ninyong ualang cabuluhan

ang Dios na dapat sambahi't igalang,

sa guinaua ninyong man~ga catacsilan

marapat sa inyo'y alisan n~g búhay.

Mabilis na hatol pagdaca'y guinanap

doon sa dalauang sa Templo'y nag-usap

nang di pamarisan yaong gauang linsad

at ipinatapon ang bangcay sa dagat.

Saca namang yaong hirang na asawa

at ang isa niyang Anác na Infanta

na bilang pan~ganay na si Estatira

pinaalis silang dalauang mag Iná.

Ayon sa canilang man~ga caasalan

na hilig ang puso sa toua at layaw

kung caya n~ga sila'y pinagtabuya'y

di ayos cristiano ang canilang asal.

N~guni't si Clotindeng bunsong iniirog

na hipag nang Hari na si Agabundos,

doon sa palacio'y nanatiling lubos

sapagca't may bait at galang sa Dios.

Bakit sa pagsinta'y lubhang mahiliguin

sa, Dios, at uili sa pananalan~gin,

caya n~ga namahal sa Haring amain

yaong si Clotindeng may bait na angkin.

Sa panahong yao'y ang Inperiong Francia

ay hindi cristiano at man~ga gentil pa,

at ang Hari doon na kinikilala

na namamahala ay si Clovis bagá.

Ualang ano ano'y pasoc sa panimdim

na yaong Reyno nang Borgoña'y bacahin,

caya n~ga't caniyang inutusang tambing

tanang embajador nang ganitong bilin.

Cayo ay maglacbay sa Borgoñang Reyno

at ipatalastas ang cahilin~gang co,

sa Haring lisanin ang pagca-cristiano

at sila'y sumamba sa man~ga Idolo.

O, cung dili caya siya'y magbibigay

n~g buis sa baua't isang taóng araw,

na ayon sa aking maguing cahin~gian

at siya'y sacop co ang catotohanan.

Sa cahilin~gan co'y cung susuay siya

babahá nang dugò ang Reynong Borgoña,

at man~ga pupucsa silang para-para

sa aking dadalhing malaking armada.

Matapos ang bilin ay agad nag-lacbay

sa Borgoña yaong man~ga inutusan,

nang dumating doo'y sinabi ang pacay

sa mahal na Haring macapangyarihan.

Ang cay Agabundos na uica'y ang lahat

na bilin sa inyo nang Haring nag-atas,

ay sabihin ninyong di co matutupad

ang ualang halagang man~ga pan~gun~gusap.

Diyata't Dios cong tunay ang lisanin

at yaong Idolo ang aking sambahin,

sa cahilingan niya'y ang aking patalim

siyang mananagot sa balang ibiguin.

Sa sinabing yao'y hindi nagsiimic

yaong embajador nang Haring si Clovis,

ala-ála nila ay baca magalit

Haring Agabundos cung muling magsulit.

Ay hindi mangyaring panoorin nila

yaong cagandahan nang bunying Infanta,

pagca't sila'y hindi nacakikita pa

gayong cagandahang naca-liligaya.

Na di iba't yaong Infanta Clotilde

na ang ganda't hinhin ay cauili-uili,

ualang capintasang sucat pang masabi

ang hirang na dilag sa pagca-babae.

Caya n~ga't sa pagcatahang tatlong araw

sa palacio niyong embajadang tanan,

ay hindi mangyari nilang pagsauaan

ang sa cay Clotildeng tan~ging carikitan.

Yaong tatlong araw ay nang maganap na

sa Hari ay nan~gag-paalam na sila,

at nan~gagsibalic sa Reyno nang Francia

at sa Haring Clovis humarap pagdaca.

At ipinagsabi yaong casagutan

niyong sa Borgoñang Haring pinaglacbay,

at nang matapos nang canilang isaysay

ang lahat, sa Hari ay sinabi naman.

Na sa palacio ay nan~gatahan silang

hustong tatlong araw, caya n~ga't nakita,

ang dalagang ualang catulad nang ganda

at ualang pangdamdam ang di maligaya.

Ang tabas nang muc-ha't tindig nang catauan

anhin mo'y guinaua nang balitang camay,

mata'y cung ititig at iyong pagmasdan

ay bató nang pusò ang di matiguilan.

Lalo cung n~gumiti't siya ay man~gusap

ay isa nang toua nang magcacapalad,

at cung sa pintuan siya'y lumalabas

anhin mo'y ang talang bagong sumisicat.

Caya caming lahat ay natitiguilan

sa hindi maisip naming carikitan,

sa Francia, at cahit sa ibang Reyno man

doon ay uala nang maca-áagapay.

Bakit ang ugali't kilos nang cristiano'y

totoong malinis na di gaya dito,

ang man~ga babae ay di nabubuyo

tungcol sa lalaking makihalobilo.

Sapagca't ang anyo nang man~ga binyagan

ay iba sa ating man~ga inaasal,

ang man~ga babae ay iniin~gatan

ang puri't salamin ang siyang cabagay.

Yaong camahalan nang canilang ayos

maguing pan~gun~gusap at sa man~ga kilos,

anopa't cung ating man~ga-papanood

bulaan ang hindi maganyac ang loob.

Ang man~ga balitang yao'y nang mabatid

nabihag ang pusò nang Haring si Clovis,

doon cay Clotildeng balita nang dikit

namahay sa pusò ang laking pag-ibig.

Di na natahimic yaong calooban

at laguing ang dibdib ay gapos nang lumbay,

dahil cay Clotildeng baca di macamtan

sa pagca at siya ay hindi binyagan.

Lalo nang lisanin ang Haring si Clovis

nang man~ga balita na embajadores,

parang namamalas sa caniyang titig

yaong cay Clotildeng cagandahang labis.

Uupo't titindig noo'y tututupin

saca magbubuntung hinin~gang malalim,

hindi mapaghulo anhin mang isipin

ang lalong mabuting paraang gagauin.

Sa bagay na yao'y cusang namalagui

siya, sa lubos na pagdadalamhati,

ualang matutuhang lunas na ipaui

sa gayong pagsintang ikinalugami.

Caya't napilitang sumanguni siya

sa paham na Conde Aurellano baga,

pagca't sa mag-isip ay lubhang sanay na

cung caya n~ga yaon ang siyang pinita.

Aniya'y Conde Aurellano'y icaw

ang siya cong lubos na inaásahan,

na siyang sa akin ay tutulong bilang

sa matinding dusang aking pinapasan.

Dahil sa balitang Infanta Clotilde

na taga Borgoñang hirang na babae,

ay siya cong nasang maca-isang casi

caya isipin mong paraang mabuti.

Ito n~ga ang sanhing di co icaidlip

sa araw at gabi di icatahimic,

huag mong payagan di camtan nang dibdib

yaong si Clotildeng pinaca-iibig.

Sapagca't icaw ang totoong magaling

umisip nang man~ga paraang gagauin,

caya ang lubos mong caya ay gugulin

sa cahirapang cong di macayang bathin.

Ano'y nang madin~gig ang sinabing ito

nang bantog na Conde na si Aurellano,

ibig na sauayin sa pagca at moro

mahirap maibig nang isang cristiano,

N~guni't siya nama'y tantong nan~gan~ganib

na baca ang Hari ay magdalang galit,

caya ang uinica'y iyong itahimic

Hari, ang loob mo't aco'y mag-iisip.

Upang tamuhin mo ang sa pusong nasâ

ay lilinin~ging co ang paraang pauâ,

anang Hari nama'y icaw ang bahala't

tanang cailan~gan ay nang maihanda,

Ang mahal na Conde ay napaalam na

at siya'y omuui sa tahanan niya,

inisip ang lalong paraang maganda

na macaulayaw ang bunying Infanta.

Sa gayong caniyang man~ga pag-lilining

nacatuclas niyong paraang gagauin,

na icausap sa himalang ningning

caya't sa palacio'y naglacbay noon din.

Hari co aniyang macapangyarihan

aco'y mayroon nang maguiguing dahilan,

pagca't sa veinte cinco nitong buan

nang Diciembre, Pascua nang man~ga binyagan.

May ugali yaong Infanta Clotilde

na maglimos siya sa man~ga pulubi,

yaon n~ga ang siyang panahong mabuti

na ang ating nasa'y malapit mangyari.

Ang tugon nang Hari ay iyong sabihin

cun ano ang ating cacailan~ganin,

na nauucol mong doon ay taglayin

sa Reynong Borgoñang iyong tutun~guhin.

Tugon niyong Conde na si Aurellano

ay isang singsing po ang ipagaua mo,

na guintong dalisay saca ang retrato

mo'y siyang tampoc na ilagay dito.

Gayong cailan~gan ay nang maisaad

sa mahal na Haring agad na guinanap

at iba pang man~ga cailan~gang dapat

sa pagsasacdalan n~g sa Haring hirap.

Tanang bagay-bagay ay nang mahanda na

tinun~go nang Conde ang Reynong Borgonya

pagca't malapit nang dumating ang Pascua

niyong pan~gan~ganac sa nacop sa sala.

Di lubhang nalaon yaong paglalacbay

ang Reynong Borgonya'y cusang niyapacan,

at doon naghintay na may ilang araw

nang sayang ugali nang cacristianuhan.

Niyong sumapit na ang aveinti-cinco

na capan~ganacan sa Divino Verbo,

na inuugali nang man~ga Cristiano

na puspos ang sayá sa araw na ito.

Sa gabing visperas nang nasabing Pascua

na pinan~gan~ganlang bagang Nochebuena,

doon sa Simbaha'y gagauin Misa

Infanta Clotilde'y pilit magsisimba.

Ang pag Mamaytinez ay bago iraos

sa man~ga pulubi siya'y maglilimos,

Conde Aurellano ay doon lumahoc

sa man~ga pulubi't siya'y nakiayos.

Caya't nang dumating ang bunying Infanta

na may dalang supot na pang limos, baga,

nang casalucuyang namamahagui na

nakihanay naman ang Conde pagdaca.

At noong siya na ang linilimusan

ay agad humalic sa Infantang camay,

cay Clotilde namang nahalatang tunay

na hindi pulubi siya't taong mahal.

Nagualang kibo na't nang hindi mahayag

Misa'y nang matapos ay ipinatauag,

ang Conde, at niyong dumating sa harap

malubay na galit ang ipinan~gusap,

¿Bakit ca gumaua (anya) nang ganito

na pinan~gahasang hagcan ang camay co,

ang cadahilana'y ipatalastas mo

sampon nang pan~galan cun icaw ay sino.

Ang tugon nang Conde ó Infantang mahal

Aurellano po ang aking pan~galan,

sinugo nang Haring sa iyo'y ialay

ang singsing na tanda nang sintang dalisa'y.

Nang sa cay Clotildeng abutin nang titig

may larauang sinsing nang Haring si Clovis,

(aníya'y) paano ang aking pag-ibig

siya'y di Cristiano't di co capanalig.

Ang sa Condeng tugo'y huuag manimdim ca

cung tungcol sa gauang pagsampalataya,

tunay na hindi makikialam siya

caya n~ga hindi ca sucat na man~gamba.

Sandaling nag-isip sa gayong sinabi

ang hiuagang gandang Infanta Clotilde,

mahinahon niyang dinidilidili

ang cahihinatnang huling pangyayari.

Tan~gi dito'y di co magagaua naman

ang aking sariling man~ga calooban,

aco'y may amaing dapat pagsabihan

lalo't sa ganitong may halagang bagay.

Tangapin mo na po ang sagot nang Conde

ang sinsing na itong tanda nang pagcasi,

at sa amain mo'y bahàla na caming

na mag embahadang sa canya'y magsabi.

Mabatid ang gayon nama'y tinangap na

ang regalong sinsing nang Hari sa Francia,

ang sa Condeng uica ay n~gayon (aniya)

sa Francia ay Reynang kikilalanin ca.

Sa sinabing yaon ay di umiimic

ang bunying Infanta't parang di narin~gig,

at ualang halaga sa caniyang isip

yaong caran~galang bagay na binanguit.

Tunay na ualanguala sa loob niya

nasa'y cung sa Hari siya'y macasal na,

ay maguing binyagan ang Reyno nang Francia't

sa totoong Dios ay magsikilala.

Magandang adhicang lubos na panimdim

ni Clotilde'y di co lubhang pasayurin,

ang Condeng nagbigay nang regalong sinsing

ay napaalam nang toua ay sabihin.

Nang siya'y dumating sa Reyno n~g Francia

ang uica sa Hari icaw po'y magsayá,

pagca't ang larawan mo po'y tinangap na

nang pinaglacbay cong irog mong Infanta.

Lugod ay sabihin nang Haring si Clovis

ang cay Aurellanong uica'y nang madin~gig,

at biglang napaui sa caniyang dibdib

yaong calumbayang di icatahimic.

Ipinatauag nang lahat ang guinoo

sa sacop nang Corte nang caniyang Reyno,

dumating na lahat naman sa palacio

yaong tanang piling man~ga Caballero.

Sa Haring cay Clovis nang maharap sila

(aniya) ay cayo'y caya co pinita,

gumayac n~gayon din cayong para-para

at mag si paroon sa Reynong Borgonya.

Ipamanhic niniyo sa cay Agabundos

na Hari, nang boong pacumbabang loob,

na marapatin nang caniyang itulot

ang Francia't Borgonya'y magcaisang lubos.

Ang lalong mabuting man~ga pan~gun~gusap

sa cay Agabundos ang siyang isaad

daanin sa man~ga magandang hicayat

upang mahinahong siya ay pumayag.

Tanang cailan~gan ay iguinayac na

at nan~gagsilacad noon din pagdaca,

di lubhang nalaon ay dumating sila

sa canilang tun~gong Reyno nang Borgonya.

Sila'y nagsipanhic sa palacio real

at nagbigay niyong boong cagalan~gan

Haring Agabundos ay gumanti naman

tuloy pinaupo silang calahatan.

Nang man~ga licmo na'y saca inusisa

niyong paglalacbay cun anong adhica,

anang embajahada'y ang boong payapa

sa camahalan mo ang ipinag sadyá?

Ang utos sa amin nang Haring si Clovis

sa iyong sanghaya'y aming ipamanhic,

na marapatin na nang mahal mong dibdib

Francia at Borgonya naua'y magcasanib.

Maguing isang hiyas n~g Reyno n~g Francia

Infanta Clotilde ang kilanling Reyna,

sa Hari't saca sa tanang sacop niya

ay isang dakilang turing na ligaya.

Haring Agabundos ay niyong mabatyag

ang sa embajadang man~ga pan~gun~gusap,

(aniya'y) paano ang aking pagtangap

si Clovis, ay gentil na aking talastas.

Ang sagot nang piling man~ga embajada

icáw po ay huag na mag-ala-ala,

cung tungcôl sa gauang pagsampalataya

ay di mangyayaring sisirain niya.

Saca tan~gi ditoy ang man~ga ligalig

nang Francia't Borgonya ay matatahimic,

at mag-iisa nang damdamin ang dibdib

at maiilagan ang pagcacaalit.

Dirin hamac namang pan~gan~gahasan pa

nang cahima't sino ang Francia't Bogonya,

sa pagca at mapagtatalastas nila

na iisang loob ang Reynong dalaua.

Ani Agabundos ay mangyayari

yaong hiling niniyo na ipinag sabi,

saca di papayag yaong si Clotilde

na sa di Cristiano'y makiisang casi.

Nang sa tesorerong madin~gig ang saad

ay kinuha yaong lalagyan nang hiyas,

nang bunying Infanta't sa pagcacaharap

nang Hari, at man~ga consejong lahat.

Cay Agabundos n~gang tunay na namasid

sinsing na mayroong larauan ni Clovis,

na sa cay Clotildeng inin~gatang tikis

caya n~ga at siya ay nag bagong isip.

(Aniya) ay yamang akin nang nanuynoy

na ang pamangking co'y maycusang pag-ayon,

aco ay uala nang masasabing tugon

cundi ang sumama siya't siyang ucol.

Ipinatauag din namang ualang liuag

ang pamangkin niya't pagdating sa harap,

n~gayon din (aniya) icaw ay gumayac

paroon sa Francia't tuparin ang usap.

Sa sinabing yao'y ang bunying Infanta

ay gumayac naman noon din pagdaca,

lumuhod sa harap nang amain niya't

humin~ging bendicion at napaalam na.

Cay Agabundos din na pinasamahan

sa lahat nang Dama ang pamangking hirang,

lumacad na sila na hindi naliban

at ang Reynong Francia ang pinatun~guhan.

Nang dumating doo'y sinalubong sila

niyong buong Reyno nang dakilang sayá,

sigaw ay mabuhay mabuhay ang Reyna

na capayapaan nang Francia't Borgonya.

Ang Haring si Clovis ay sumalubong din

na caguinoohang madla ang capiling,

caya't nang makita ang himalang ningning

ang toua nang pusò ay ualang cahambing.

Niyong dumating na sa palacio real

ay saka ginanap n~g kinabukasan

ang inuugali nilang pagcacasal

na caacbay sampon n~g caguinoohan.

Boong Reyno nama'y nag-aalay n~g saya

tanda niyong ganap na paggalang nila,

sa boong casulocsulucan nang Francia

ay namimintuho sa canilang Reyna.

Ang oras n~g gabi ano'y n~g dumating

n~g mahihiga na Reyna'y nanalan~gin

n~g casalucuyan n~g pananaimtim

sa Dios, ang Hari lumapit sa siping.

Saca ang uinica'y casing minamahal

at pan~ginoong cong pinaglilingcuran,

humiling nang iyong maibig na bagay

at tunay na hindi kita masusuay.

Ualang minimithi aco anang Reyna

cundi ang icaw ay sumampalataya,

sa iisang Dios na tatlong Persona

na uala sinomang lalalo pang iba.

Ang may lic-ha'y siya nitong santinacpan

at siya ang Dios na ualang capantay,

tan~gi sa tayo'y caniyang linalang

sa salang minana'y siya ang humadlang.

Tanang man~ga Dioses na sinasamba mo

iya'y pauang lic-ha lamang n~g Demonio.

siyang dumadaya sa lahat n~g tao,

upang macaramay nila sa Infierno.

Sa dahilang sila ay pinarusahan

n~g Dios, at ayon sa capalaloan,

sa adhica nilang sa Dios mapantay

ang napala'y hirap magpacailan man.

Caya n~ga sa iyo'y isinasamo co

na lisan ang Dioses na sinasamba mo,

at talicdan mo na iyang pagca moro

at iyong harapin ang pagkikristiano.

Pacaisipin mong tauo'y cung mamatay

sa lan~git, ay buhay namang ualang hangan,

ang nasa loob nang cay Cristong bacuran

at sundin ang utos ay gloriang cacamtan.

N~gun'i yaong man~ga aayaw pabinyag

dusa sa Infierno'y siyang malalan~gap,

at ang sa totoong Iglesia'y lumabas

ay sa Infierno ri't lalan~gap n~g hirap.

Sa bagay na ito ay cung mabinyagan

icaw, at gayon din ang lahat mong caual

at sundin ang utos n~g Dios na mahal

upan ding matamó ang payapang bayan.

At ipatayo mo uling panibago

ang man~ga Simbahang ipinasira mo,

at ihin~ging tauad ang lahat nang ito

sa iisang Dios na Personang tatlo.

Isa pang samo co ay iyong sin~gilin

ang ari n~g aking Amang guiniguiliw

sa cay Agabundos na aking amain

na siyang humatol cay Amang patain.

Ang di catuirang canyang guinaua

lubos cong sa Dios ipinabahala,

ang cay Clovis namang binigcas na uica

ang unang hin~gi mo'y mabigat na lubha.

Di n~ga maaamin niyaring calooban

na ang man~ga Dioses ay aking talicdan

at lubhang marami akong cautangan

na caloob niyang man~ga bagay bagay.

Animo'y Dios mo ang aking sambahin

at ang man~ga Dioses ay aking limutin,

ay iba nang bagay ang iyong hilin~gin

at tunay na hindi kita susuayin.

Cung sa ganang akin cay Clotildeng saad

ay cagalin~gan mo cung caya co han~gad,

n~guni't cung sa iyo ay minamabigat

tungculin co lamang na ipatalastas,

Na yaong Dios co ang siyang lumic-ha

nang lahat nang bagay maguing lan~git lupa

siya'y tumigil na't di na nagsalita

at ang usap nila'y napayapang cusa.

At n~g maumaga Hari ay nag-utos

sa embajadores na caniyang lingcod

na sila'y humarap sa cay Agabundos

at sabihin nila na ipagcaloob.

Ang lupa n~g Reyna at ang m~ga bayan

na minana bilang sa Amang namatay

at inyong hintayin yaong casagutan

cung ibibigay niya ó caya hindi man.

Man~ga embajada pagdaca'y lumacad

at cay Agabundos sila ay humarap,

nang dumating doo'y ipinatalastas

ang bilin nang Haring Clovis na nag-atas.

Niyong maunaua yaong cahilin~gan

sa cay Agabundos namang ibinigay,

ang ucol na mana nang pamangking hirang

at ang pagtatalo'y upang mailagan.

Tanang casulata'y nang maigauad na

ay napaalam na yaong embajada,

at sila ay agad nagbalic sa Francia't

na Haring nag-utos ibinigay nila.

Iguinauad   naman nang Reynang butihin

yaong casulatan caya't nang malining,

ay napasalamat at ualang hilahil

na ibinigay nang tunay na amain.

Man~ga pagsasama'y lubhang mahinusay

at nagsusunuran silang malumanay,

pan~gaco ni Clovis ay guinagampanang

sa sampalataya'y di makikialam.

Cay Clotilde namang laguing hinihiling

sa Dios, cung siya ay nananalan~gin,

na ang calooban ay paliuanaguin

nang asaua't iuan yaong pagcahintil.

Di lubhang nalaon niyong pagsasama

ay isang lalaki yaong naguing bun~ga,

Hari ma'y aáyaw na binyagan niya

ay inamo rin n~ga nang sabing maganda.

Sa gayong caniyang man~ga paghicayat

ay napilitan ding Hari ay pumayag,

bininyagan na n~ga't n~galang itinauag

ay si Rosalino sa bugtong na Anác.

Ang toua nang Reyna ay di ano lamang

at ang hiling niya'y cusang pinayagan,

n~guni't nang dumating ang icatlong araw

bata'y nagcasakit at nakitlang búhay.

Caya ang uinica nang Haring si Clovis

sa Reyna cun icaw lamang ay nakinig,

na huag binyagan at sa aking Dioses

ay iyong ialay at doon manalig.

Sangol ay di sana búhay ay nakitil

at ualang pagsalang canyang aamponin,

ang sagot nang Reyna cung sa ganang akin

ay di dinaramdam nang pusò't panimdim.

Bagcus nagpupuri't nagpapasalamat

aco, sa Dios na lumic-ha sa lahat,

na ipinagsama't cusang minarapat

sa bayang payapa nang Santos at Santas.

Yaong unang bun~ga nitong aking tiyan

caya n~ga hindi co ikinalulumbay,

at tunay na aco'y di macasusuay

sa balang caniyang maguing calooban.

Malibang panahon ay muling nagbuntis

ang Reyna Clotilde sa aua nang lan~git,

n~guni't lalaki rin yaong sa pag-ibig

nila'y naguing bun~ga na aliw nang dibdib.

Hari ay ayaw ring bata'y pabinyagan

n~guni at sa Reynang pinakiusapan,

caya't sa pagsamong lubhang malumanay

nang Reyna sa Hari, ay umayon naman.

Ang nasa nang Reyna ay cusang natupad

noon din ang bata'y bininyagang agad,

at Sigesmundo ang n~galang itinauag

nang Rey sa Clotildeng loob na banayad.

Cun anong talaga niyong calan~gitan

ay nang macaraang may ilan nang araw,

na yaong Príncipeng bata'y mabinyagan

ualang ano-ano nama'y nagcaramdam.

Na paulit-ulit at di mapagaling

caya n~ga't ang asa ay mamamatay rin,

ang uica nang Hari sa Reynang butihin

cundan~gan ayaw cang makinig sa akin.

Uica co sa iyong huag mong binyagan

at baca ito rin ang siyang caratnan,

sapagca't ang gauang iya'y nalalaban

sa Dioses, cung caya kita'y sinasanay,

Pag-iya'y namatay na gaya nang una

ay lubos na icaw ang siyang maysala

dahil sa sabi cong ayaw makinig ca

ang Dioses sa iyo'y galit nang talaga.

Sa dahilang sila'y ang balang ibiguin

ualang caliuaga't mangyayaring tambing,

ang Anác mong iya'y cung ibig patain

ualang kisap matang búhay ay makitil.

Cung ibiguin niya naman ang mabuhay

mangyayari cung caniyang calooban,

at tunay na siya ay may carapatan

caya n~ga dapat mong sampalatayanan.

Icaw n~ga sa caniya ay magmacaaua

nang upang ang galit sa iyo'y mauala,

nang iyang Anác mo'y gumaling na cusa

ang tanang biling co'y ganapin mong biglá.

Ang butihing Reyna ay di umiimic

ala-alang baca Hari ay magalit,

caya n~ga't sa Dios ay inahihibic

na pagalin~gin na ang Anác na ibig.

Upang yaong maling pagsampalataya

nang Haring si Clovis na sintang asaua,

ay di manatili nang man~ga pagsamba

sa man~ga Idolo na ualang halaga.

Gayon man ay siya'y nagdadalang tacot

sa Hari at baca ang Anác na irog,

ay di guminhaua't búhay ay matapos

caya di mapalagay ang caniyang loob.

Yaon ang dahilang di icagupiling

at laguing sa Dios ay idinadaing,

na ipagcaloob nauang pagalin~gin

ang caniyang bunsong pinacaguiguiliw.

Saca sa asaua'y isinamo naman

na ipagpagaua siya nang Simbahan,

na laang caniyang pananalan~ginan

sa Dios na Amáng macapangyarihan.

Cahilin~gang yaon nang mahal na Reyna

ay sinunod naman nang sintang asaua,

sa dagling panaho'y nagpagaua siya

ayon sa pagtupad nang pan~gaco niya.

Hari palibhasa ang siyang may atas

ang nan~gagsigaua'y daming dili hamac,

caya't nayari rin namang ualang liuag

ang Simbahang hiling nang Reynang marilag.

Pinitang Simbaha'y sa Reynang malining

na magagaua nang doo'y manalan~gin,

isang batóng marmol ay nagpacuha rin

at ipinag-utos na pacalinisin.

At doon sa guitna'y ipinaukit niya

ang pan~galan nang Vírgen Santa María,

nang mayari nama'y ipinalagay na

sa guinauang Altar na itinalaga.

Cusang pinag-ayos na pinakarikit

at madlang pamuti ang doo'y guinamit,

doon nanalan~ging taimtim sa dibdib

sa n~galan nang Vírgen matá'y nacatitig.

Nang pananagano nang mahal na Reyna

sa Dios na Poon at Vírgen María.

marami rin n~gang sa caniya'y gumaya

na nagsidalan~ging nanicluhod sila.

Sa pananalan~gin nang naroong lahat

may nadin~gig silang voces na nan~gusap,

na labis nang tinig at lubhang malacas

caya't silang tanan ay nacatalastas.

Niyong uicang Reyna'y natanto cong tunay

ang lahat nang iyong man~ga carain~gan,

cung magcristiano na ang Franciang calac-han

ay di malulubos cahit masira man.

At may binyagan ding hindi titiualag

cay Cristong bacura't hindi n~ga ang lahat,

at mananatili sa tunay na landas

na cay Jesucristong dito'y itinatag.

Cung tumalicod man sa pagcabinyagan

ay ang natitira'y marami rin naman,

at ang isip nila'y maliliuanagan

niyong pagkilala sa catotohanan.

Bagaman sa Reynang voces ay nalining

ang pananalan~gin ay itinuloy rin,

malumanay niyang pinacahihiling

na ipagcaloob nauang pagalin~gin.

Yaong caramdaman nang caniyang Anác

at bigyan pa naman nang buhay at lacas,

nang hindi magalit ang Haring marilag

at sisihin siya niyong pagcabinyag.

Caniya rin naman na iniluluhog

sa di matingcalang darakilang Dios,

na yaong asaua ay magbagong loob

at cusang talicdan ang man~ga Idolos.

Moli't moli niyang ipinananaing

sa Dios na Poon at sa Inang Vírgen.

dinin~gig din yaong caniyang dalan~gin

ang sakít nang bata ay biglang gumaling.

Lumacas at yaong cataua'y humusay

na anaki parang nagdahilan lamang,

Hari ay nagtaca sa ganoong bagay

at inaasahan na niyang mamamatay.

Caya n~ga't ang toua niya'y hindi hamac

at hindi masayod ang panguiguilalas,

gayon ma'y hindi rin cusang nahicayat

ang caniyang pusong malabis nang tigas.

Tunay at lubos din yaong pananalig

sa caniyang man~ga sinasambang Dioses,

at di rin nanglumay yaong batóng dibdib

doon sa malaking biyayang namasid.

Patuloy ang dating camalian niya

sa lihis na gauang pagsampalataya,

nang nananahimic ay caracaraca

ay dumating yaong sugong embajada.

Ano'y nang maharap sa Haring cay Clovis

ang canilang layon ay ipinagsulit,

anila ay cami inutusang tikis

niyong aming Haring sa tapang ay labis.

Na namamahala sa Reynong Italia

at dalauang bagay yaong hin~gi niya,

ialay n~gayon din ang Cetro't Corona

ó ang pasalual tayo't magbatalla.

Caya magnilay ca't iyong pag-isipin

ang capahamacang iyong sasapitin,

cun di ca susuco'y ang calaguim-laguim

na casacunaa'y siyang tatamuhin.

Ang sa Haring Clovis namang casagutan

ang corona't cetro'y di maiaálay,

at doon sa campo cayo ay maghintay

at lalabas caming hindi maliliban.

Napaalam na n~ga yaong embajada

anila'y maglucsa na n~gayon ang Francia,

sa buhay na man~ga mapapalamara

na man~ga-aamis sa pagbabatalla.

Sila'y lumacad na't sinabi ang sagot

na canilang Haring nagbigay nang utos,

anila'y hintayi't dito'y maglalagos

at natatalagang sila'y makihamoc.

Nang oras ding yao'y tinipon pagdaca

nang Haring si Clovis ang basallos niya,

at niyong matipo'y ipinabilang na

cay Aurellano na General baga.

Cabilan~gang lahat nang man~ga soldado'y

hustong isang daan at tatlumpong libo,

ibig din matanto nila cung gaano

yaong cabilan~gan nang calabang dayo.

Ang guinaua nama'y nagpabihag siya

nang isang soldado nang taga Italia,

na nagsisilibot sa caharian nila

at yaon ang siyang inusisa baga.

Na ang cabilan~gan nila'y cung gaano

na makikibaca na laang soldado,

(aniya) ay caming nan~gaglacbay dito'y

hustong cabilan~gan ay limangpung libo.

Matapos sabihin ang ganoong bagay

soldadong binihag nila'y pinaualan,

at natanto nilang cacaunti lamang

ang man~ga cristiano na macacalaban.

Inilacad nan~ga ang canilang tropa

at sampon nang Haring Clovis ay casama,

tinun~go ang lual nang man~ga cabaca

at nan~gag-ayos na ang isa at isa.

Makita nang Hari yaong caramihan

nang soldado niyang makikipaglaban,

at yaong Cristiano ay cacaunti lamang

caya't mananalo na inaasahan.

Nagsagupa na n~ga ang hukbong dalaua

at pinasimulan yaong pagbabaca,

man~ga lobong gutom ang siyang capara

nang pagpapamooc nang isa at isa.

Pagcapalibhasa'y ang man~ga cristiano

ay nan~gananalig sa totoong Dios,

na pinagtitibay sa canilang loob

caya n~ga't ang tapang ay lubos na lubos.

At ang Hari nama'y nanalan~ging cusa

sa Dios at lubos na napacalin~ga,

at buong-buo niyang ipinaubaya

sa capangyarihan nang Amáng lumic-ha.

Hinihin~gi niyang bigyang calacasan

ang caniyang campon sa pakikilaban,

upang makilala ang Dios na tunay

at ang pagca moro'y canilang talicdan.

Sa di naglulubag na pagpapamooc

nang dalauang hucbong cakilakilabot,

ang calac-hang tropa'y nagcasabog-sabog

nang taga Franciang cay Clovis na sacop.

At di macasahò nang pakikilaban

at nan~gagagahis nang man~ga binyagan,

bagaman at sila'y totoong macapal

ay lubhang marami naman ang napatay.

Nang sila ay man~gagcatiua-tiualag

doon sa canilang man~ga paglalamas,

ay napilitan din na cusang tumacas

ang Haring si Clovis sa malaking sindac.

At tinun~go niya yaong cagubatan

at doon nagtago sa tacot na taglay,

at doon na lamang niya tinatanaw

ang caniyang campong nakikipaglaban.

Saca sa malayo ay minalas niya

ang caniyang campong nakikipag-baca.

ay tunay na nan~gagsisipanglumay na

at di na magauang makipaglaban pa.

Totoong marami ang man~ga napatay

na pauang guinahis n~g man~ga caauay,

caya't caramihan ay binibitiuan

ang man~ga sandata at nagtatacbuhan.

Nang makita ninya ang ganoong ayos

ay tantong nasira ang caniyang loob,

sa caniyang campong nagcasabogsabog

at ualang magaua nang pakikihamoc.

Dito na sinisi't cusang pinaglait

ang caniyang man~ga sinasambang Dioses,

(aniya) ay sayang n~g aking malabis

na suyo sa inyo't man~ga pananalig.

¿Ang capangyarihan ninyo ay nasaan

at hindi gamitin n~gayong cailan~gan

ano't natitiis at binabayaan

ang man~ga campong co at hindi tulun~gan?

Sa pakikibaca't upang di maamis

tanang vasallos co na iyo ring cabig,

saclolo mo'y ano at ikinacait

n~gayong cailan~gan sa pakikicaliz.

Bakit n~gayo'y parang di mo dinaramdam

na nan~galulupig nang m~ga caauay,

ang cabagsican mo naman ay nasaan

at hindi gamitin sa ganitong araw.

Sayang n~g lahat cong man~ga paggugugol

sa inyo't pagsambang mahabang panahon

cung aco ay datnan pala n~g lingatong

ay di ca mangyari namang macatulong.

Nang casalucuyang siya'y nagagalit

na pinagmumura yaong man~ga Dioses,

ualang ano ano ay siyang paglapit

nang ilan sa caniyang man~ga Generales.

At ang uica'y Haring pan~ginoon namin

cung loob mo'y dinguin yaring sasabihin,

ayon sa ganitong pagcasahol natin

caya mahinahong icaw po'y malining.

Isinagot naman nang Haring si Clovis

na ang voces niya'y tantong nan~gin~ginig,

cun anong mabuting inyong iniisip

sabihin n~gayon di't nang aking mabatid.

Cay Aurellanong uica ay dahilan

sa napagsasapit nang iyo pong caual,

ualang calahati ang man~ga binyaga'y

cung bakit sila pa ang nagtatagumpay.

Tanang Dioses natin cung sila'y may lacas

at capangyarihang magagauang dapat,

ay di babayaan niyang mapahamac

ang caniyang campon sa pakikilamas.

Pagcapalibhasa'y ualang cabuluha't

di gaya n~g Dios n~g man~ga binyagan,

cung sila'y may ganap na capangyarihan

panahon na'y bakit hindi saclolohan.

Caya ang laon nang ipinagsasabi

na iyo, n~g aming Reynang si Clotilde,

ay siyang sambahi't doon mamarati

at siyang sa atin ay magcacandili.

At tunay n~gang siyang Dios na totoo

yaong sinasamba nang m~ga Cristiano,

siyang sa canila ay sumasaclolo

caya n~ga ang hiling n~g Reyna'y sundin mo.

Siya ang lubos mong sampalatayanan

n~g taos sa puso at siyang tauagan,

at nang upang ating camtan ang tagumpay

sa ang campon mo po'y bigyang catapan~gan.

Matapos ang gayong man~ga pan~gun~gusap

ang ulo nang Hari tambing itinaas,

man~ga vasallos niya ay cusang namalas

na nagtatacbuha't ang tun~go'y sa gubat.

Ipinagtatapon ang man~ga sandata

at nag-uunahang man~gagtago sila,

sapagca't maraming nan~gapapatay na

na nalulugami sa pakikibaca.

Caya n~ga ang luha niya ay dumaloy

sa pagcapahamac nang caniyang campon,

pinasisimulan na ang man~ga pagtaghoy

at pamimintuho sa Dios na Poon.

Mataimtim niya na sinasamahan

nang sampalatayang totoong matibay,

na taos sa pusò niya't calooban

gayari ang uicang man~ga sinasaysay.

¡O Pan~ginoon co aniyang Jesucristo

na Anác nang isang Dios na totoo,

icaw ang sinasampalatayanan co

at lubos ang aking pag-asa sa iyo.

Icaw ang madalas sa aking iaral

nang aking asauang tunay na binyagan,

cung nang una kita'y tinanguihan man

n~gayon ang Dios co'y uala cundi icaw.

Lubos na lubos n~gang umaasa aco

sa mahal mong aua't tunay na saclolo,

yamang ang sinomang paampon sa iyo

sa casacunaa'y itinatangol mo.

Caya sumasamong lauitan mong habag

acong lumulun~goy sa mahal mong harap,

yayamang sa man~ga pan~ganib at sindac,

capangyarihan mo'y siyang nagliligtas.

Lin~gapin mo na po't iyong isangalang

sa hucbong maban~gis na aming caauay,

taos sa pusò co na inaasahan

ang mahal mong graciang aming macacamtan.

Mabalino ca po't iyong timauain

ang napipipilang calagayan namin,

yamang sa dunong mo'y ang balang ibiguin

ualang caliuaga't mangyayaring tambing.

Pahayag nang aking asaua ay gayon

caya n~ga sa iyo'y humihin~ging tulong,

sa iligtas mo po't huag ding masahol

sa man~ga cabacang mahiguit sa leon.

At ang cabagsican ay magsipang-lumay

niyong mababan~gis na aming caauay,

at tunay pong aco ay magbibinyagan

sampon nang lahat cong nan~gasasacupan.

Ualang salang sila'y patatangaping co

nang tubig na mahal nang Santo Bautismo

matibay na aking pan~gaco sa iyo

caya po iligtas sa sacunang ito.

Lahat n~g anito'y aking tatalicdan

at ang man~ga Dioses ay gayon din naman,

at uaualin co na silang cabuluha't

ang sasambahing co'y uala cundi icaw.

Ipaguiguiba co ang lahat nang Templo

at man~ga mezquita n~g tanang Idolo,

sa buong cahariang nasasacupang co

sampong Altar nila'y gagauing cong abó.

Saca ang canilang lahat na larawan

ipamumunglay cong ualang caliuagan,

ualang ititira ni cahit isa man

at magbabago na acong calooban.

Matapos ang gayong man~ga panalan~gin

ang vasallo niya'y muling tinanaw rin,

ay nakita niyang nan~gagsipagtiguil

ang man~ga cristiano't tapang ay nagmaliw.

At uala mang utos yaong puno nila

ay nan~gagsiurong silang parapara

sa tayo n~g dating calagayan nila

niyong pasimulan ang pagbabatalla.

Makita ni Clovis yaong pagcabigla

nang sa Dios bagang man~ga pagcaaua

lalo nang nalubos ang paniniuala

sa capangyarihan nang Amáng lumic-ha.

Cusang nanaimtim na n~ga sa puso niya

yaong matibay na pagsampalataya,

na tutupdin niya na ualang pagsala

ang man~ga pan~gaco na di mag-iiba.

Tanang vasallos niya'y tinipong madali

at sa caharian sila'y nagsioui

marami mang búhay yaong nalugami

n~guni't ang nanalo'y sila rin sa uri.

Nang sila'y dumating sa Reyno n~g Francia

ay agad sinabi sa sintang asaua,

malabis ang toua nang mahal na Reyna

sa himalang yaon n~g Dios na Amá.

Lalo nang sabihing siya ay tatanggap

nang Santo Bautismo't cusang pagbibinyag,

caya't sa Borgoña'y agad nagpatauag

n~g isang Obispong cabanala'y ganap.

Di lubhang nalao'y dumating sa Francia

banal na Obispo na si Rami baga,

niyong maharap na sa mahal na Reyna

boong cagalacang nan~gagbati sila.

Ang uica n~g Reyna sa Obispong mahal

ang Hari po'y iyo n~gayong pan~garalan,

na ipakilala ang Dios na tunay

sapagca't tatangap nang pagcabinyagan.

Kinacailan~gan mo pong ipatalos

ang man~ga tadhana at utos nang Dios,

at sa puso niya'y ikinintal na lubos

yaong sa cristianong man~ga sinusunod.

Sa Obispo namang sinunod pagdaca

tanang cahilin~gan nang mahal na Reyna

at mahinahong pinan~garalan niya

ang mahal na Hari nang yamang maganda.

Ipinatalastas yaong bagay-bagay

na dapat asalin nang cristianong tunay,

at ang isang Dios na ualang capantay

na lumic-ha nitong boong santinacpan.

At bagaman turing na tatlong Persona

ay ang pagca Dios nila ay iisa,

ualang huli't una naman sa canila

at saca uala rin macapapantay pa.

Siya n~ga ang Hari nang lupa at lan~git

na sa carunun~ga'y ualang cahalilip,

siya ring sumacop sa guinauang lihis

ni Ada't ni Evang naraya ang isip.

Uala ring gagauing maliuag na bagay

sa caniya't yari balang maibigan,

siyang nagbibigay nang caparusahan

nang sa man~ga utos niya'y sumusuay.

At ang gumaganti naman ay siya rin

nang lan~git, sa man~ga may gauang magaling

sa caniya nama'y ualang nalilihim

maguing gaua't uica't iniisip natin.

Nang talos n~g lahat n~g Haring maran~gal

ang bagay na dapat sampalatayanan,

uica n~g Obispo'y iutos mo naman

na magpatayo ca nang man~ga Simbahan.

Sa boong cahariang nan~gasasacop mo

baua't isa'y lagyan niyong Bautisterio

na pagbibinyagang laan sa cristiano't

siyang cailan~gan ang bagay na ito.

Tuloy mo rin namang palagyan n~g Altar

ang ipatatayong lahat nang Simbahan,

doon sasambahin nang boong pag-galang

ang Dios na Amang macapangyarihan.

Palagyan mo namang larauan ang lahat

nang cagalang-galang na Santa Trinidad,

na sila ay tatlo sa pagca Personas

at sa pagca Dios ay iisang ganap.

Nang araw ring yao'y nagpatauag naman

nang magsisigaua nang man~ga Simbahan

at nang dumating na uica'y pasimulan

ang Simbaha'y gaui't aking cailan~gan.

Cayo ay humanap n~g maraming tao

sa dagling panahon ay yariin ninyo,

at cung matapos na ang hiling cong ito

sa lahat nang baya'y magtatayo cayo.

Ang gagauin ninyo ay pacatibayin

at lalong maganda na pacarikitin

at saca ang Altar naman ay gayon din

at doon ang lahat ay mananalan~gin.

Cahi't bayang lalong na sa cabunducan

ay tatayuan din nang m~ga Simbahan,

at tayong lahat ay man~gagbibinyagan

at ang pagca gentil ay ating iiuan.

Sapagca't cung hindi sa totoong Dios

aco, dumalan~gin nang buong pagluhog,

nalipol marahil ang tanang soldados

at ang ating Reyno ay naguing busabos.

Gayong pagtauag co sa ating Dioses

nang ang ating hucbo ay nasa pan~ganib,

ang man~ga cristiano'y lalong bumaban~gis

at hindi maglubay nang pamimiyapis.

Nang ang tauaguing co'y Dios nang binyagan

ay biglang humupa yaong catapan~gan,

nang man~ga cristiano't agad tiniguilan

ang marahas nila na man~ga pagpatay.

Doong co natantong pauang sinun~galing

ang man~ga Idolong sinasamba natin,

caya mula n~gayo'y ating lilisani't

Dios nang cristianong ating sasambahin.

Tanang inutusa'y agad nagsilacad

hiling na Simbahan ay guinauang agad,

ang Haring si Clovis ay moling nag-atas

noon din sa man~ga campon niyang lahat.

Na huag maliban at sunuguing pilit

ang Templo't mezkita nang lahat nang Dioses,

at tanang Idolo't tadhanang mahigpit

magpahangang bundoc ay pugnauing tikis.

Pagcapalibhasa'y Hari ang nag-utos

tanang inutusa'y agad nagsisunod,

ang man~ga Dioses at Templo'y sinunog

sa lahat nang lupang cay Clovis na sacop.

Saca nang mayari naman ang Simbahan

ang Haring si Clovis doon ay naglacbay,

casama ang lahat nang caguinoohan

at siya'y tumangap nang pagcabinyagan.

Obispong S. Rami ang siyang buminyag

sa mahal na Haring nagtamo nang palad,

at si Clodoveo n~galang itinauag

nang pagca cristianong caniyang tinangap.

At nang papahiran nang mahal na crisma

na ayon sa utos nang Santa Iglesia,

ay isang himala ang nakita nilang

biyayang caloob nang Dios na Amá.

Isang calapating sa lan~git nagmula

na sacdal nang puti na catua-tua,

na sa loob niyong Simbahan bumaba

at isang redomo ang taglay sa tuca.

Na punó nang lana, ó crisma ang tauag

na pauang nakita nang naroong lahat,

sa loob nang Templo, caya't natalastas

ang himalang yaong canilang namalas.

Siyang ipinahid nang bunying Obispo

sa mahal na Hari na si Clodoveo,

ang crismang sa lan~git nagmulang totoo

na padala niyong Amang masaclolo.

Ano pa't nabantog sa boong caharian

ang himalang yaon nang Dios na mahal,

na kilala nila ang capangyarihan

nang tunay na Dios na ualang capantay.

Caya n~ga't ang tanang guinoo sa Francia

pinagcayariang sang-usapan nila,

ang balang mag Hari na sinoman siya

siyang gagamitin ang himalang crisma.

Mula noo'y siyang naguing calacaran

na sa maghahari gagamitin lamang,

yaong n~ga ang siyang pinagcaratihan

mula pa sa unang nayaring usapan.

Caya't magpan~gayon ay naroron pa

redomang sa lan~git ay nangaling bagá,

na kinalalagyan nang mahal na lana

doon cay S. Raming Simbahang talaga.

Ang mahal na Hari ay nang mabinyagan

yaong boong Reyno'y isinunod naman,

ipinaunauang lubhang malumanay

ang man~ga biyaya, niyong calan~gitan.

Doon sa pagtangap nang agua Bautismo

na caugalian nang man~ga cristiano,

na ang pagbibinyag ang tandang totoo

na nasa loob nang bacuran ni Cristo.

Siyang pumapaui niyong casalanan

na mana sa Nunong cay Eva't cay Adan,

at ipagtatamo niyong calan~gitan

na cung baga banal na sila'y mamatay.

Gayon din ang madlang utos na susundin

at ang cababaang loob na gagauin,

na nauucol n~gang dapat ugaliin

at ang man~ga kilos na sucat asalin.

Dapat naman nilang pain~gat-in~gatan

ang ayos at bucang bibig na mahalay,

at yaon ang siyang kinasusuklaman

n~g Dios na ualang hangang carunun~gan.

Cailan~gang sundin n~g man~ga cristiano

ang aral na lagda n~g Poong si Cristo,

nang panahong siya'y dirito sa Mundo

na magagaling na capalarang nalo.

Ang pagcacasala'y ating catacutan

at di nating talos yaong camatayan,

cung tayo ay datning na sa salang mortal

hirap sa Infierno ang pilit cacamtan.

Cung culan~ging palad na doon mabulid

ay ano pa caya ang mapagsasapit,

gaano mang gauing sisi at pagtan~gis

ay uala nang daang doo'y macaalis.

Haring Clodoveo ay nang binyagan na

at maguing cristiano yaong boong Francia,

doon nila lubos na napagkilala

ang man~ga ugali't kilos na maganda.

Doon din n~ga naman nila nasunduan

ang tunay na landas nang capayapaan,

at sila ay tambing namang kinasihan

n~g gracia nang Dios na Poong Maycapal.

Sampong man~ga bata'y guinising ang loob

pagdaca sa gauang umibig sa Dios,

cung matutuhan na'y saca isusunod

yaong paghahanap buhay na maayos.

Hindi nagnanasa sila niyong pilac

na ang pagmumulan ay masamang hanap,

at kinikilalang sa Dios sy labag

ang ganoong gauang di carapatdapat.

Di masayod yaong canilang catuaan

sa pagsusunurang lubhang malumanay,

at ang mapayapa nilang pamumuhay

sa pagca-cristiano'y cusang nasumpun~gan.

Nacaaakit pang lalo sa canila

ay ang cahinhinan n~g mahal na Reyna,

at ang cabaitan nilang nakikita

ang siyang totoong nacaliligaya.

Gayon din ang Hari na si Clodoveo

na naguing uliran n~g lahat n~g tao,

sa binilóg bilog nang canyang Reyno

yaong cabutihang loob na totoo.

Iisang caniyang palagay sa madla

maguing sa mayaman at sa lalong duc-ha,

sa man~ga may dan~gal maguing sa timaua

ay uala isa mang turing na inaba.

Sabihin ang toua nang lahat nang sacop

sa cay Clodoveong magandang pasunod,

caya n~ga't ang Francia'y totoong na bantog

niyong cabaitan umibig sa Dios.

Ang Hari't ang Reyna'y nagcaisang tunay

nang canilang taglay na caugalian,

at cung mag-utos man sila'y malumanay

sa lahat nang campong nan~gasasacupan.

Mulang yaong Francia ay maguing cristiano

ay naguing kilabot niyong man~ga moro,

at cusang natanyag ang pagca-guerrero

lalo nang mag Hari ay si Carlomagno.

At si Clodoveo'y nang tumanda na siya

ang corona't cetro ay isinalin na,

doon n~ga sa Anác niyang sinisinta

na bunying Príncipe Sigesmundo baga.

Haring Sigesmundo'y namahala naman

na lubhang maayos sa nasasacupan,

at isa ring tan~gi na kinaguiliuan

nang lahat nang caniyang pinaghaharian.

Naguing Anác niyong Haring Sigesmundo'y

dalauang lalaking una'y Hilderico,

at ang icalaua'y Principe Pepino

na sila sa Francia'y bilang heredero.

Haring Sigesmundo ay niyong mamatay

si Hildericos ang humalili naman,

na ang Haring ito ay totoong banal

at sa Mundo'y hindi nahilig na tunay.

Caya hindi niya macalin~gang lubos

ang Reyno, at ualang laguing na sa loob

cundi ang dalisay niyang paglilingcod

sa di matingcalang darakilang Dios.

At nang manatili sa bagay na ito

ay pumasoc tuloy na mag Religioso,

at cusang linisan ang bagay sa Mundo

daang pa sa lan~git ang siyang tinun~go.

Yaong paghahari ay cusang linisan

nang mapambulos yaong calooban,

nang pananagano sa Dios na tunay

na may lic-ha nitong buong sangtinacpan.

At alam n~ga niyang ang lahat nang tao

ay ualang pagsalang iiuan ang Mundo,

ang dan~gal at yama'y cahima't gaano

lilisani't pauang catulad ay asó.

Capagbinaui na ang búhay na hiram

nang Dios na Amáng tunay na lumalang,

ang cahima't sinong ualang cabanalan

hirap sa Infierno ang cahahanganan.

Lahat namang yaon palibhasa'y talos

nang banal na Hari na si Hildericos,

caya n~ga't uinalang bahala sa loob

yaong pagca Hari't sa religio'y nasoc.

Upang ang pusò niya ay huag malibang

sa handog nang Mundong malicmatang layaw,

ay cusang lumigpit at nang masunduan

yaong ualang hanga na caligayahan.

Matanto nang tanang man~ga consejeros

yaong guinaua nang Haring Hildericos,

sila'y nagcatipo't nag-usap na lubos

nang dapat mag-Hari sa Reyno't mag-ayos.

Pinagca-isahan nang man~ga consejo

na mag Hari yaong Príncipe Pepino,

at ang casipaga'y ganap na totoo

sa pamamahala nang tungcol sa Reyno.

At sagana naman cung sa catapan~gan

caya't siya nilang pinagcaisahan,

nang magca-ayos na sa gayong usapan

sa Papa'y inisip na magbigay alam.

Caya't naghalal nang embajada't agad

na pinaparoon sa Papa Zacarias,

at ipinasabi cun alin ang dapat

na maghari bagang sa Reyno'y maghauac.

Na cung ang may tapang at cáyang sagana

at may tan~ging sipag sa pan~gan~gasiua,

nang Reyno, at ganap sa pagcacalin~ga

at di nagtataglay nang pagpapabaya.

Oh ang isang Haring na sa loob lamang

yaong pagca-hari't ang nasasacupan,

ay di calin~gai't pinababayaan

ayon sa pag-gaua niyong cabanalan.

Lumacad noon din yaong embajada

at agad humarap sa mahal na Papa,

at sinabi yaong utos sa caniya

na cung nararapat ang gagauin nila.

Na ang Hari nila na si Hildericos

sa pananalan~gin ay hilig ang loob,

lagui nang ang puso lamang ay sa Dios

ano pa't ang Reyno'y hindi maiayos.

Caya't ilinagay nang man~ga consejo

na Hari ay yaong Príncipe Pepino,

at may sadyang tapang ang Príncipeng ito

at masipag namang mag-ayos nang Reyno.

Yamang capua rin heredero sila

nang corona't cetro nang Reyno nang Francia,

caya ang consejo'y pauang nagcaisang

Príncipe Pepino'y siyang magcorona.

Matanto nang Papa ang ganoong saad

napaayon nama't cusang minarapat,

ang mapag-alaga aniya't masicap

sa Reyno, ang siyang ucol na maghamac.

At ang gumaganap nang pagca-justicia,

at sa nasasacop ay macalin~ga pa,

yaon n~ga ang siyang tunay na maganda

na mag-Hari't siyang lubos na may caya.

Casaysayan ng Catotohanang Buhay ng Haring Clodeveo at Reyna Clotilde sa Reyno nang Francia · 第 1 / 3 段