Nakalipas ang ilang buwan.
Minsang gabi tinipon ni Matandang Tacio ang m~ga kantores.
--Saan tayo paroroon po?--ang tanong n~g Maestro kantor.
--Tayo'y may ipagdarasal sa bahay ni Kumpareng Kulás.
--At sino pô ang namatay?
--Ang anak ko sa biniag.
--Kayo'y mauna na at ako lamang ay magdaraan dito sa tindahan n~g
insik at bibili n~g magagawang bisté, at baka di mayari.
--Sia n~ga pô; pabayaan ninio't kami ang bahala na pagdating doon.
At nagsiparoon nan~gang sabaysabay ang m~ga cantores, samantala'y may
isa sa kanilang na kapunang sa bayan pala nila'y pauang insik na
lamang ang may tinda at ang m~ga taga doo'y pauang mamimilí at
man~gun~gutan~gan na lamang sa m~ga iyon.
...............................................
Dumating ang m~ga kantores sa bunsuran n~g hagdanan n~g Kulas. Ang
ugaling pagpapatawo po ay sinagot sa itaas, sinun~gaw sila at
pinapanhik sa pagsasapantahang marahil ay haranista, sapagka't, doo'y
may dalaga. Nang nan~gauupô na'y ang maestro kantor ay humin~guing
tulot na makalapit sa dambana, nag sindí n~g kandila at pagkuwan ay
nagsiluhod na't nagsimula n~g isang Rosario Cantada. Lubhang
napamanghâ ang may bahay at di nakatiis si Matandang Akang na noo'y
paris din n~g dating hapong nakakainom n~g dalawang tagay, kaya n~ga
ang m~ga mata'y kukurapkurap at n~gamol ang pan~gun~gusap ay nagsabi:
--Ano ba't kayo'y nagdadasal dito?
--Aba!... Kami po'y pinaparito ni Matandang Tacio, at ipagdasal daw
namin ang inyong apong si Julio na kania namang anak sa binyag; kaya
po ...
--Ah!... Kayo'y m~ga wala n~g kinahahapan~gan kundi ang kung sino ang
mamatay, palibhasa't ... kayo'y kantores kulitis.
--Huag po kayong magkagalit at hindi po kayo ... kami ang may
kasalanan.
--Hindi; Kaya n~g huag tayong magkaligalig ay kayo'y umalis na dito.
At ang m~ga kantores ay di nan~ga nagulit at noon din ay umalis, tuloy
hinanap ang matandang sa kanila'y nag buyó sa gaiong kahihian. Sabihin
ang galit n~g maestro, na sarisaring balak ang sinasabi upang
makagantí.
.............................................
Dumating sila doon at napatawo sa bahay n~ga n~g matandang Tacio.
Sinun~gaw n~g asawa at pinapanhik.
--Juan!... ang pagdaka'y tawag n~g Matanda--ipasok mo dito yaang
mansanilia--Ako yata'y nabalis n~ga taga Lumay na kausap ko dito
kanikaniná--kaya ganito na ang sakit n~g aking tian; at nagsubsób nang
mabuti sa banig na hinihigan na itinitirik ang ulo sa unan, at
hinihilot naman n~g asawa ang tian n~g matanda.
--Baka pô nasin~gawan lamang n~g lupà ang ulit n~g Maestro kantor.
--Hindi; talagang balis ito, kaya ganito katigas ang tian ko parang
bato!... anang matanda....
Ang isa sa m~ga kasama ay pagkadinig n~g wikang "balis" ay
nagmungkahing umalis na sila at baka mahawa, di umano, samantala'y
inanyayahan sila ni Juan Hanipol n~g hitso't sigarilió.
Ilang sandalî ay ga tumahimik ang may sakit, at na katulog.
--Mabuti't wari po'y hinayhinay at tila nakakatulog, ay kami ay aalis
na--ang ulit na sabi n~g Maestro kantor sa asawa n~g matanda--sabihin
mo pô sa kania na kami ay sukó na.
--Bakit naman?
--Sapagka't pô nasabi namin na kami hindi na mauuli niyang
pagbibiruan ... ay eto't ... biro din.
Kaya n~ga tumpak na tumpak n~ga, sa atin ang sinabi n~g Director noon
magkainan tayo sa bahay ding ito; ang sabat n~g isang kasama, na,
Ang tawo'y di n~ga sukat magsasabi
n~g tapos sa sinomang kapua lalaki
sapagka't kung ganito n~ga ang siang mangyari
kahihiyang lubha sa atin ding sarili.
At nagsipagpaalam na ang lahat. Ang magasawa naman ni matandang
Taciong Bakal sampon ni Juang Hanipol ay hindi magkangmamayaw n~g
pagtatawanan, dahil sa m~ga nangyaring yaon.
Kaya; kung minamainam mo ito guiliw kong kababayan, ay pakitandaan ang
m~ga nangyari; pulutin at itanim ang m~ga binhi n~g katwiran upang sa
araw na kailan~gan natin ay salo salo tayong magani n~g masarap na
bun~ga n~g kaguinhawahang inilaan sa atin n~g sa atin ay Kumapal.
At hangan sa muli po tayong magkita at sandaling magkaulayao paris
n~gaion,--Marami pong salamat sa inyo at ipagpaumanhin ang kulang nito
at n~g susunod, na pakahuhusayin upang panibagong mai handog sa inio.
=STANGL PRESS=
Tumatanggap ng mga gawaing nauukol sa limbagin na gaya ng Revista,
Nobela, Alegato, Membrete, Tarjeta, at iba't iba pa.
Sa halagang mura at madali ang pagkayari.
Dumalaw kayo rito sa aming pagawaan.