Kabite, mula n~g mapatay ang bayaning si Evangelista sa Sapote, n~g
ika 17 n~g Pebrero n~g 1897, ang pangkat na "Magdalo" ay umurong sa
San Francisco de Malabon at umanib sa pangkat na "Magdiwang." At upang
magkaroon n~g pagkakaisa sa pamamatnugot n~g paghihimagsik doon, noong
ika 12 n~g Marzo n~g 1897, ay nagdaos n~g isang pulong silang m~ga
nagsisibuo n~g dalawang pangkat upang itatag ang isang Pamahalaang
Tagapamatnugot n~g Paghihimagsik sa "casa-hacienda" sa Tejeros. Ang
nan~gulo ay si Andrés Bonifacio na rin. Bago idaos ang halalan n~g
m~ga magsisibuo n~g tinurang Pamahalaan ay ipinatalastas ni Bonifacio
na, anoman ang kalabasan, ay kaniang igagalang. Ginawa ang halalan at
ang kinalabasan ay itó: Emilio Aguinaldo, Pan~gulo; Mariano Trias,
Ikalawang-pan~gulo; Pan~gulong hukbo, Artemio Ricarte;
Taga-Pamatnugot n~g Digma, Emiliano Riego de Dios; at si Bonifacio ay
Director del Departamento del Interior. Si Bonifacio ay hindi tumutol
sa kinalabasan n~g halalan; n~gunit si Daniel Tirona, ay tumutol sa
pakakahalal kay Bonifacio, at ipinalagay na "dapat ihalal si José del
Rosario sa tungkol na pinaglagyan kay Bonifacio," pagkat ang taong
kanyang ipinalalagay ay "lalong maykaya kay sa napahalal, sa
tungkuling hahawakan." Dito, umanó, nagpakita n~g hinanakit at poot si
Bonifacio. Nagkaroon n~g m~ga kasulatan n~g pagtutol sa halalang
binanggit sa una. May m~ga tutol na linagdaan nina Andrés Bonifacio,
Procopio Bonifacio, Mariano Trias, Pio del Pilar, Artemio Ricarte at
Severino de las Alas. Makalipas araw, ay naapula rin ang tutulan at
ang isa't isa sa m~ga nahalal at sampu n~g m~ga pinunong sakop n~g
Pamahalaang yaon, ay paraparang nagsisumpa n~g kanikanilang tungkol.
Sa sama n~g loob, ang ginawa ni Bonifacio at n~g dalawa niyang
kapatid na sina Procopio at Ciriaco ay nilisan ang Kabite at
pumatun~go sa m~ga bundok n~g San Mateo. Sila'y hinabol n~g m~ga kawal
ni Aguinaldo. Napatay ang kapatid niyang si Ciriaco. Si Andrés
Bonifacio ay nagkaroon n~g tatlong sugat at siya'y binihag n~g m~ga
humabol sa kanila pati n~g isa niyang kapatid. Dinala sila sa Naik at
pagkatapos sa Marigundong. Tatló naman ang nasugatan sa nagsihabol.
76.--=At ano ang ginawâ sa kanila?=--Sa "Bundok Buntis" sila
inihantong. Isang "Hukom n~g Digma" ang itinatag upang ang magkapatid
ay mahatulan sa ibinubuhat na kasalanang umano silang dalawa'y
nagtatayo n~g isang lakas na isasalun~gat sa Paghihimagsik at
nag-sisiiwas sa Pamahalaan n~g Paghihinmagsik. Ang tinurang hukom, ay
pinan~gun~guluhan n~g binitay na si General Noriel at ang iba pang
nagsisibuó, ay siná Clemente J. Zulueta; Pedro Lipana, Juez
Instructor; Santos Nocon, Fiscal; at m~ga saksi ay sina Agapito Bonzon
at Pedro Sison. Ang tagapagtanggol ni Andrés Bonifacio ay si Teodoro
Gonzalez, na naging kalihim niya. Ang naging hatol n~g Hukuman ay
ipadala silang magkapatid sa pook n~g Look, Batan~gan, upáng doon sila
mamalagi. Datapwâ, dahil, umanó, sa matinding pagsalakay n~g hukbó n~g
m~ga kastila at sa mahigpit na kahilin~gan n~g marami na di kaayon ni
Bonifacio, ang magkapatid, ay binaril sa "Bundok Buntis," noong ika
"10 n~g Mayo n~g 1897," isáng araw bago mapasok n~g hukbong Kastilà
ang Marigondong.
Malaking pagdaramdam ang naghari sa lahat, n~g mabalitaan ang naging
wakás n~g buhay n~g Amá n~g "Katípunan." Gayon man, ay hindi rin
nagkapangkatpangkat ang m~ga kawal n~g Paghihimagsik at ang lahat ay
kumilala sa m~ga nahalal na pinunong nagsisipamatnugot n~g
Paghihimagsik sa ilalim n~g kataastaasang pan~gun~gulo ni Emilio
Aguinaldo. May m~ga ibá pang balita ukol sa nangyaring iyan kay
Bonifacio. Datapwa, sa ganang atin, ay maaring buuin ang m~ga
pangyayaring yaon ukol sa pagkamatay niya, sa ganitó:
Na, siná Bonifacio at m~ga kapatid ay hindi kaayon nina Aguinaldo at
m~ga kapangkat nitó at ang gayo'y pinagmulan n~g samaan n~g loob n~g
isá't isá;
Na, ang samaan n~g loob na yaon, ay tumimo sa puso ni Bonifacio,
pagkaraan n~g halalang ginawa n~g m~ga Tagapamatnugot n~g
Paghihimagsik;
Na, si Bonifacio ay humiwalay sa Pamahalaang yaon, at ayaw kilanlin at
sila'y lumaban sa humabol sa kanila;
Na, siya'y hinatulan n~g isáng sadyang Hukuman ukol sa m~ga panahong
yaon, at siya't ang kanyang kapatid, ay binaril sanhi sa m~ga
kadahilanang nabanggit na; at
Bagaman nangyari ang m~ga malulungkot na bagay na yaon, ang
Pamahalaang Tagapaghimagsik na binanggit, ay kinilala n~g m~ga
pinamamahalaan at n~g madlang kampon; at ang Paghihimagsik na siyang
pan~gunahing layon ni Bonifacio, ay naganap n~ga.
77.--=Anó ang palapalagay hinggil sa pakakapatay kay
Bonifacio?=--Hindi nagkakaisa ang lahat sa kanilang kuro at palagay
ukol sa pagkapatay na yaon sa Ama n~g ating Paghihimagsik.
Nagkakasalun~gatan at nagkakaibá. May nagsasabing tumpak at may
nagsasabing hindi. Si José Clemente Zulueta ang siyang, umanó,
nagsabi, na "Kailan~gan sa ikapagtatagumpay n~g Paghihimagsik ang
pagkapatay kay Bonifacio, n~g m~ga panahong yaon": at ang kilalang
mananalaysay na si Epifanio de los Santos, sa kanyang isinulat ukol
kay Bonifacio, na pinagkunan n~g ilang mahalagang salaysay n~g munting
aklat na ito, ay wari'y nagpapakilala n~g pagsang-ayon sa kuròng yaon
ni Zulueta; subali't si Mabini, ang Dakilang Lumpo, ay kasalun~gat.
Anitó sa kanyang talàang ukol sa Paghihimagsik:
"Sino mang sumuri--ang wika ni Mabini--ay walang matatagpuang
bahagya mang katwiran na sukat magpagaan sa inasal na yaon ni
Aguinaldo (kay Bonifacio). Si Andrés Bonifacio--ang patuloy--ay
dî maipalalagay na may mababang kakayahan at dunong sa sinoman sa
m~ga napahalal sa pulong na yaon, (halalan n~g ika 12 n~g Marzo,
1897) bagkús pa n~gang nagpakita n~g katalinuhan at kakayahang dî
karaniwan sa kanyang pakakapagtatag n~g "Katipunan". Lahat n~g
m~ga manghahalal ay paraparang m~ga kaibigan ni G. Emilio
Aguinaldo at ni G. Mariano Trias na nan~gagkakaisá, samantalang
si Bonifacio ay pinagaalinlan~ganan, bagama't nagpakilala n~g
isáng malinis na kaugalian, dahil lamang sa siya'y hindi tagá
Kabite; iyan, ang sanhi n~g kanyang hinanakit. Ganoon pa man, ang
paghihinanakit na ito ni Bonifacio ay dî niya ipinakilala sa
anomang marahas na pagtutol, at sa katunaya'y n~g makita niyang
sinoma'y dî nagsusumakit sa ikapagkakasundo nila, ay nagkasya na
lamang sa pagalis sa lalawigan n~g Kabite upáng tumun~go sa San
Mateo na kasama ang kanyang m~ga kapatid. Kung aalagatain na si
G. Aguinaldong nahalal na pinuno, ay siyang kaunaunahang dapat
managot sa dî paggalang at pagsunod sa Pan~gulo n~g "Katipunan"
na kanyang kinasasaipan; kung gugunitain na ang pagkakasundo nilá
ay siyang tumpak na lunas sa mahigpit at maselang katayùan n~g
Paghihimagsik, ang sanhi n~g pagkakapatay (kay Bonifacio), ay dî
maaring ipalagay kundî isáng han~garin lubhang nakasisirang puri
doon: sa ano't paano man ang gayong kapaslan~gan ay siyáng
kauunaunahang tagumpay n~g pagiimbot laban sa tunay na pagibig sa
bayan...."
Sa pagaalaalang baká hindî namin naisalin sa wikàng sarili ang tunay
na kahulugan n~g m~ga pan~gun~gusap ni Mabini, ay sipiin nating
buôngbuô ang kanyang sulat sa wikàng kastilà, na anya'y:
"La critica no encuentra justificación ni siquiera atenuante para
esta conducta del Sr. Aguinaldo. Andrés Bonifacio no era menos
instruido que cualquiera de los elegidos en la reunión
mencionada, y habia demostrado sagacidad no común organizando
el Katipunan. Todos los electores eran amigos de Don Emilio
Aguinaldo y Don Mariano Trias que estaban unidos, mientras que
Bonifacio era mirado con desconfianza, a pesar de haber
demostrado un carácter íntegro, solamente porque no era de la
provincia; asi se explica su resentimiento. Sin embargo esto no
se manifestó por ningún acto de violenta oposición, pues, viendo
que nadie trabajaba por la reconciliación, se contentó con salir
de la provincia para San Mateo en compañia de sus hermanos.
Cuando se considera que el Sr. Aguinaldo, jefe elegido, habia
sido el primer responsable de insubordinación al jefe del
Katipunan a que pertenecia como miembro: cuando se reflexióna que
la reconciliación era la única solución apropiada al estado
critico de la revolución, el móvil del asesinato no puede
atribuirse sino a sentimientos que altamente deshonran a aquel:
de todos modos semejante crimen constituye el primer triunfo de
la ambición personal contra el verdadero patriotismo...."
Sa harap naman n~g matipuno at may katulisang m~ga pan~gun~gusap na
iyan ni Mabini, ay naitó ang ilang katotohanan. Sa sariling taláan n~g
asawa ni Bonifacio, na ang sagisag ay "Lakambini," na ipinadala kay
Emilio Jacinto, ay sinasabing si Coronel Agapito Bonson, ay siyang sa
boong pitagan ay umanyaya sa kanyang asawa, "upang magawa ang
pakikipagkasundo," anyaya ito na tinanggihan ni Bonifacio. Si Antonio
Guevara naman, isá sa m~ga kaayon ni Bonifacio, sa isáng sulat, kay
Emilio Jacinto buhat sa Laguna, ika 3 n~g Mayo, 1897, ay nagsasabing
sina Coronel Intong at ibá pang puno ay nagsadya sa bahay ni
Bonifacio, upang hikayatin ito na mili n~g bayang ibig niyang
karoroonan n~g sa gayo'y huwag silang magkahiwahiwalay. Hindi
tinanggap ang gayong anyaya at payo, at sumagot n~g ganito:
"Patatawarin ninyo kundi ko matanggap ang inyong anyaya sa akin.
Di na ako manunumhalik kailan man, pagka't hindi ko na matitis
ang m~ga ginawâ sa akin. Una'y pinagdadamutan kami sa kakanin, at
¿anó ang aking gagawin sa m~ga balo't nan~gaulila, ang m~ga
anak at m~ga asawa, na nan~gatirá dahil sa labanan sa Malabon at
Nobeleta? Inaakala ko--ang patuloy--na kung sa inyó mangyayari
ang m~ga bagay na itó at buo ang inyong m~ga puso, kayo mang
iyan, ay aabutin din n~g yamot at hinawa. Ikalawa: naririnig ko
rian na akó raw ay isang taong walang kabuluhan dito sa lalawigan
n~g Kabite at sa gayo'y dapat akong huwág kilalanin. Sa ganito
n~ga, ang marapat ay lisanin ko ito, yayamang di mawawalan n~g
maaawa sa akin sa m~ga lalawigan n~g Maynilà, Bulakán al Nueba
Esiha." Ang sagot n~g m~ga kausap ay, "Kung gayon, ay kami'y
magsisiuwi na pagka't ang m~ga tao nami'y hindi pa nagsisikain."
Katotohanan din naman na, kung napipilan ang paghihimagsik sa
lalawigan n~g Kabite, ay nakaganti naman sa pagsalakay na ginawa sa
m~ga kaaway sa Batan~gan, Laguna, Rizal, Bulakan, Bataan, Nueba Esiha,
Kapangpan~gan, Tarlak, Pangasinan, at iba pa. Ito'y nangyari
pagkatapos nang mapatay si Bonifacio. Sa makatuwid, ang pagkakaisa ay
di nasira n~g gayong napakalungkot na pagkitil sa buhay n~g Ama n~g
Paghihimagsik. Parapara pang nan~gagkaroon n~g ibang tapang, ayon sa
m~ga nagawàng pagpapagupo sa hukbó n~g m~ga Kastila, na natatalá sa
Kasaysayan, hanggang sa napilitang kilanlin n~g pamahalaang kastilà
ang pamahalaan n~g Paghihimagsik sa tinatawag na kasunduan sa
"Biak-na-Bato."
Gaya n~g sinabi na, mahabang salaysayin ang buong pangyayari hinggil
sa pagkamatay kay Andrés Bonifacio. N~guni't sa ano't paano man, ay
minsan pang napatunayan na ang m~ga dakilang bayani n~g isang bayan o
n~g isang adhikang matayog na pangpatubós, katulad ni Andrés
Bonifacio, ay karaniwang namamatay sa "hindi talaga n~g Dios." At
napatunayan din naman ang pagibig sa Tinubuan n~g m~ga kawal n~g
"Katipunan" at gayon din n~g bayan sa pagsunod sa "iisang
pamamanihala," bagama't kinitlan n~g buhay ang nagsikap, nagmunakala
at nagsimulâ n~g Paghihimagsik, at iyang kalinisan n~g adhikà n~g m~ga
taong bayan sa pakikibaka dahil sa ikalalayà n~g lupang sarili, ay
napatampok hanggang sa naihatid sa tagumpay ang Bayan.
Samantala'y pabayaan na natin ang Istorya--na dî maàarìng magbulaan at
pabulaanan--na maalam maggawad n~g marahás na parusa sa sinomang sa
kanya'y magkulang, ang siyang magpasyá sa pagkamatay na iyan n~g
Dakilàng Dukhâ n~g ating Lahî.
78.--=May m~ga sulat bang naiwan si Bonifacio?=--Mayroon. M~ga
pahayag ukol sa paghihimagsik, "Ang dapat mabatid n~g m~ga Tagalog,"
"Ang Pagibig sa Tinubuang bayan," (tula) at iba pa. N~guni't ang
lalong pinakamahalaga, bukod sa palatuntunan at m~ga aral n~g
"Katipunan," at ang "Katungkulang gagawin n~g m~ga Anág n~g Bayan," ay
ang "Huling Paalam" ni Rizal, na kanyang isinatagalog sa gitna n~g
pagdadagundong n~g Paghihimagsik, na siyang inaawit n~g ating m~ga
kawal n~g sila'y nakikipaglaban sa Kastilà.
Naito ang pahimakas ni Rizal na isinatagalog niya:
=PAHIMAKAS NI DR. JOSE RIZAL=
Pinipintuho kong Bayan ay paalam,
lupang iniirog n~g sikat n~g araw,
mutiang mahalaga sa dagat Silan~gan,
kalualhatiang sa ami'y pumanaw.
Masayang sa iyo'y aking idudulot
ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;
maging marin~gal man at labis alindog
sa kagalin~gan mo ay akin ding handog.
Sa pakikidigma at pamimiyapis
ang alay n~g iba'y ang buhay na kipkip,
walang agam-agam, maluag sa dibdib,
matamis sa puso at di ikahapis.
Saan man mautas ay di kailan~gan,
cípres ó laurel, lirio ma'y patun~gan
pakikipaghamok, at ang bibitayan,
yaon ay gayon din kung hiling n~g Bayan.
Ako'y mamatay, n~gayong namamalas
na sa silan~ganan ay namamanaag
yaong maligayang araw na sisikat
sa likod n~g luksang nagtabing na ulap.
Ang kulay na pula kung kinakailan~gan
na maitim sa iyong liway-way,
dugo ko'y isabog at siyang ikinang
n~g kislap n~g iyong maningning na ilaw.
Ang aking adhika sapul magkaisip
n~g kasalukuyang bata pang maliit,
ay ang tanghaling ka at minsan masilip
sa dagat Silan~gan hiyas na marikit.
Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal,
taas na ang noo't walang kapootan,
walang bakás kunot n~g kapighatian
gabahid man dun~gis niyong kahihiyan.
Sa kabuhayang ko ang laging gunita
manin~gas na aking ninanasa-nasa
ay guminhawa ka ang hiyaw n~g diwa
pag hin~gang papanaw n~gayong biglang-bigla.
Ikaw'y guminhawa laking kagandahang
ako'y malugmok, at ikaw ay matanghal,
hinin~ga'y malagot, mabuhay ka lamang
bangkay ko'y masilong sa iyong Kalan~gitan.
Kung sa libin~gang ko'y tumubong mamalas
sa malagong damo mahinhing bulaklak,
sa man~ga labi mo'y mangyaring ílapat,
sa kaluluwa ko halik ay igawad.
At sa aking noo nawa'y iparamdam,
sa lamig n~g lupa n~g aking libin~gan,
ang init n~g iyong pag hin~gang dalisay
at simoy n~g iyong pag giliw na tunay.
Bayaang ang buwan sa aki'y ititig
ang liwanag niyang lamlám at tahimik,
liwayway bayaang sa aki'y ihatid
magalaw na sinag at han~ging hagibis.
Kung sakasakaling bumabang humantong
sa cruz ko'y dumapo kahi't isang ibon
doon ay bayan humuning hinahon
at dalitin niya payapang panahon.
Bayaan ang nin~gas n~g sikat n~g araw
ula'y pasin~gawin noong kainitan,
magbalik sa lan~git n~g boong dalisay
kalakip n~g aking pagdaing na hiyaw.
Bayaang sino man sa katotong giliw
tan~gisang maagang sa buhay pagkitil:
kung tungkol sa akin ay may manalan~gin
idalan~gin Báyan yaring pagka himbing.
Idalan~ging lahat yaong nan~gamatay,
nan~gagtiis hirap na walang kapantay;
m~ga iná naming walang kapalaran
na inahihibik ay kapighatian.
Ang m~ga bao't pinapan~gulila,
ang m~ga bilangong nagsisipag dusa:
dalan~ginin namang kanilang mákita
ang kalayaan mong, ikagiginhawa.
At kung ang madilim na gabing mapanglaw
ay lumaganap na doon sa libin~gan't,
tan~ging m~ga patay ang nan~gag lalamay,
huwag bagabagin ang katahimikan.
Ang kanyang hiwaga'y huwag gambalain:
kaipala'y marin~gig doon ang taginting,
tunog n~g gitara't salterio'y mag saliw,
ako. Báyan, yao't, kita'y aawitin.
Kung ang libin~gan ko'y limót na n~g lahat
at wala n~g kruz at batóng mábakas,
bayang lina~gin n~g taong masipag,
lupa'y asarolin at kanyang ikalat.
At m~ga buto ko ay bago matunaw
máowi sa wala at kusang maparam,
alabók n~g iyong latag ay bayaang
siya ang babalang doo'y makipisan.
Kung magka gayon na'y aalintanahin
na ako sa limot iyong ihabilin
pagka't himpapawid at ang pan~ganorin
m~ga lansan~gan mo'y aking lilibutin.
Matining na tunóg ako sa din~gig mo,
ilaw, m~ga kulay, masamyong paban~gó,
ang úgong at awit, pag hibik sa iyo,
pag asang dalisay n~g pananalig ko..
Báyang iniirog, sákit niyaring hirap,
Katagalugang kong pinakaliliyag,
dingin mo ang aking pagpapahimakas:
diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat.
Ako'y patutun~go sa walang busabos,
walang umiinis at verdugong hayop:
pananalig doo'y di nakasasalot,
si Bathala lamang doo'y haring lubos.
Paalam, magulang at m~ga kapatid
kapilas n~g aking kaluluwa't dibdib
m~ga kaibigan bata pang maliit
sa aking tahanan di na masisilip.
Pag pasalamatan at napahin~ga rin,
paalam estran~gerang kasuyo ko't aliw.
paalam sa inyo m~ga ginigiliw:
¡mamatay ay siyang pagkagupiling!
=KATUNGKULANG GAGAWIN N~G M~GA=
=ANAK N~G BAYAN=
(_Dekálogong sinulat ni Andrés Bonifacio_)
I
Ibigin mo ang Dios n~g boong puso.
II
Pakatandaang lagi na ang tunay na pagibig sa Dios ay siya ring pagibig
sa Tinubuan, at iyan din ang pagibig sa kapwa.
III
Itanim sa iyong puso na, ang tunay na kahalagahan n~g puri't
kaginhawahan ay ang ikaw'y mamatay dahil sa ikaliligtas n~g
Inang-Bayan.
IV
Lahat n~g iyong mabuting hangad ay magwawagi kapag ikaw'y may hinahon,
tiyaga, katwiran at pag-asa sa iyong inaasal at ginagawa.
V
Pagin~gatan mo, kapara n~g pagiin~gat sa sariling puri, ang m~ga pasya
at adhikain n~g K.K.K.
VI
Katungkulan n~g lahat na, ang nabibin~git sa malaking kapahamakan sa
pagtupad n~g kanyang tungkulin ay iligtas sukdang ikapariwara n~g
sariling buhay at kayamanan.
VII
Ang kaugalian natin sa ating sarili at sa pagtupad n~g ating tungkol
ay siyang kukunang halimbawa n~g ating kapwa.
VIII
Bahaginan mo n~g iyong makakayanan ang sino mang mahirap at
kapus-palad.
IX
Ang sipag sa paggawa na iyong ikabubuhay ay siyang tunay na sanhi n~g
pagibig, pagmamahal sa sarili, sa iyong asawa't m~ga anak, sa iyong
kapatid at m~ga kababayan.
X
Parusahan ang sinomang masamang tao't taksil at purihin ang mabubuting
gawa. Dapat mong paniwalaan na ang tinutun~go n~g K.K.K. ay m~ga
biyaya n~g Dios; na anopa't ang m~ga ninasa n~g Inang-Bayan, ay m~ga
nasain din n~g Dios.
(_Salin n~g nasa sa wikang kastila_)
=M~GA TALANG MATATAGPUAN SA AKLAT NA ITO=
=1521.=--Ika =26 n~g Marzo=, kaunaunahang pagdatal sa Pilipinas
n~g m~ga kastila.
=1863.=--Ika =30 n~g Nobyembre=, kapan~ganakan kay Andrés
Bonifacio.
1872.--Ika 28 n~g Pebrero, pagbitay kiná Gomez, Burgos at Zamora.
1892.--Ika 26 n~g Hunyo, paglunsad ni Rizal sa Maynila.
=1892.=--Ika =7 n~g Hulyo=, pagkakapabilanggo kay Rizal ni
General Despujol, sa Fuerza de Santiago.
=1892.=--Ika =7 n~g Hulyo=, pagkakatatag n~g "Katipunan."
1896.--Ika 1 n~g Enero, pagkakahalal sa m~ga magsisibuo n~g
Pan~guluhan n~g "Katipunan."
1896.--Ika 1 n~g Enero, unang labas n~g pahayagan n~g "Katipunan" na
ang pamagat ay "Kalayaan."
1896.--Buwan n~g Mayo, sinugo ni Bonifacio si Dr. Valenzuela kay
Rizal.
1896.--Ika 5 n~g Hulyo, sulat n~g pinuno n~g sibil na si Sityar sa
m~ga pinunong kastila sa Maynila.
1896.--Ika 5 n~g Agosto, paglunsad ni Rizal sa Maynila buhat sa
Dapitan.
1896.--Ika 5 n~g Agosto, tinangka n~g m~ga "Katipunan" na iligtas si
Rizal.
1896.--Ika 13 n~g Agosto, sulat n~g "cura" sa Sampiro kay Luengo.
=1896.=--Ika =17 n~g Agosto=, pulong na idinaos n~g "Katipunan"
sa "Kankong."
=1896.=--Ika =19 n~g Agosto=, pagkatuklas n~g "Katipunan" ni P.
Mariano Gil.
1896.--Ika 27 n~g Agosto, paglipat nina Bonifacio sa Balakbak.
1896.--Ika 28 n~g Agosto, pagkalagda n~g pahayag sa paghihimagsik.
1896.--Ika 29 n~g Agosto, pasyang pagsimula n~g paghihimagsik, na
iniuutos sa pahayag ni Bonifacio.
=1896.=--Ika =29 n~g Agosto=, pagkakalabanang mahigpit n~g m~ga
"Katipunan" at kawal n~g kastila sa Balintawak at iba pa.
=1896.=--Ika =30 n~g Agosto=, araw na ipinasyang pagsalakay sa
Maynila.
=1896.=--Ika =30 n~g Agosto=, ipinasya ni General Blanco na
gawing pook n~g digmaan ang m~ga lalawigang Maynila, Bulakan at iba
pa.
=1896.=--Ika =4 n~g Septiembre=, kaunaunahang m~ga ipinabaril
n~g m~ga kastila.
1897.--Ika 17 n~g Pebrero, pagkakapasok n~g m~ga kastilà sa Sapote.
1897.--Ika 17 n~g Pebrero, pagkapatay kay Evangelista.
=1897.=--Ika =12 n~g Marzo=, halalan sa "casa-hacienda" sa
Tejeros, Kabite.
1897.--Ika 24 n~g Abril, sulat ni Bonifacio kay Emilio Jacinto.
1897.--Ika 3 n~g Mayo, sulat kay Emilio Jacinto ni Antonino Guevara.
=1897.=--Ika =10 n~g Mayo=, pagkabaril kay Bonifacio at sa
kanyang kapatid na si Procopio.
=1897.=--Ika =4 n~g Agosto=, Kasunduan sa Biak-na-Bato.
1898.--Abril, pagsimula n~g digmaan n~g España at Estados Unidos.
1898.--Ika 1 n~g Mayo, pagkakapalubog n~g m~ga pangdigmang dagat n~g
m~ga amerikano sa m~ga pangdigma n~g m~ga kastila.
1898.--Ika 15 n~g Mayo, paglunsad ni Aguinaldo sa Maynila, buhat sa
Hongkong.
=1898.=--Ika =24 n~g Mayo=, pagtanghal n~g paghimagsik at
pagiging Dictador ni Aguinaldo.
1898.--Ika. 12 n~g Hunyo, pagkukatanghal n~g uri n~g Pamahalaang
sarili.
=1898.=--Ika =13 n~g Agosto=, pagsuko n~g Maynila sa m~ga
amerikano.
=1898.=--Ika =15 n~g Septiembre=, pagkakaraos n~g unang
kapulun~gang-bayan n~g pamahalaang sarili sa Malolos.
1898.--Ika 29 n~g Nobyembre, pagkakapagtibay n~g pan~gulong-batas
(Constitucion).
1898.--Ika 20 n~g Disyembre, paghinto n~g digmaan n~g España at
Estados Unidos.
1899.--Ika 4 n~g Enero, pagkakapagutos n~g Pan~gulong McKinley na
ipakilala sa m~ga pilipino ang kapangyarihan n~g Estados Unidos.
=1899.=--Ika =21 n~g Enero=, pagkakatatanghal n~g Republica
Filipina sa Malolos.
=1899.=--Ika =4 n~g Pebrero=, simula n~g labanan n~g m~ga
amerikano at pilipino.
1899.--Ika 6 n~g Pebrero, pagkakapagtibay n~g Senado n~g Estados
Unidos sa kasunduan n~g bayang ito at n~g España ukol sa Pilipinas.
=1901.=--Ika =23 n~g Marzo=, pagkakadakip kay Emilio Aguinaldo.
1901.--Abril, simula n~g hayagang pagpaparan~gal kay Bonifacio sa
daang Alvarado.
1902.--Pebrero, pagsuko ni General Lukban.
=1902.=--=Hunyo=, pagsuko ni General Malvar.
=1911.=--Ika =3 n~g Septiembre=, pagtatayo n~g bantayog sa m~ga
Bayani n~g 96.
1920.--Ika 30 n~g Nobyembre, paghaharap in Senador Lope K. Santos, n~g
bill ukol sa kaarawan ni Bonifacio na n~gayó'y batás na blg. 2946.
=1921.=--Ika =30 n~g Nobyembre=, simula n~g pagiging araw na
pan~gilin, alangalang kay Bonifacio.
* * * * *
Ang "Kartilyang Makabayang" itó, ay ginawâ sa pálimbagan ni Juan
Fajardo, daang Avenida Rizal 640, Santa Cruz, Maynila. Sinimulán ang
paggawa n~g ika 19 n~g Nobyembre n~g 1922, at natapos ang paglimbag
nang ika 27 n~g tinurang buwán at taón.
* * * * *
HALAGA:
P0.40 ang sipi
P. 060 ang sipi na
sadyang balat
Paraparang sadyang
papel
End of Project Gutenberg's Kartilyang Makabayan, by Hermenegildo Cruz