J. RIZAL

ANG “FILIBUSTERISMO”[*]

(KARUGTÓNG NG̃ NOLI ME TANGERE)

(Tinagalog ni PATRICIO MARIANO)

Masasapantaha kaagád, na, lihim na nágayuma ñg isáng FILIBUSTERO

ang kapisanan ñg mg̃a makapraile at mg̃a laban sa pagkakasulong,

upáng, sa pag-alinsunod na waláng malay sa mg̃a udyók ñg kaniláng

kalooban, ay makatulong at makapagpalusóg doon sa imbót na íisang

bagay ang linalayon: palaganapin ang adhiká ñg FILIBUSTERISMO

sa boong bayan at pananaligin ang lahát ñg pilipino na waláng

ibáng kaligtasan liban sa humiwaláy sa España.

=Ferdinand BLUMENTRITT.=

[*] Kung ihuhulog sa wikang tagalog ang salitáng FILIBUSTERISMO

ay lubhang hahaba ang pañgalan ñg aklát na itó at marahil ay

mangyaring hindi pa mawatasan ñg babasa, kaya’t hindi na namin

inihulog sa wika natin; ñguni’t ílalagáy namán ang katuturán

ó kahulugán ñg salitáng itó upang mabatíd noong mg̃a hindi

nakaaalam ñg kaniyang kahulugán.

FILIBUSTERO: Galing sa salitáng inglés na _freebooter_; itinawag

sa iláng mangdadambóng na lumagusaw sa karagatang Antillas,

América, niyong 1700.--FILIBUSTERO din ang tawag sa mg̃a taong

nag-uusig na mápahiwalay sa España ang mg̃a lupaíng sakop nitó,

sa kabilá ñg mg̃a dagat, kayá’t ang salitáng FILIBUSTERISMO

ay waláng ibáng kahulugán kun di ang adhikáng pag-usígin ang

paghiwaláy sa nakasasakop.--P. ng̃ T.

=UNANG PAGKAKÁLIMBÁG.=

=MAYNILA=

=Limbagan at Aklatan ni I. R. Morales,=

Liwasang Miranda, 11–13, Kiyapo

=1911.=

[Larawan ng̃ may-akdâ]

[Lagdâ: José Rizal]

Ang "Filibusterismo" (Karugtóng ng Noli Me Tangere) · 第 2 / 78 题