Agong.--Pakatantoin mong sa tangapi't hindi sa oras na ito'y
hindi makikimi itong aking puso.
Soledad.--Ikaw'y namamali at di matutupad ang lahat mong
mithi.
_Susun~gaw sa bintana si Vico_.
Agong.--Ang sabing mataas huag ipan~gahás ang lahat kong nais
pilit matutupad.
Soledad.--Matutupad mo n~ga't ani mo'y malakás ang m~ga bisig
mo; ¡lalaking ...!
Vico.--¡Pan~gahás!
Agong.--Sa n~gayon n~gayon din iyong tatangapin ang lahat
kong impok nanasang pag-guiliw, at hindi ang hindi _anyong yayacapin_.
Soledad.--¿Iyong pipilitin?
Agong.--Oo, oo, oo.
Soledad.--¡Ah lahi kang taksil!
Ang lahat n~g ito ay iyong asahan
masusunod mo n~ga kung ako ay patay
_Dudukutin ang punyal_ n~guni't kung hindi
ang kasasapitan
dito ay babaha _anyong sasaksakin, biglang
lalabas si Ludovico pipigilin ang kamay ni
Soledad_.
Vico.--Isalong ang punyal.
¡Itago ang punyal baca madun~gisan!
Sayang ang punyal mo na magkakadun~gis
pumatay sa isang gaya nitong ganid
mabuti pa ang hayop hindi nangagahis
gaya nitong tigre, hantik sa limatik.
Sayang nitong aking m~ga pagtatapat
n~g pakikisama sa gaya mong oslak
sayang ang n~galan mong sa baya'y natanyag
ang kapurihan ko'y di mo na nilin~gap.
Ano pa't ang ukol marapat na gawin
sa isang gaya mo, ang huag batiin
pagka't kawan~gis ka n~g hayop na kambing
kahit anong damo ay ibig lamunin.
¡Huag matigagali ikaw ay man~gusap
matapang sa musmos, duag sa malakas
ibig mong mag-apô sa pipe at bulag
duag, dun~go, kimi, sa nakákasukat.
Agong.--Huag palabisin ang pananalita at n~g di sa dugo dito
ay bumaha.
Vico.--¿Ano ang tinuran?
Agong.--Ikaw ay gumawa _dudukot n~g punyal_.
Vico.--Ikaw pa ang matapang ...
Agong.--Wala kang hiya. _Lalabas na biglang bigla si Bacocoy
at si Pedro_.
Ang dalawa.--Ikaw ang lalong walang hiya _sasakalin si Agong
n~g dalawa maglalabasan ang m~ga obrero may m~ga dalang garrote_.
Agong.--Bakokoy ¿bakit ka nakapan~gusap?
Bakokoy.--Bakokoy, isip mo yata ako'y pipe, kaya pala ibig na
ibig mong makisama sa akin dahil sa ako'y pipe, kawikaan mo'y kahit
anong gawin mo'y masusunod mo ang ... pag-aapô-apoan, mula n~gayon
iwala mo na sa isip mo ang pang-uulol at nahahalata ka na.
Agong.--Pedro, tio Pedro huag mo akong sakalin.
Pedro.--Tatawagin mo pa akong tio Pedro ganyan pala ang ugali
mo, wala kang ibig úlulin kundi ang pinakikinaban~gan. Hoy tignan mo,
dahil sa iyong kasamaan kita ay kina-aawaan, pagka't anong magagawa ko
talaga n~g palang masama ka.
Juan.--Maraming kuntil butil ¿lalantakan ko na po? _aambaan
n~g hampas n~g garrote_.
Vico.--Huag, huag at marurumihan ang inyong dan~gal na
sumakit sa gaya niyan, ang marapat na gawin dayukdukin sa hapis at
saka bayaan.
Pedro.--Kung gayon alsa tayong lahat. _Babalaan at waring
mag-aalisan_.
Agong.--¿Saan kayo magsisiparoon?
Bakokoy.--Huag mo na kaming habulin n~g hindi ka mapahamak.
_Lalabas si María may dalang ilaw_.
Maria.--¿Sinong pan~gahas iyan?
Agong.--Ako Maria.
Maria.--Ah, ikaw pala, n~gayon ka lamang namin nakilala kaya
pala ibig na ibig mong ikaw ay susundin, ¿ha? taksil, baliw,
talipandás, balawis, ganid, halimaw, lilo; sukab, ulupong at ... ¿Ano
pa ba ang masamang na sa diccionario, para maitumbas ko sa sama n~g
tawong iyan? ¡Wala na! Husto na, kaya ... Bakokoy, Pedro, Juan. Handa
kayo. _waring aambaan n~g tatlo si Agong_. Susunod ka sa bawa't
ipag-utos namin. Sapagka't kami ang madalas sangkalanin n~g iyong
pagka lanuang dahil sa mabuti kang manghin~gi n~g contribución,
ganitong gawin mo, _isasahod ang caliwang camay_, sapagka't ikaw ang
malimit umapi sa kababayan mo, ganitong gawin mo, _isusuntoc ang
canan_ ipagpalagay mong ako ang bayan _Luluhod si María sa harap ni
Agong_.
Lodovico.--Kilanlin ang apô ayaw makisama
kung hindi sa pawang mauulol niya
mag mula sa n~gayon idilat ang mata
pagka't daig nito ang m~ga bívora.
Ating pamangkaan matingkalang bilin
n~g bantog na Rizal tumubos sa atin
kailan man anya at walang alipin
walang manglulupig walang mananaksil.