Bakokoy.--Sino naman kaya ito. _Kukumpas n~g pagalang._

Soledad.--Iyan ay bagong pasok lamang dito.

Vico.</sc.--Bakit kukumpas kumpas.

Soledad.--¿Bakit, kailâ pa ba sa iyo ang pag uugali niyang

kasama mo? ayaw makikisama kundi sa m~ga inútil, iyan ay pipe.

Vico.--Pasiensia hija iyan ang ugali niyan ¿anong magagawa

natin?

Soledad.--Magpahin~galay ka.

Vico.--Oo n~ga _aalis_.

Soledad.--¡Oh Bathala!

Tulun~gan mo akong makapagpamalay

sa aking asawa m~ga kagagawan

n~g kanyang kasama; na may asal banday

sa udiok n~g nasang lubhang tampalasan.

Sugat na maantak n~g sariling puso

ang bigyang damdamin asawang kasuyo

ang bagay na ito'y kungdi ipatanto

masasabing akoy.....

Bokokoy.--Daig kong napako.

Vico.--_Sa loob._ Soledad.

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 26 / 50 题