Pedro.--Naito siya't dumarating _Patakbong aalis._

Agong.--Ay! Soledad!

Soledad.--Aba bastos na tawo ito, hindi na kayo nahihiya,

kahit may tawo.

Agong.--Diyan ay huag kayong mag-alaala, pagka't tan~gi sa

iyan ay pipe, bin~gi pa ¡Ay Soledad!

Soledad.--Di ka na nan~gimi sa aki'y maghain ¿n~g iyong

pagsinta? ¡may lahi kang taksil!

Agong.--¿Maging sala kaya ang gawang gumiliw?

Soledad.--Sukat na, sukat na,

may dilang matabil.

Dapat mong lin~gapin

ang aking asawa

marunong mag tapat

sa pakikisama,

maguing araw gabi,

tanghali't umaga

trabaho ang ibig

upang guminhawa.

Bagá man sakali iyong namamálas

sa ibang babae ang ugaling judas

ako naman sana'y huag mong itulad

tatampalin kita....

Bakokoy.--Frefeta Jeremias.

Agong.--

Huag maguing tampal sukdang maging suntok

titiisin ko rin taglay n~g pag-irog

kahit sa n~gayon din buhay ko'y matapos

iibiguin kita.

Bokokoy.--Santo Nicodemus.

Agong.--Ako'y kilanlin mo sa bayan ay tanyag bawa't nasain

ko'y nasusunod agad.

Soledad.--Kung magkaganito matwid ay baligtad, n~guni't huag

gawin sa nan~gadidilat.

Agong.--Pag-ibig ko'y tuloy, hindi magagatol pagka't akong

apô....

Bokokoy.--Malapit lumindol.

Agong.--Ang kahit bumaha n~gayon din n~g apoy, ini-ibig kita

_yayakapin._

Soledad.--_Iilag_ Ah, lahing Faraon.

Dika na nahiya n~g asal mong iyan

isang may asawa iyong pan~gahasan

bulok ang puso mo, may lahing halimaw

di ka na natutong magbigay pitagan.

Agong.--Itong pagsinta kong nakintal sa dibdib hindi maaampat

ano mang masapit ang yakap kong ito, hulog na n~g lan~git hahagkan pa

kita....

Soledad.--Halimaw, balawis. Wala kang damdamin tawong walang

wasto: marun~gis ang dibdib maitim ang puso: darating ang araw noong

pagka pugto n~g gaya mong sakim mapag apô-apô. _Tatampalin pagkatampal

aalis patakbo._

Bokokoy.--Aray....

Agong.--¿Nakita mo ang guinawa sa akin? _Pakumpas_.

Bokokoy.--Ong ... _pailing-iling_.

Agong.--Huag kang magsasabi kanino man _pakumpas aalis si

Agong sapolsapol ang mukha biglang tatawa si Bokokoy pagkaalis._

Bokokoy.--Walang hiya pala itong apô-pô namin dito.

_Darating si Lodovico lalabas sa fondo at si Soledad sa kaliwa._

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 22 / 50 题