Bokokoy.--_Ikukumpas na limang piso._

Pedro.--Límang piso daw.

Agong.--Comforme ako, hoy _tatampalin sa balikat kukumpasan

n~g kahit anong makita huag sasabihin_ huag mong sasabihin ¿ha?

Bokokoy.--Ong.... _tatan~gotan~go_.

Agong.--Tio Pedro, anong sagot ni Soledad?

Pedro.--Tio Agong, pillo ka pala naghain ka pala n~g pag-ibig

kay Soledad.

Agong.--He, he, he.... Saragate ka tio Pedro, marahil

binuksan mo ang sulat.

_Sa tuina't magtatawanan ang dalawa makikitawa si Bokokoy._

Pedro.--Hindi ko binubuksan kung di binasa sa akin ni

Soledad, dahil sa kilala ni Soledad na marunong akong magkubli n~g

lihim, samantalang kanyang binabasa dinadasal ko naman ang sampung

utos n~g Dios, n~g marinig niyang ang ika anim na utos n~g Dios na

huag makiapid sa may asawa namun~gay ang mata, saka tumawa n~g lihim

kaya't tila tinatangap na ang iyong pag-ibig _magtatawanan

maquiquitawa si Bakokoy._

Agong.--Hoy, ¿bakit ka tumatawa?

Pedro.--Talagang ganyan iyan, pagnakakita n~g tumatawa

nakikitawa din ha, ha, ha ... _Tatawa si Pedro makikitawa si Bokokoy_

nakita mo na di nakikitawa naman.

Agong.--Aba sien~ga a, dahil sa ang aking pagkaalam, ay

tungkol pipe, siempre bin~gi.

Pedro.--Oo n~ga bin~gi n~ga iyan sa iyon ang kanyang ugali,

pag nakakita n~g tumatawa nakikitawa, anong magagawa natin: tawanan

mo; pag hindi ka tinawanan talo ako.

Agong.--Hoy, _n~gin~giti si Agong n~gin~giti din si Bokokoy,

hahalakhak si Agong hahalakhak din si Bokokoy._

Pedro.--Kaya wala tayong dapat katulun~gin sa pagligaw mo kay

Soledad kung hindi iyan.

Agong.--¿Saan naroroon si Soledad? _lilin~gon si Pedro

masusuliapan si Soledad na lumalabas._

Apô-Apô (Zarzuela) at Kung Sinong Apô-Apô (Kasaysayan) · 第 20 / 50 题