Bokokoy.--Magandang araw po.
Pedro.--¿Sino?
Bokokoy.--¿Sino puba ang amo dito?
Pedro.--¿Bakit?
Bokokoy.--Ibig ko pu sanang manilbihan.
Maria.--¿Baka hindi ka makatatagal dito?
Bokokoy.--Tatagal po.
Pedro.--N~g akoy maligtas sa m~ga basagulo ipasok ko ito, hoy
¿ano ang pan~galan mo?
Bokokoy.--Bokokoy po.
Pedro.--Dito'y talagang nan~gan~gailan~gan n~g alilà,
datapua't isang alilang pipe, dahil sa ikaw ay hindi pipe tuturuan
kitang maging pipe, pagka't ang amo dito ay ayaw makikisama kung hindi
sa pipe, bulag, at kimaw na gaya ko; ako man ay hindi rin kimaw
nagkikimawkimawan lamang ako, o tignan mo.
_Biglang hahampasin sa tiyan si Bakokoy._
Bokokoy.--Aray, ha ha ha.....
Pedro.--¿Bueno, ibig mo? iyan man hindi rin bulag.
Bokokoy.--Opo.
Pedro.--Pag sinabi sa iyong ganito _ikukumpas ang kumay sa
mukha_ babayi ang kailan~gan _kukumpas uli_ pag ganito lalaki.
Bokokoy.--Opo.
Maria.--Mabuti, insayuhin mong mabuti iyan at papasok ako
dito sa loob _aalis_.