PASIMULA

Sa tapát n~g nasang namuco sa dibdib,

tapát na pagsintang namahay sa isip

na maipahayag canilang sinapit,

tanang guni-guni'y linupig na tiquís.

Cusang pinatuloy tumiim sa hagap

ang pinanghauacan ang nanasang liag

may ganáp na bait camahalang in~gat,

macapagpupuno sa caculan~gang lahat.

Ito n~ga't hindi iba tunay dinaanan

n~g canilang «búhay» sa Mundong ibabao,

na cusang natapos sa abang bitayan,

sa pagsintang lubós sa tinubuang bayan.

Sila't hindi iba m~ga sacsing tapat,

unang «monumento» ng pagpapahamac

niyong m~ga fraile sa cainguitang caguiat

n~g dunong at yaman tubong Filipinas.

Sila namang tunay ang unang larauan

na dapat tularan nating calahatan

sa pag-uusig n~ga n~g caguinhauahan

nitong ating bayang lagui sa ligamgam.

Caya ang marapat, oh m~ga capatid:

silang m~ga «Martir» alalahaning tiquís,

huag lilimutin laguing isa-isip

alang-alang baga sa m~ga sinapit.

Gayon din naman sa cailan pa man

dapat casuclaman ... m~ga fraileng tanan

na nagcucunuari «Ministrong» maran~gal

«n~g Dios na Poon», bago'y m~ga hunghang.

Caya ang mabuti ay tularang lubós

m~ga halimbaua ni na Padre Burgos,

Gómez at Zamora na pauang tagalog

sa tinubuang bayan marunong umirog.

Sa baua't may nasang ibig na bumatid

n~g canilang búhay tunay na sinapit

basahing tuluyan pagtiagaang tiquís

cusang ipatuloy itong natititic.

Bahala na sana inyong camahalan

mag lapat nang ganap sa labis at culang

sa baua't talatang inyong matagpuan

uari'y nalilihis doon sa catuiran.

N~guni't ang samo co bago mo punahín

ang lihís sa uari, maiguing linin~gin

maca ca sacali naman na malinsil

sa daang casamaan malagos na tambing.

Cung magcacagayon ang pasasalamat

sa camahalan mo aquing iguinagauad

at mag-utos naman sa lahat nang oras

sa laang capatid na casuyong tapat.

=Honorio López.=

=ANG TUNAY NA BÚHAY

Ang Tunay na Búhay ni P. Dr. José Burgos at Nang Manga Nacasama Niya na Sina P. Jacinto Zamora, P. Mariano Gómez at and Nadayang Miguel Zaldua · 第 4 / 9 题