Ang Pagsulat at ang kanyáng sakláw

GURÒ. ¿Anó ang _Pagsulat_ (ó Ortografía)?

NAG-AARAL. Pagsulat, ay isáng Bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃

tumpák na pagsulat, sa mabuting pagkakaayawayaw ng̃ mg̃a titik at

ng̃ mg̃a ibá pang tandâng ginágamit.

G. ¿Anó ang kaibhán ng̃ Pagsulat (ó Ortografía) sa tinátawag na

Kaligrapía?

N. Na, ang Pagsulat (ó Ortografía) ay nagtuturò ng̃ paggamit na

dapat gawín sa mg̃a titik, gayón sa mg̃a kudlít at sa mg̃a tandâ

ng̃ pagsulat; at ang Kaligrapía’y ang kaparaanáng sinúsunód ukol sa

mabuti at magandáng tindig, anyô ó hugis ng̃ mg̃a titik.

G. ¿Sa anó nabábahagi ang mg̃a titik?

N. Ang mg̃a titik ay nabábahagi sa _malalakí_ (ó mayúscula) at

_mumuntî_ (ó minúscula).

Balarilang Tagalog · 第 341 / 396 题