Ang Paglalakip at ang kaniyáng sakláw

GURÒ. ¿Anó ang kátuturán ng̃ _Paglalakip_?

NAG-AARAL. Ang bahagi ng̃ Balarilà na nagtuturò ng̃ mg̃a kaparaanán

ukol sa pagbubuô ó paglalakiplakip ng̃ iláng salitâ sa kapuwà salitâ

sa ikayayarìng tumpák ng̃ mg̃a kaisipán (ó oración).

G. Ang Paglalakip, ¿sa anó nabábahagi?

N. Nabábahagi siyá sa tinátawag na _likás_ (ó regular) at _likhâ_

(ó figurada).

G. ¿Anó ang _paglalakip na likás_?

N. Ang mg̃a tuntunin sa paglalagáy ng̃ mg̃a pang̃ung̃usap sang-ayon

sa katutubòng hanáy ng̃ mg̃a pagkukurò.

G. ¿At anó ang _paglalakip na likhâ_?

N. Ang mg̃a pátakaráng lumalabág sa paglalakip na likás, na nagbabadyá

ng̃ mg̃a kaparaanán sa matuwíd na pagpapalitpalit ng̃ mg̃a salitâ

upáng magkaroón ng̃ lakás at gandá ang mg̃a pang̃ung̃usap ó kaisipán.

G. ¿Iláng bagay ang kailang̃an upáng mayarì ó mabuô ng̃ tumpák ang

isáng kaisipán?

N. Tatló: _pagkakaayon_ (ó concordancia), _paghaharì_ (ó régimen)

at _pagbubuô_ (ó construcción).

Balarilang Tagalog · 第 321 / 396 题