Salitâng Pangbago (ó Adverbio)

GURÒ. ¿Anó ang kátuturán ng̃ _salitâng pangbago_?

NAG-AARAL. Ang pangbago ay isáng pangkát ó bahagi ng̃ kaisipán na

siyáng malimit na isinásama sa pangwatas, ó sa ibá pang pang̃ung̃usap

na sakláw ng̃ kaisipán upáng bumago sa kanyáng tagláy na kahulugán;

gaya ng̃: _lumakad ka ng̃ MARAHAN_, _bumasa kayó ng̃ MADALÎ_,

_tumakbó siyá ng̃ MATULIN_; mg̃a pagbabadyáng ang mg̃a pangbagong

_marahan_, _madalî_, _matulin_ ay siyáng bumabago sa mg̃a pangwatas

na _lumakad_, _bumasa_ at _tumakbó_.

G. ¿Alín pang mg̃a salitâ ang maáarìng samahán ng̃ pangbago?

N. Bukód pa sa pangwatas ay maáarì ring sumama ang pangbago sa

pangturing (ó adjetivo), sa kapuwà pangbago at kung minsa’y sa

pangdiwà (ó sustantivo); hal.: _totoóng PANG̃IT_, _lubhâng MALAYÒ_,

_labis na KAGANDAHAN_.

G. ¿Alín ang kaibhán ng̃ pangbago sa pangturing?

N. Ang pangbago ay naiibá sa pangturing dahil sa itó’y lagìng

kasakasama ng̃ pangdiwà at yaó’y kaakibat na madalás ng̃ pangwatas.

Marami ng̃âng salitâng pangturing ang ginágamit din sa pangbago,

ng̃unì’t itó’y nagkakahulugán ng̃ mg̃a bagay na hindî tiyák, at

lagìng na sa bilang na íisá, mg̃a bagay ó dahiláng malinaw na

makikilala sa lamán ng̃ pang̃ung̃usap ó ng̃ kaisipán. Ang bagay na

itó’y lalòng maliliwanagan sa pamamagitan ng̃ isáng halimbawà. Kung

sabihing _ang TUBIG ay MALINAW_, at _itóng TAO ay MABUTI_ ay hindî

mapag-áalinlang̃anang ang mg̃a salitâng _malinaw_ at _mabuti_ ay

kapuwà pangturing na kinasasamahan ng̃ mg̃a pangdiwàng _tubig_ at

_tao_. Ng̃unì’t kung sabihin namáng _MANG̃USAP kang MALINAW_, at

_SUMULAT siyáng MABUTI_, ang mg̃a salitâ ritong _malinaw_ at _mabuti_

ay mg̃a pangbago at hindî mg̃a pangturing, sapagkâ’t ang kaniláng

kinasasangkapán ay mg̃a pangwatas na _mang̃usap_ at _sumulat_.

G. ¿May iláng urì ang mg̃a salitâng pangbago?

N. May dalawá katulad ng̃ salitâng pangturing: _dalisay_ (ó simple)

at _mayhalò_ (ó compuesto). Gaya nang ipinaliwanag, _dalisay_ ay ang

ugát na walâng sangkáp, gaya ng̃ _dito_, _diyán_, _doón_, _labis_,

_lubhâ_, _lalò_, _oo_, _hindî_, _totoó_, atbp.; at _mayhalò_ ay ang

ugát na may sangkáp, na itó’y mangyayari sa pag-áangkáp ng̃ _ma_, gaya

ng̃ _matulin_, _marahan_, _malinaw_, _mabuti_, _masamâ_, _madalî_,

_malimit_, _malayò_, _madalang_, _marami_, atbp.

G. ¿Ang mg̃a pangbago ay maáarì rin bang gawíng salitâng pangtaás

(ó superlativo) at pangbawas (ó diminutivo)?

N. Maáarì rin pò; ang pagbubuô sa pangtaás ay inúulit ang buông

salitâng pangbago, gaya ng̃ _mabuting mabuti_, _masamâng masamâ_,

_malinaw na malinaw_, _mahusay na mahusay_, atbp.; ang sa pangbawas

ay inúulit lamang ang unang dalawáng pantíg ng̃ salitâ kung

itó’y may tatló, at kung may dalawá ay inúulit namáng buô, gaya

ng̃ _maminsanminsan_, _manakanaka_, _mámayámayâ_, _mabutibuti_,

_maigiigi_, _inótinót_, _untîuntî_, _dahandahan_, atbp.

Balarilang Tagalog · 第 299 / 396 题