_Ayos._ _Panahón._ _Pagbaybáy._
Pangbadyá Sumulat.
Panghiwatig Kasalukuyan Sumusulat.
„ Nakaraán Sumulat.
„ Nakaraán na { Nakasulat na.
{ Sumulat na.
„ Haharapín Susulat.
Pang-utos Sumulat.
Pangsukob Kasalukuyan Kung sumusulat[13].
„ Nakaraán Kung sumulat[14].
„ Haharapín Kung susulat.
G. ¿Paano namán ang mg̃a tuntunin ng̃ pagbabaybáy sa ikalawáng hugis
ng̃ anyông _um_?
N. Ang mg̃a tuntuning ginamit sa pagbabaybáy sa unang hugis ay
katulad din nitóng ikalawá, ng̃unì’t ang kauntîng kaibhán lamang ay
iniáangkáp dito ang _um_ sa mg̃a salitâng ugát na nagpapásimulâ sa
ting̃ig (ó vocal) samantalàng doó’y isinising̃it. Baybayín natin
ang ugát na _ibig_ sang-ayon sa ikalawáng hugis ng̃ anyông _um_, sa
makatwíd ang pangwatas na _umibig_.