GURÒ. ¿Anó ang _pang-anib_ (ó ligazón)?
NAG-AARAL. Tinátawag na pang-anib, ang iláng titik ó anyô (partícula)
na siyáng naglalakip sa mg̃a pang̃ung̃usap na magkahiwaláy.
G. ¿Bakit ginagawâ ang ganitóng paglalakip?
N. Nang magkaroón ng̃ magandáng tunóg, lambíng at tamís ang mg̃a
salitâ natin.
G. ¿Ilán ang mg̃a pang-anib sa tagalog?
N. Apat, at ganitó ang pagkakasunódsunód: _g_, _ng_, _na_, _ay_.
G. ¿Kailán dapat gamitin ang _g_?
N. Dapat gamitin ang _g_ kailan ma’t ibig paglakipin ang salitâng
nagtatapós sa _n_ sa pang̃ung̃usap na sumúsunód.