GURÒ. ¿Anó ang _paglilihim_ (ó sinalefa)?
NAG-AARAL. Ang pag-áalís ng̃ isá ó iláng titik sa mg̃a pang̃ung̃usap
kailan ma’t naglalakip ang mg̃a itó.
G. ¿Kailán nangyayari ang paglilihim?
N. Ang paglilihim ay nangyayari sa mg̃a salitâng nagtatapós sa
ting̃ig (ó vocal) at sa mg̃a pangtinig (ó consonante) _n_ at _w_,
kailan ma’t ang sumúsunód dito’y ang pangbigkís (ó conjunción) _at_
at ang pang-anib (ó ligazón) _ay_.
G. ¿Sa iláng tuntunin (ó regla) nábubuô ang paglilihim?
N. Sa dalawá, at itóng mg̃a sumúsunód:
_Una._--Pagkâ ang isáng pang̃ung̃usap ay nagtatapós sa ting̃ig (ó
vocal) ó kayâ’y sa pangtinig na _w_ at ang sumúsunód dito’y ang
pangbigkís _at_ ó ng̃ pang-anib _ay_, ay maáarìng alisín ang _a_ sa
_at_ ó _ay_, pag-áalís na kailang̃ang pagitnâan ng̃ isáng panandâ
(ó apóstrofo) upáng mákilala ang paglilihim.