Kalulwá ñg Bayan

Masaráp ang wikang Ingglés, ang turing n~g Ingglés; lalo na ang wikang

Kastila, ang saló n~g Kastila; lalo pa ang wikang Pransés, ang habol

n~g Pransés, palibhasa'y para-para siláng may damdamin at marunong

magmahál sa m~ga kalulwá n~g kaníkaniláng bayan, na alinsunod sa m~ga

pantás na sinásamba n~g marami, ang wika, ay siyáng kalulwá n~g bayan.

N~guni't ... sa bibíg n~g ilang m~ga Tagalog, ay hindi ganitó ang

namúmutawi. ¡Katiwaliang lahát at balót n~g m~ga kahan~galán ang

lumálabás! Pawáng kapalaluan na anyá'y masaráp ang wikang Kastila at

Ingglés kay sa wikang Tagalog kaya't ni di ko tinitisod ang m~ga katha

dito, n~guni't masdán mo ang aking m~ga nobelang Ingglés at Kastila ay

hindi na mabilang.

Iyán ang m~ga kaaway n~g bayan; pagka't silá ang pumápatáy sa kalulwá

nitó. Dahil sa kayaban~gang masabing sila'y nakaiintindí n~g wikang

dayo, ay ipinagpápalít na, ang kaniláng dan~gál....

¡M~ga kamánunulát! ¡Kahabághabág ang ating katayuan! ¡Sa lahát n~g

sandali'y nakaumang sa ating m~ga ulo ang tabák ni Damokles; nanunuláy

tayo sa pan~ganib na guhit n~g m~ga batás; kalaban natin ang m~ga

dayuhan at sampu n~g kalahi, ay kalaban pa rín!...

Nasawing Pagasa · 第 10 / 25 题