¿Alin ang kakulan~gan na lamang upang maging lubusang republikano ang

pamahalaan natin sa n~gayon sang-ayon sa pagbabagong nangyari sunod sa

batas ni Jones? Una: Ang magkaroon tayo n~g isang presidente at isang

pan~galawang presidente sa halip n~g Gubernador Heneral at

Bise-Gubernador Heneral na siyang pinakakinatawan dito sa sangkapuluan

n~g Estados Unidos. Ikalawa: Ang magkaroon n~g bansag na Republica ang

ating pamahalaan, at Ikatlo: Ang mahalinhan ang watawat Amerikano n~g

watawat pilipino.

¿Bakit sinabi ninyo na ang nasusunod sa pamamahala sa ating bayan ó

ang kalooban n~g bayan lamang? Sapagka't ang gumagawa n~g m~ga batas

at m~ga kautusang sinusunod natín na ipinatutupad sa atin n~g m~ga

tagapagpatupad: gaya n~g Gubernador Heneral, Alkalde sa Siyudad n~g

Maynila, n~g m~ga Gubernador sa lalawigan at n~g m~ga presidente

munisipal sa m~ga bayan bayan, ay m~ga gawâ n~g m~ga senador, diputado

at m~ga konsehal na ating inihalal na ating pinagkatiwalaan n~g ating

tiwala upang lumagdâ n~g m~ga kautusan at batás na ikabubuti nating

lahat na mamamayang pilipino at n~g Pamahalaan natin.

¿Sa makatwid ano mang hirap na ating danasin sa kabuhayan ay di dapat

nating isisi kanino man, kundi sa ating m~ga inihalal na iyan? Siyang

totoo, sapagka't ang ikinabibigat at ikinagagaan n~g ating kabuhayang

lahat, ay nasa sa kanilang kamay, pagka't ang kanilang m~ga batas ó

kautusang pinatibayan sa Batasan at sa m~ga Sanggunian ay siyang

sinusunod na ipinatutupad n~g m~ga tagapagpatupad na nasabi ko na.

Nariyan ang ikinatataas n~g m~ga buwis n~g lupa, ikinataas n~g Rentas

Internas, ikinataas n~g m~ga bayad sa pahintulot o lisensiya

munisipal. ang paglastay n~g salapi sa ibang bagay na di sa

kagalin~gan n~g m~ga namamayan, ang di pagpapagawa n~g m~ga bangbang

n~g tubig sa m~ga bukirin ibp. na, ang lahat n~g iyan ay pawang sa

pananagutan at kasalanan n~g ating m~ga inihalal na diputado at m~ga

konsehal.

¿Tayo bang mamamayan ay di maaaring makialam sa paggawâ n~g m~ga batas

ó ley at m~ga kautusan ó ordenanza n~g ating m~ga inihalal na senador,

diputado at konsehal? Makiyalam sa pakikipagtalo ó sa

pagsasaalangalang sa Batasan ó Legislatura, sa Konseho Munisipal ay

hindi mangyayari; n~guni't upang magutos ó magbigay liwanag sa ating

m~ga inihalal upang gawin ang gayo't ganitong batas ay maari, pagka't

sila ang kumakatawan sa atin sa karurukan n~g Senado, Asamblea, Hunta

Munisipal sa Siyudad n~g Maynila at m~ga Konseho Munisipal n~g m~ga

bayan bayang maliliit.

¿Sa paggugol n~g m~ga pinunong bayan sa m~ga pananalapi, sakaling

ilaan sa m~ga walang wawang kapakanan ay maaari bang makatutol ang

namamayan? Bakit hindi. N~g matalos mo sa dalawang piso mong ibinayad

sa sédula personal mo, sa ibinabayad mo sa amillaramiento, sa m~ga

lisensiya munisipal, sa kinikita n~g pamilihang bayan ibp., ay diyan

kinukuha ang ginugugol sa pagpapaaral n~g ating m~ga bata, n~g

ginuguol sa m~ga pagpapagawa n~g m~ga lansan~gan ó daan at tulay, n~g

m~ga "kanal" n~g pagpapatubig; diyan kinukuha ang isinusueldo sa lahat

n~g m~ga kawani n~g pamahalaan, sa m~ga hukom, konstabularya, pulisya

at sa lahat na n~g punong bayang iyong inihalal at sampu pa n~g

Gubernador Heneral at m~ga inatasan niya ó ninombrahan. Kaya ikaw

bayan, ay matuto kang magpahiwatig sa iyong m~ga inihalal ó sa inyong

diputado ó sa konsehal na lumabas sa inyong kapookan at ipagutos sa

kanila sa pamamagitan n~g boong pitagan ang lahat n~g inaakalang

ikabubuti n~g bayan.

¿Alin bagay ang dapat ipagutos sa isang diputado ó senador at alin

naman ang dapat iyutos sa isang konsehal? Ang lahat n~g bagay na

ikabubuti n~g boong bayang Pilipinas ó n~g lalawigan ninyo ay nauukol

ipagutos sa inyong Diputado ó Senador, kaparis n~g paglalagay n~g m~ga

kanal n~g patubíg sa m~ga bukirin ibp., n~guni't kung sa pagpapagawa

n~g m~ga lansan~gang hindi probinsiyal katulad n~g m~ga lansan~gang

maliit, paglalagay n~g ilaw, paglalagay n~g m~ga padumihan, pagaayos

n~g m~ga pamilihan, ibp., ay dapat hin~gin sa konsehal ó sa presidente

n~g munisipyo n~g bayan.

Nang lalo kang maliwanagan ay basahin nínyo ang BAGONG PAMAHALAAN SA

PILIPINAS ni Honorio López at dito ninyo matatalastas ang lahat n~g

kanilang tungkulin at dapat ninyong ipagutos at lalo na nang m~ga

dapat ninyong matalastas na kautusan ó m~ga batas sa pakikipamayan at

pamamahala sa bayan, Piso ang halaga n~g bawa't isa at P1.30 kung

ipapadala sa nakakaibig sa taga malayung bayan.

Ito'y isang aklat na dapat mabasa n~g m~ga bagong konsehal,

presidente, pulis at lalo na n~g m~ga mamamayang may m~ga tanda,

magsasaka at man~gan~galakal. Naririto ang LEY NG DIBORSIO at ang

REGLAMENTO SA SABUNGAN na dapat mabasa n~g m~ga sentensiyador, tahor

at m~ga mananabong.

* * * * *

MGA MAGLULUKAD O MAGKOKOPRA

¿Ibig ninyong malamang madalî kung ilang piko ang timbang n~g inyong

kalibkib, lukád ó kopra at malaman sa lalong madaling panahon ang

kabayaran sa ano mang halagang aabutin na di na man~gan~gailan~gan n~g

maraming pagbilang kundi sa "sumar lamang?"--Bumili kayo n~gayon din

n~g BAGONG REDUKSION n~g Kilos sa Pikos na may presyo na sinulat ni

Felix A. Matriano na taga Tayabas. P0.80 ang halaga sa Libreria ni P.

Sayo sa daang Rosario 225 at sa Imprenta ni Honorio Lopez, daang

sande, 1450, Tundo, Maynila.

=Sa lahat at lalo na sa mga may lupa=

Kayong m~ga may lupa na wala pang titulo Torrens ay dapat na

magpasukat n~g inyong m~ga lupa n~g huwag man~ganib na mawala sa inyo

ang matagal na panahong inyông inaari.

N~gayon na ang pagsasaka sa Sangkapuluan sumulong sa dati, ay marami

riyan ang nan~gan~gamkam na ginagawa ang lahat n~g kaparaanan n~g

mapasakanila ang pagaari n~g iba.

Marami na ang nawalan n~g kanilang lupa sanhi sa pagwawalang bahala,

na n~gayon pawang naghihirap at nagsisiluha.

¿Kayo ba na di pa inaagawan n~g pagaari ibig ba ninyong matulad sa

kanila? Marahil ay hindi. Kaya kayo n~gayon din ay kumilos at

magpasukat n~g lupa sa makakatulong ninyo at makapagtatapat sa

paghin~gi n~g katibayan.

Kung ibig ninyo kayo'y aking tutulun~gan, bibigyan ko kayó n~g

abogadong di masasapakat n~g sino man at agrimensor na madaling yumari

n~g plano at m~ga murang sumin~gil n~g "honorarios"; at, maaari pang

bayaran pagkatitulo n~g lupa alinsunod sa pagkakasunduan.

Kung ibig naman ninyong magsanla ó magbili n~g inyong m~ga lupa ay

ibalita sa akin at ituturo ko sa inyo ang madaling kaparaanan.

Kung nakakaibig naman kayong bumili n~g m~ga makina sa pagbibigas,

panggiik, pangararo, paggawâ n~g hiyelo, panggawâ n~g limonada, makina

n~g paglalagay n~g ilaw dagitao ó elektrika sa inyong munisipyo,

pangkuha n~g mina, ibp, ay ipagtanong muna ninyo sa akin bago bumili

sa iba at ituturò ko sa inyo ang pinakamabuti, mura at mauutang pa.

Hindi ako sumisin~gil na ano mang paglilingkod ko ukol sa m~ga bagay

na nabanggit padalan lamang ako n~g isang selyong tig 2 sentimos sa

pagsagot ko. Tan~ging han~garin ko ang makatulong sa m~ga kababayan.

HONORIO LOPEZ Agrónomo Sande 1450. Tundo, Maynila.

* * * * *

=¡MATA!=

¿Ibig ninyong kumita n~g kuarta, at hangga sa 10 piso isang araw,

alinsunod sa inyong magagawang sipag? Ang Imprenta ni Honorio Lopez sa

daang Sande, blg. 1450, Tundo, Maynila ay nan~gan~gailan~gan n~g m~ga

ahenteng may ipipiyansan~g 50 piso, upang maglibot sa lalawigan at

maghanap n~g magpapagawa n~g m~ga tarhetang pamasko na may maiinam na

hugis at magagara.

=MAGBAGO TAYO NG LAKAD=

Sa n~gayon ang ating bayang minamahal

ay di na huhuli sa bansâng alin man,

pagka't marami na tayong maaalam

balità sa dunong na dapat pagtakhan.

Sa pagkamediko't pagaabogado

hindi na mabilang at nagkakagulo,

at siya na lamang ang makikita mong

naglisaw sa daan na nakahihilo.

M~ga pulitiko ay gayon din naman

ay siya na lamang laman n~g lansan~gan;

walâng pagupitan, ligpit na karihan

bilyar at iba pang di linalagîan.

Sa pagmamagarà wala n~g tatalo

sa m~ga "girl" at "boy" nating pilipino;

magutom man at walang sukbit na "sentimo"

aasa mo sa daan, m~ga "milyonaryo".

M~ga naghihintay n~g mapapasukan

upang manilbihan sa Bahay Kalakal

at Pamahalaan, ay gayon din naman

sàmpu isang "kusing" na kahalay halay.

Ano pa't sa n~gayon tayo'y sagana na

sa lahat n~g bagay; kabihasnang bun~ga;

n~guni't sa kalakal gawang pagsasaka

tayo'y walang wala, talunan n~g iba.

Isang katunayan, dapat na mamalas

ang pagkakagutom nating linalasap;

tayong taga rito siyang walang bigas

at naninikluhod sa dayuhang lahat.

N~gayo'y nakilala, na ang kayamanan

at pagkakasulong n~g alin mang bayan,

wala sa naglisaw diyang maaalam

kundi sa kalakal, pagsasakang hirang.

Kaya ang marapat ating pagusigin

makapagpalapad n~g m~ga sakahin;

lahat n~g kalakál ay mapasa atin

sa loob at labas n~g ating lupain.

Yamang marami na tayong "titulado"

abogado't doktor na nagkakagulo

sa n~gayo'y harapin tungkuling totoo

naman ang maglupa at pagnenegosyo.

_HARI NG TAMBULI._

=¡Matuwa tayo!=

ANG BANDERA ó WATAWAT Ng PILIPINAS, sa tagobilin n~g Gubernador

Harrison at sa kapasyahan n~g ley ó batas na pinatibayan n~g Batasang

Pilipino, ay maaari na nating gamiting muli na iwagayway sa patangwa ó

bintana n~g ating m~ga tahanan, sa m~ga araw n~g pista n~g bayan,

baryo ó n~g bansa, katulad n~g pista ni Rizal, ibp.

Kung iyaagapay sa bandilang Amerikano kailan~gang ito'y maging kasing

laki ó lumaki pa n~g kaunti sa atin at mapasa kanan n~g Bandilang

Pilipino.

M~ga kababayan: Huwag na ninyong ugaliin ang pagbabandila n~g m~ga

panyô, tapis o n~g ano mang kayo sa m~ga pistang iniraraos natin,

matan~gi sa Bandila natin at bandilang amerikano.

"Kahimanawari na sa muling pagsilang na iyan n~g ating watawat,

sumunod na sumilay naman sa silan~ganan n~g ating pagasa ang

pinagulapang Araw n~g maluwalhating Pagsasarili n~g ating pinakaiibig

na Pilipinas". H.L.

* * * * *

BASAHIN NINYO ANG BAGONG

=ABOGADO NG BAYAN=

NG MASIGURO ANG PANÁLO

Bagong katatapos sa limbagan ang ikapat na pagkakalimbag n~g aklat na

ito. Marami ang naragdag at nabagong kapasyahan. May m~ga tala n~g

HURISPRUDENSIYA n~g Corte Suprema na dapat mabasa n~g m~ga

nakikipagusap, may m~ga manang hinahabol at m~ga pagaaring lupang

isinanla at walang katibayang matatag n~g masiguro nila ang panalo.

Ang labas n~gayong bagong ABOGADO NG BAYAN bukod sa m~ga naparagdag na

Kodigo Sibil, Penal at m~ga Procedimiento ay may bagong naparagdag

ukol sa karunun~gan n~g pagmamatwid at pakikipagusap.

Mabuting pag-aralan n~g lahat lalo na n~g m~ga mararalita, m~ga may

lupa, m~ga man~gan~galakal, m~ga nagpapatubo n~g salapi, m~ga babaye ó

dalaga n~g malaman nila ang paguusig sa m~ga Hukuman ó n~g m~ga dadaya

sa kanila ó manguulol.

Dalawang piso n~gayon ang halaga sa lahat n~g libreria at maging sa

lalawigan kung ibig na ipadala sa nan~gan~gailan~gan. Kaya n~gayon din

sumulat kayo kay Honorio Lopez, sa daang Sande 1450, Maynila,

magpadala sa kanya n~g P.2 papel.

="Ang Tibay"=

(_Sagisag na registrado sa Gobierno_)

SINELASAN

NINA

TEODORO at KATINDIG

Sanhi sa nangyaring pag-aaklas n~g m~ga maggagawa, ang sinelasang ito,

ang kanyang katan~gian at di pangkaraniwang pagpapagawa n~g marami, na

napalathala sa m~ga pahayagan at ipinadalang sulat sa m~ga may ari

nito na ganito ang sinabi:

Anang UNION DE CHINELEROS DE FILIPINAS: "Katan~gi tan~gi ang

ginagawang napakahigpit na pagsisiyasat n~g m~ga sinelas na nayayari

sa araw araw na kung ibabatay natin sa ibang pagawaan ay halos

kalahati lamang. Datapwa't kung kaya ginawa ito n~g m~ga may ari n~g

"ANG TIBAY" ay sa pagkakilala nilang yao'y katungkulang di mapapaalis

nino man."

Ang sabi naman ni G. PEDRO ROXAS: "Ang sinelasang "ANG TIBAY" ay

kinagigiliwan n~g kanyang m~ga suki dahil sa pagkamain~gat sa

pagpapagawa."

Ang banggit ni G. LOPEZ K. SANTOS: "Inaasahan ko pong ang kasunduang

iya'y lalabas ding napakatibay na gaya n~g m~ga sinelas, kotso, at iba

pang bagay na sa tindahang iya'y inyong ipinagagawa."

Sa pagkakapiit naman sa insik na Yu Chu na may tindahan sa Gandara

blg., 257, n~g m~ga pulis sekreta dahil sa pagbibili n~g m~ga sinelas

na may tatak na huwad sa "ANG TIBAY" ay nagsalita "ANG BANSA" n~g

sumusunod na pagkukurô:

Talagang dito sa ibabaw n~g lupa, ang m~ga magagaling na bagay at

mabuti ang pagkakayari ay pinapasukan n~g "codicia" lalong lalo na sa

pan~gan~galakal.

"Makukurong ang m~ga kagagawang ito ay maituturing n~g pagkamagaling

na uri n~g m~ga sinelas na ginagawa sa sinelasang "ANG TIBAY".

* * * * *

=Candido Lopez=

Agrimensor Privado Autorizado por el Buro de Terrenos.

Tumatanggap n~g m~ga sukatin sa lalawigan. Mura kay sa iba. Ave. Rizal

2121, Sta. Cruz.

Dimasalang Kalendariong Tagalog (1920) · 第 3 / 3 段