ELECTO

Matuwid ang gayong palagay n~g duling

kung tunay na ating didilidilihin

tanang may ugaling mapakialamin

madalas maramay sa man~ga hilahil.

At sa nangyaring man~ga kaguluhan

sila'y nalalahok kahi't di kaalam

ang di umaalis sa loob nang bahay

sa sandaa'y isa kung magkagayon man.

Yaong man~ga taong gawa'y man~gutiya't

walang kilos na di pamamalibhasa

anopa't ang gayong pamamalibhasa

siyang nagkakamit nang labis nang pula.

Kaya kapatid kong man~ga ginigiliw

gayong kagagawang lihis ay alisin

at doon ay walang papakinaban~gin

kundi yaong dusa't pulang sapinsapin.

Kinakailan~gan nating pagaralan

ang turo ni Kristong kapakumbabaan

sundin ang kaniyang man~ga bili't aral

nang tayo'y masama sa payapang bayan.

=KATAPUSAN=

[Patalastas: Imprenta Libreria y Papeleria de P. Sayo]

End of Project Gutenberg's Panayam ng Tatlong Binata, Ikalawang Hati,

by Cleto R. Ignacio

Panayam ng Tatlong Binata — Ikalawang Hati · 第 20 / 20 题