D. Luis. Pinatatawid kana namin!... (Makikita si Esperanza pa
pakatin~gin lamang sa kanila na waring takot at tatawagin.)
¡Esperanza halika!...
Esp. (Lalapit n~g patakot) ¡Patawarin mo na po kami!..... (Luhod).
D. Luis. (Ititindig at yayakapin si Esperanza.) Pagtindig, Esperanza,
at ikaw ay pinatatawad namin!..... Ako, oo, akó ang siyang lalo mo
pang dapat patawarin dahil sa pagapi kong ginawa sa iyo.
Lalabas si D. Mateo.
_=VIII TAGPO=_
=Sila rin at si Mateo=