FELIZA: Alinsunod sa sinabi co sa iyo na aco,i, magpapadala nang
reglas sa pagsulat, ipababasa mo cay Honesto itong m~ga casunod.
Pupunuan nang mayusculas ang m~ga pan~galan at apellido nang tauo,
caparis nang _Francisco Baltazar_; ang sa mga caharian, Ciudad, bayan,
provincia, bundoc, dagat, ilog, batis para nang _España Maynila,
Biñang, Batangas, Arayat, Océano, Pasig, Bumbun~gan_; gayon din ang
n~galan nang carunun~gan, para nang _Teología_, nang _Artes_, para
nang _Gramática, Poecia_; gayon din ang n~galan nang manga
catungculan, para nang _General, Papa, Arzobispo_.
Gayon man cun sa _Oración_ ó isang sabing boó ang man~ga n~galan nang
carunun~gan, artes, at iba pang sinabi co, ay di pinacapan~gulo, ay
pupunuan nang letrang munti, caparis niton halimbauang casunod; si
_Benito_ at si _Mariano_ ay capoua nagaral sa pandayan.
Feliza, turuan si Honesto nang matutong maglagay sa sulat nang man~ga
notas ó tanda. Ang man~ga notas ay ito: _Coma_ (,): _Punto y coma_(;):
_Dos puntos_ (:): _Admiracion_ (!); _Interrogacion_ (?): _Paréntesis_
(): _Puntos suspensivos_ (::::): _Etcétera ó Etcétera_ (&c.):
_Acentos_ (áàâ): _Rayas ó comillas_--».
Ang _Coma_, ay ilalagay sa man~ga pag-itan nang man~ga pan~galan:
_Vito, Teodoro, Pedro_; gayon din sa pag-itan nang baua,t, isang
Oración, cun di pa tapos, ang cahulugan nang ibig saysayin; para
nitong halimbauang casunod; si Eva,i, tinocso nang demonio, ay
nagcasala sa Dios, at si Eva naman ang humicayat cay Adan.
Ang _Punto_ ay ilalagay sa catapusan nang _Oración_; cun dito,i,
nabobuo, ang cahulugan nang ibig nating sabihin sa papel.
Ang _Punto y Coma_, ay tanda nang pagcacaiba ó pagcacalaban nang
cahulugan nang magcacasunod na sabi ó _Oración_, caya sa pag itan
ilalagay itong man~ga uicang _datapuoa, n~guni, gayon man_, Tingnan
itong halimbaua: _ang tauo,i, binig-yan nang Dios nang bait at loob;
n~guni,t, sumuay sa caniyang man~ga utos_.
Ang dalauang _Punto_, ay inilalagay, at nang maalaman na hindi pa
tapos ang ating ibig sabihin ay ga uari tapos na; inilalagay, at ang
cahulugan ay may cahulugan pa. Tingnan itong halimbaua: _ang man~ga
cahatulán nang Santo Evangelio_, ay Santo; at laban sa cahatulan nang
mundo.
Ang _Paréntesis_, ay inilalagay sa puno at dulo n~g _Oración_, na
nagpapalinao nang sabi; n~guni,t, cun alisin man ay di nacasisira nang
cahulugan. Tingnan itong halimbaua: _cun icao ay magcasala (houag din
nauang itulot nang Dios,) ang gamot, ay ang magsisi_.
Ang _Interrogación_, ay parang S na baligtad, at sa ulo,i, may punto;
inilalagay sa isang tanong. Tingnan itong halimbaua: ¿_Icao ay
cristiano na_?
Ang _Admiración_, isang tanda na nagpapaaninao nang tunog na ibig
nating ibigay sa pagtataca ó daing; ang tanda, ay isang guhit na
patindig, sa ulo ay may punto; caparis nitong halimbaua: ¡_Ay at
aco,i, napahamac ¡Laquing caululán nang tauong nan~gan~gahas
magcasala_!
Ang _Puntos suspensivos_, ay inilalagay, at ang cahulugan, ay ang
cahatulang guinagamit natin, ay di sarili, cun di sa iba: quinucuha
ang cailan~gan at iniiuan ang hindi. Inilalagay rin naman sa pinuputol
na sabi, at di itinutuloy caparis nito; _dan~gang pinanonood tayo nang
Dios ay_:::
Ang uicang _Etcétera_, na ang tanda ay ito _&c._ ang cahulugan, ay ang
ating sinaysay, ay sucat na, iniiuan ang iba, at nang di macasamá.
Ang _Acentos_, ay man~ga guhit na para nito áàâ na cung ilagay sa
ibabao nang vocal, humahaba, ó diyan binibigatan ang bigcas nang sabi.
Tingnan dito sa dalauang uica: _Hába, Habá_.
Ang man~ga _Comillas ó Rayas_, ay nagsasaysay na ang lahat na talata
na may lagay sa guilid, ay sipi sa iba; guinagamit, at pangtibay sa
ipinahahayag sa atin.
Ang _Guion_, ay nalisan co. Ito,i, isang guhit na pahigá, na
inilalagay sa dulo nang talata. Cun ang isang uica,i, hindi magcasiya
sa talata, ay binabahagui sa dalauang magcasunód. Ang sang bahagui ay
sa itaas, ang isa,i, sa casunód, at sa pag-itan nang uica, ay may
_Guion_, ó guhit, para nito: _May-nila, Mali-bay_.
Ang _Punto_ naman, ay naquiquilala sa tandang ito [.] Inilalagay, cun
buo,t, tapos na ang caisipan natin, na ibig nating isaysay sa isang,
oración, at ang casunod pinupunuan nang letra _Mayúscula_.
Cun mangyayari disin, ay dapat pagsaquitan n~g man~ga maestros at
maestras na ang man~ga batang escuela, ay matutong bumasa nang sulat;
at sumulat, bucod sa ibang bagay na dapat ituro. Hindi ang maca yari
lamang nang letra, cun di maca sulat nang tapát.
Ang sulat na lihis sa reglas, ay bucod sa nacaiinip basahin, ay
nacasisira nang cahulugan, at nagsasabi ang di caalamang sumulat.
Ituro mong magaling, Feliza, cay Honesto itong man~ga reglas na aquing
padala sa iyo, at marahil ay hindi lamang siya ang maquiquinabang.
Isulat mo sa aquin cun caniyang sinusunod. Adios capatid co.--URBANA.