DE

=J. MARTINEZ=

=Establecida el año 19O2=.

253 Cabildo Intramuros Tel. 3283, Escolta 89

Tel. 2055, P. Calderon 108 Tel. 8256

Paunaua sa Babasa.

Cayo man~ga binata ang inaalayan co nitong munting bun~ga nang pagod,

cayó ang aquing tinutun~go, at ipinamamanhic sa inyo na aco,i,

pagdalitaang dinguin.

Cayo,i, bagong natuntong sa pintò nitong malauac na mundó, gayac na

paguitna sa mundó, ay dapat magsimpan nang gagamitin sa guitna nang

mundo.

Ang panaho,i, nagtutuling caparis nang pan~ganorin; at ang macaraan ay

di na mag sasauli, ang maualá sa matá ay di na moling maquiquita, caya

catampatan ang magsamantalá, at na sa capanahonang magtipon. Magsáquit

matutong maquipagcapoua tauo, at nang di maquimí sa guitna nang

caramihan, at nang di ninyo icahiya ang di carunun~gan.

Ang dunong na nag-tuturo sa tauo nang pagharap sa caniyang capoua, ay

bun~ga nang pag-ibig sa capoua tauo: ang pag-ibig sa capoua tauo, ay

bun~ga nang pag-ibig sa Dios, caya ang na ibig sa Dios, ay marunong

maquipag capoua tauo, at sacali,t, di marunong ay magsasaquit matuto;

sa pagca,t, batid na ang dunong na ito ay puno at mulá nang magandang

caasalang quinalulugdan nang Dios.

Ang marunong maquipagcapoua tauo, ay maganda ang caasalan;

palibhasa,i, nag-iin~gat, nang caniyang quilos, asal at pan~gun~gusap

ay mátuntóng sa guhit nang di capootan nang Dios, at cálugdan nang

tauo. Caya ang carunun~gang ito ay hiyas sa isang dalaga dan~gal sa

isang guinoo, pamuti sa isang bináta, dilág at cariquitang cacambal

náng magandang asal na ninihag nang puso.

Cayong man~ga ina naman, na may catungculang magturo sa anac nang

man~ga daquilang catotohanang pahayag nang Santo Evangelio, dapat ang

cayo,i, magsaquit tumupad nitong mabigat na catungculan na ipagsusulit

sa Dios.

Alalahanin na ang man~ga batang inyong anac ay caparis nang búcong na

un~gós sa dulo nang halaman, cayo ang may alaga nang halamanan, ay

catungculan ninyo ang mag-in~gat.

Pasicatan sa arao nang Santo Evangelio, diliguin nang magandang aral

sa paquiquiharáp sa tauo, at pamumucadcád nang man~ga bulaclac na

inyong alaga, ay maquiquita ninyong magsasambulat nang ban~go, sa

guitna nang mundó na inyong pinagaalayan.

Na sa capanahonan ay inyong pagsaquitan, at ang aral na ito,i, casabáy

nang gatas na ipasuso sa anac, pasundan nang mabuting halimbaua,

halimbauang sa inyo,i, maguisnan, at maquiquita ninyo na ang magandang

aral ay maguiguing magaling na asal na di mabibitiuan cun di casabáy

nang búháy.

N~guni cun inyong bayaan, palac-hing salát sa aral, hubád sa magandang

asal, ay capilitang ipagsusulit ninyo sa Dios, at pagdating náng

panahon na sila,i, paguitna sa mundó, sa masamáng uaning sa canila,i,

mamasdan, dalamhati ang inyong pupulutin, cayo ang sisisihin nang

tauo, at palibhasa,i, bun~ga nang inyong capabayaan.

At sacali ma,t, sa edad na labing dalaua ó labing apat na taon, sa

isang Escuela, Colegio ó sa isang Maestro, sila ay mag aral, matutuhan

naman ang pinag aralan, cayo,i, maniuala,t, ang magandang asal na

canilang pinulot ay tulad sa hirám na damit saglit na isinoot at

biglang hinubád: cauangqui nang hiyas na isinadaliri, iniuan sa suloc

ay agad nalimutan: caparis nang cáyong nagcuculay dilao, na initan,

nang arao, hinipan nang han~gin, ay agád cumupas, at di nacalaban sa

init at bilís.

Matamisin ang caunting pagod sa inyong pagtuturo, at pagdating nang

panahon na pag-anihan nang inyong man~ga anac ang magandang aral na

ipinunlá ninyo, ang hirap ay maguiguing toua.

At cun sa inyong magandang aral, ang man~ga anac ninyong dalaga sa

guitna nang pan~ganib sa mundó ay nacapag iin~gat, ang maban~góng

bulaclac na canilang puri ay di nalalantá, at pag dating nating

panahon na sila,i, tuman~gáp nang estado nang matrimonio, ay maquita

ninyó na sila,i, mababait na esposa, at marunong na ina nang canila

namang maguiguing anac, ¡laqui nang toua na inyong cacamtan!

Cun ang man~ga baguntauo na inyong anac, sa inyong pagsasaquit ay

matutong matacot sa Dios, masunorin sa inyo, marunong maquipagcapoua

tauo, magalang sa matatandá, mapagtiis sà capoua binata, maalam

bumagay sa tauo sa mundó; at pagdating nang panahon na sila,i, maguing

esposo at ama, ay maquitaan ninyo nang bait sa paquiquisama sa

canilang esposa, nang dunong sa pag tuturo sa anac, saan di ang

sila,i, capurihán at caran~galan ninyo.

Cun sila,i, tumangap nang anomang catungculan at maquita ninyo na

marunong tumupád, maalam magpaquita nang mahal na asal sa guitna nang

mundó at caguinoohan, ¡laqui nang pagpupuri nang tauo sa inyo! ¡At ang

pasasalamat nang inyong man~ga anac ay di matatapus hangan cayo,i,

nabubuhay sa mundó at hangan sa matapus naman ang canilang buhay sa

mundó!

Ang halimbauang iniaalay sa inyo, ay isang familia ó mag anac. Sa

magcacapatid, na dito sa loob nang libro,i, aquing sinasaysay,

ipinatatanao co ang magandang pag aral nang magulang sa anac, at ang

pagtangáp nang anac nang aral nang magulang.

Sa pan~galang "Urbana" nababasa ang magaling na paquiquipag capoua

tauo. Sa caniyang man~ga sulat sa capatid na Feliza, ay macapupulot

ang dalaga, macapag aaral ang bata, maca aaninao ang may asaua,

macatatahó ang binata nang aral na bagay sa calagayan nang isa,t, isa.

Cay Feliza, mag aaral ang dalaga nang pagilag sa pan~ganib na

icasisira nang calinisan; at ang caniyang magandang asal ay magagauang

ulirán nang ibig mag in~gat nang cabaitan at loob na matimtiman.

Sa man~ga sulat ni Urbana, na ucol sa pagtangáp nang estado nang

matrimonio, ang dalaga,i, macapagaaral, at gayon din ang baguntauo, at

macapupulot nang hatol sa dapat alinsunorin bago lumagay sa estado, at

cun na sa estado na.

Sa man~ga sulat ni Feliza cay Urbana, na ang saysay; ay ang magandang

asal nang capatid na bunsó na si Honesto, macapagaaral ang bata, at

macatatantó nang caniyang catungculan sa Dios, pagcatanáo nang

caliuanagan nang canilang bait.

"Paombong" ang saysay: sa pagca,t, siya ang unang bayang pinautan~gan

nang pagod. Bayang pinaghirapan, bayang minahal naman, at palibhasa,i,

sa aral at pagod na aquing guinugol, ay naquitaan nang masaganang

paquinabang. Bayang lumagui sa loob; sa pagca,t, naquitaan naman nang

magandang loob.

Aco,i, sinuyo mo at pinabaunan nang masaganang luha: icao ay maniuala

at ang arao na iyo,i, di co linilimot, ang perlas mong bubô ay aquing

dinampót, binucsán ang dibdib, at mag pa hangan n~gayon ay

iniin~gatan.

Mahiguit sa sampuo ang nalacarang taon, mag mulá sa arao na yaon,

n~guni,i, sariua ring parang cahapon.[1]

Limbág ca sa dibdib, ay di ca nacatcát nang habang panahong limbás

nang panimdim; at palibhasa,i, ang nag-iin~gat sa iyo,i, susi nang pag

ibig.

At cun sa handóg cong halimbaua, cayong man~ga ina ay magdalitang

dumampót nang magandang aral, itanim sa loob at alinsunorin, at

mapanood co ang paquinabang nang inyong man~ga anac, sa inyong

paghihirap sa aquing pagsisicap, ¿ay mahuhulaan caya ninyo ang aquing

uiuicain?

Ang uiuicain co,i, pinapalad aco, at ang cahalimbaua co,i, nagsabog

nang binhi, ay ang tinamaan co ay mabuting lupa.

At sa quinacamtang cong toua ang nacacaparis co,i, isang magsasacang

cumita nang alio, uupó sa isang pilapil, nanood nang caniyan halaman,

at sa caniyang palayan na parang inaalon sa hirap nang han~gin, at sa

bun~gang hinog na anaqui butil na guintong nagbitin sa uháy, ay cumita

nang sayá.

Munti ang pagod co, munti ang puyat co; at palibhasa,i, capus na sa

lacas na sucat pagcunan, n~guni ang paquinabang co sa pagod at puyat

ay na ibayuhan.

Cun cayo at aco disin ay palarin, ang toua co,i, di hamac: at

palibhasa,i, cun aco,i, patay na, at sa ilalim nang lupa,i,

malilimutan na nang mundo; maganda ang iyong loob ay cahit miminsan ay

masasambit din ang aquing pan~galan, at sa harapán nang Dios ay

alalahanin nang isang _Responso ó Ave Maria._

Ito at ang aco,i, papaquinaban~gin sa iyong magagandang gauá, at ang

aquing pamanhic sa inyo, at siya rin naman ang sa aquin ay inyong

aasahan hangang nabubuhay sa mundó, at gayon din cun marapat

macapanood sa Dios, cun matapos itong maralitang buhay.

Pag Susulatan nang Dalauang Binibini na si Urbana at ni Feliza · 第 17 / 61 题