MAYNILA

Limbagan ni M. Fernandez

PAZ, 447, Sta. Cruz.

1909

Ang sabing Noli me Tangere ay wikang latin. M~ga wika sa Evangelio ni

San Lúcas. Ang cahulugán sa wikang tagalog ay Huwag acong salan~gin nino

man. Tinatawag din namáng Noli me Tangere ang masamang bukol na

nacamamatay na Cancer cung pamagatán n~g m~ga pantás na mangagamot.

_Sa han~gad na ang m~ga librong NOLI ME TANGERE at FILIBUSTERISMO, na

kinatha n~g Dr. Jose Rizal ay maunáwa at málasapang magaling n~g

catagalugan, ang m~ga doo'y sinasabing nagpapakilala n~g tunay nating

calayaan at n~g dapat nating gawiin, at nacapagpapaálab, namán n~g

nin~gas n~g ating puso sa pag-ibig sa kinamulatang lupa, minatapat cong

ipalimbag ang isinawikang tagalog na m~ga librong yaon, sa dahilang sa

bilang na sampòng millong (sampong libong libo) filipino, humiguit

cumulang, ay walang dalawampong libo ang tunay na nacatatalos n~g wicang

castila na guinamit sa m~ga kinathang yaón._

_Cung pakinaban~gan n~g aking m~ga calahi itong wagás cong adhica,

walang cahulilip na towa ang aking tatamuhin, sa pagca't cahit

babahagya'y nacapaglicod acó sa Inang-Bayan._

_Maynila, unang araw n~g Junio n~g taong isang libo siyam na raan at

siyam._

Saturnina Rizal ni Hidalgo,

ó

Noli Me Tangere · 第 8 / 51 题